Simula nong nangyari ang sagutan namin ni Ice about daydreaming, she didn't treat us strictly like before, especially me. Although, hindi magbabago iyong palagi siyang magtatawag ng student para questionin.

Agad niya akong pinapasok, at walang imik akong naupo sa upuan ko.

I didn't dare to look to the guys next to me. Kahit na, ramdam ko ang tingin nilang dalawa.

"Ms Estamante, since you were late. Tell us something about what Marketing is." Medjo nabigla ako sa pagtatanong ni ma'am.

Grabe naman, purke late ako. Tsk!

I look at her naturally bago ako tumayo. She's looking straight at me waiting for my answer. I took a deep breath before stating my answer.

"Marketing refers to the activities which are concerned with facilitating and consuming exchange... The major marketing functions are exchange, distribution and facilitating... And a market is people with needs to satisfy, money to spend, and willingness to buy." I shortly answered and tumango tango naman si ma'am.

"And how does marketing works?" She asked again.

"It works with a right and effecting planning.... They call it Marketing Plan, an outline of actions designed to achieve a specific set of goals in business... Also includes strategies and effort to how producers can satisfy their consumers."

"Very well Ms Estamante!" Ma'am Jhoanna commented while grinning and let me take my seat. Then she continue talking infront.

Napabuntong hininga naman ako at napalingon sa left side ko. Napatingin ako sa nakangising Alexus at seryosong Ice... Napairap nalang ako at bored na ibinalik ang tingin sa harapan.

Hanggang sa matapos lahat ng afternoon classes ko wala akong naintindihan sa mga diniscuss kahit na nakikinig naman ako. And thankful wala ng may nagtanong sakin dahil hindi ako segurado kong masasagot ko sila ng tama.

When dismissal came, ay agad akong lumabas ng classroom. Nasa baba  na ako ng building when I saw one of my professor who gave a task earlier.

"What the fuck!" I muttered when I remembered I haven't answered the textbook. 

Hinanap ko agad ang textbook sa bag ko, but I can't find it.

Shit, san ko ba nilagay iyon!? Then my eyes widen when I remembered that it was on my desk.

Dali-dali akong naglakad pabalik sa classroom ko. Pero wala naman akong nakitang textbook sa table ko ngayong hapon? Hindi kaya kinuha ng classmates ko at ipinasa na?

Pero alam ko, wala pang may nagcontribute noon, since I saw one of my classmates holding one while we're having class.

Natigil ang iniisip ko nang makasalubong ang dakilang yelo and he's alone.... Umiwas ako nang tingin at patuloy lang ang paglalakad, hanggang malampasan ko na siya.

Agad akong pumasok sa classroom at may ilan pa akong classmates na nandon.

Hinanap ko agad ang textbook ko at tinanong ang mga classmates ko kung may nakita na sila sa desk ko. But sadly, it was nowhere to be found!

Parang sasabog ako sa inis sa loob-looban ko. Just where the fuck is it!

Inis akong lumabas ng classroom at nag lakad paalis. Hanggang makarating ako sa parking lot. I saw Zel's already in her car.

"What's with that face?" She immediately asked nang makapasok ako sa loob ng kotse.

"What?" Taas kilay kong tanong. But she just shrugged her shoulders and pinaandar na ang sasakyan.

PLUNDERER CHIC (COMPLETED)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin