"Huh?" I mumbled out of shock... What the heck?

"You may sit down, Mr Del Castillo..." Sabi ni ma'am sa kaniya at nag tawag ulit ng leader.

Sila? Ka-group ko? What the! Wala bang ibang ka-group jan?! Ma'am naman eh! Ano naman kayang task ang na assign sa amin.

"That's all for today. Kindly discuss your plan with your group. Next Friday will be it's deadline. Goodbye everyone." And then lumabas na si ma'am.

Nagbulungan naman agad ang mga classmates ko pagkalabas ni ma'am. May ibang tahimik lang nag hihintay sa susunod na prof. Yung mga nag bulungan ay yung mga magkakagroupo.

Napalingon naman ako sa dalawa na tahimik lang, si Alexus nag lalaro sa cellphone niya, si Ice wala lang, nakatingin lang sa may bintana.

Ano to? Wala na silang planong gawin ang project na binigay sa amin? Wala man lang ba silang planong makipag-breifing man lang?

"Elshein!"
Nabaling ang tingin ko sa kanan ng may tumawag sa pangalan ko. Si Joellen pala.

"Mag ka-group tayo?" Parang hindi makapaniwalang tanong niya habang tinuturo ang sarili maging ang dalawa sa kaliwa ko.

Ngumiwi lang ako at tumango. Napanguso naman siya at umayos ng upo. Kung nagulat ka, mas nagulat ako. Tsk...

Nang mag uwian, nakisabay si Joellen sa akin palabas ng building.

"Hindi ba tayo makikipag meeting sa dalawa?" Tanong niya.

"Hindi nga natin alam kung anong task ang ibinigay ni ma'am." Aniya na nakaanguso pa.

"Why don't you ask them." Sabi ko naman habang nasa daan ang tingin.

"Eh? Ayoko. Ikaw nalang kaya?" Suhestiyon niya naman.

"Tsss..." Hindi na ako sumagot. Panay reklamo naman siya bakit naging sila pa ang ka grupo namin, hanggang makarating kami sa baba.

Nagpaalam siya sakin na pupuntahan pa niya ang kaibigan niyang palagi niyang kasama na nasa kabilang building.

Naglakad naman ako putungo sa parking lot. Dahil gabi na naman kami natapos kunti nalang ang tao. Tuwing Monday lang naman ako nakakauwi na may araw pa.

Haynaku, bakit ganito ang schedule namin! Nang makauwi ako sa bahay ay nandon na si Clayd at Zel, wala pa si Blake.

Dumeretso agad ako sa kwarto para magpalit ng damit. Lumabas lang ako para mag dinner at bumalik sa kwarto para gawin ang mga assignment ko.

Sa sumunod na araw ganon parin. Tuwing walang prof ay lumalapit si Joellen sakin at nangungulit tungkol sa task na binigay ni ma'am sa amin. Pero hindi ko siya pinapansin. Bahala sila kung wala silang balak gawin ang task na kasama kami.

"Excuse me Mr Del Castillo, pinapatanong ni Shein kung ano daw ang gagawin natin sa task na binigay ni ma'am Ching." Medjo malakas na pagkakasabi ni Joellen.

Matapos niyang sabihin iyon ay nag tago siya sa gilid ko at yumakap sa bewang ko. Natawa naman yung iba naming classmates kahit maging si Alexus ay nadinig kong natawa.

Kahit na nagulat ako sa ginawa niya. Di ko mapigilang matawa.

"Hoy ano na, maglalakas loob kang magtanong dinamay mo pa ako, tapos mag tatago ka jan." Natatawa kong sabi habang mahinang tinatanggal ang kamay niyang nakapulupot sa bewang ko.

"Eh!!!" Mas humigpit pa lalo ang hawak niya. Mas natawa naman yung mga malapit sa pwesto namin.

"Nakakatakot." Bulong niya. Mas lalong nagtawanan yung mga nakarinig kahit maging ako ay natawa. And I even heard Alexus laughed.

PLUNDERER CHIC (COMPLETED)Where stories live. Discover now