"Hindi ako naniniwala na 'yon lang ang dahilan."

"We're friends, right? I was just trying to help you."

Napapailing na lang si Gab. Hindi siya makapaniwala sa mga naririnig kay Jin. Iniisip niya na nagsisinungaling lang ito.

"'Yon nga lang ba talaga?"

"Yes, Gab."

"Hindi ba pwedeng magsimula tayo ulit?"

"I already made up my mind. I've decided that I’ll leave this country kapag nahanap ka na. Nahanap ka na, hindi ba? That means, I'll be leaving soon. I just want to keep things the way they are months ago."

Hinawakan ni Gab sa balikat si Jin.

"Hindi ka pwedeng umalis, naiintindihan mo? Hindi ako makakapayag na mangyari 'yon."

"Simula nung dumating ako dito, nagkagulo na. Ang dami-daming nangyari. Maraming tao ang nadamay. Gusto ko lang na maging okay na ang lahat."

"Sa tingin mo magiging okay ang lahat kapag umalis ka?!"

Tumango si Jin. 'Yon lang talaga ang naiisip niya na paraan para bumalik sa dati ang lahat.

"Hindi, Jin! Sa tingin mo ba maibabalik mo pa ang lahat sa dati? Hindi mo na 'yon magagawa lalo na't alam namin na buhay ka. Kung hindi namin alam na buhay ka, siguro kaya pa na maibalik ang lahat sa dati. Kahit na umalis ka pa, susundan at susundan pa din kita. Hindi ako titigil, Jin."

"Tama na, Gab! Hindi ba pwedeng ibalik na lang sa normal ang lahat? 'Yong masaya kayo ni Mika at masaya din kami ni Terrence. Siguro hindi lang talaga tayo ang para sa isa't isa kaya ganito. 'Wag na sana nating pilitin pa."

"Mali ka dyan. I think we're destined to meet again."

"Hindi ako naniniwala sa destiny, Gab. Ang destiny, naiisip lang 'yan ng mga bata dahil sa mga napapanood nila na fairytales. Matanda na tayo para sa mga ganyang bagay."

"Kung hindi 'yon totoo, sa tingin mo bakit tayo nagkita ulit?"

"Nagkita lang tayo para maalala ko ang lahat, ganun lang 'yon. Alam mo, walang pupuntahan 'tong usapan natin. Aalis na ako."

Aalis na sana doon si Jin pero natigilan siya nang lumuhod sa harap niya si Gab.

"Gab, what are you doing?! Tumayo ka nga diyan!"

"Hindi ako tatayo dito hanggang hindi ka nangangako na hindi ka aalis."

Simula noong maalala ni Jin lahat ng mga nangyari sa kanya noon, nagsimula na din na lumambot ang puso niya ulit. Bumbalik na siya sa dati niyang sarili.

'Hindi 'to pwede. Hindi ako pwedeng magpaapekto sa mga pinapakita niya sa 'kin. Ako si Shane, hindi si Jin. Hindi nila pwedeng makita ang mga kahinaan ko dahil kapag nangyari 'yon, maaapi na naman ako at hindi ko hahayaang mangyari ulit 'yon,' naisip niya.

Nanigas ang katawan ni Jin sa kinatatayuan niya. Hindi niya alam ang dapat niyang gawin o sabihin dito para tigilan siya nito. Ang alam niya lang ay hindi siya dapat magpatalo sa mga kahinaan niya.

Game of Love 2: Still in Love (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon