CHAPTER 7.5

6K 331 44
                                    

-------------------------------------
---------------------------
Chapter 7.5

Make Friends
---------------------------
--------------------------------------

"WHO are they?"

"Who is that tiny little thing?"

"Look at the guy's holding beside him, she's so cute! But poor thing, she might easily break if i dare to touch her."

"Is that a walking doll?"

Dinig kong mga usap-usapan ng mga batang nagtitipon-tipon habang ang mga mata nila'y nakatutok sa amin nina Nightfall. Hindi ko gaano narinig ang mga sinabi nila dahil medyo malayo sila sa amin.

Lihim akong napanguso dahil may kakaiba sa paraan ng pagtingin ng mga bata sa akin. Apat lamang sila at may isa sakanila na nasisiguro kong mas matanda kaysa sa tatlo.

"Oh hello kiddos! If it's okay, can we join you?" matamis na ngiti na ani Nightfall.

Napapatingin talaga ako kay Nightfall sa tuwing nagsasalita siya, kakaiba din ang karisma niya kaysa sa dalawa pa niyang kambal. Ewan ko ba hindi ko rin maintindihan.

Tiningnan ko ang mga bata at bigla nag iba ang kanilang ekspresyon nang kausapin sila ni Nighfall.

"Ye...Yes." nahihiyang sagot ng batang babae na nasisiguro kong mas bata sa tatlo.

"Sure! Nice to meet you, Sir. I'm Davin Solace." pagpapakilala nito. Napatingin ito sa akin saka siya ngumiti."Who is that child you are holding?" maligalig na wika ng batang si Davin. Kulot ang itim nitong buhok at malaki ang mga mata. Kitang-kita ko ang linaw ng kaniyang mata at haba ng kaniyang pilik-mata. Hindi ko maitatangging may kakyutan din itong chikiting na ito. Pangalawa siya sa malaki sa tatlo. At yung matangkad naman ay nasisiguro kong nasa anim na taong gulang na rin.

"Oh! This is my child, My baby Frostine Winter. You can call her Winter." ani Nightfall. Hindi ko na inabalang iangat pa ang ulo ko para tingnan siya dahil nangangawit ako kakapalit-palit ng atensiyon. "Say Hi to them, baby Winty." ika ni Nightfall. Naramdaman kong ibinababa niya ang kaniyang sarili at pumuwesto sa aking likuran. Hinawakan niya ang braso ko saka iwinagayway sa harapan ng mga bata.

"Hello cutie! I'm Davin! Let's be friends!" kita ko ang excitement sa mukha ng batang lalaking ito. Nilapitan ako nito saka hinawakan ang munting kamay ko at nakipag-shakehands sa akin.

"Hey! Don't touch her!" biglang sulpot ni Renji. Nawala sa loob ko na kasama rin pala namin ang dalawang anak ng kaibigan ng kambal at napagtanto ko rin na kasama rin pala namin yung mga bata na anak ata nung dalawang kaibigan din ng kambal.

Sumasakit ang ulo ko, napakaraming bata sa paligid ko.

"Renji! What the heck are you doing!?" saway ni Ryuji sa bunsong kapatid nito.

"I don't want anyone else approaching Baby Winty! And I don't want anyone else touching her! Except me!"

Lihim akong napabuga ng hangin dahil sa pinagsasabi ni Renji. Alam kong cute ang mga batang ito pero sumasakit talaga ang ulo ko pag may maiingay na bata. Aminado akong bata rin ako, pero ayoko talaga sa bata...slight lang.

May pagka-Efraim din pala itong si Renji. Yun nga lang, mas mabait si Renji kaysa sa loko-loko kong kapatid.

"Hey, hey. It's okay Ren, he just wants to be friends with Baby Winty. Be kind to them okay?" ika ni Nightfall kay Renji. Hindi ko talaga alam kung kaano-ano ni Nightfall sina Ryuji at Renji.

Nilingon ko si Renji at kita kong ngumuso ito habang salubong ang mga kilay niya at masama ang mga tingin nito. Hindi ko alam kung bakit dahil bigla na lamang ako napatitig kay Renji. Ang cute pala talaga niya pag galit noh?

"Bu..But, I don't want Baby to have any other friend besides me." medyo nagtatampo ang tono ng pananalita nito. Lihim akong natawa dahil sa kakyutan ni Renji. Mga bata nga naman.

Nagulat ako nang biglang sapukin ni Ryuji ang bunsong kapatid nito gayon din si Nightfall. Hindi naman malakas, mahina iyon pero nagulat parin kami sa ginawang pag sapok ni Ryuji sa noo ng kapatid nito.

"Idiot, You have no right to ban Winter from everything especially when it comes to friendships with others." seryosong wika ni Ryuji sa kapatid nito.

Hala, siraulo to'ng batang ito. Bakit kailangan pang sapukin kung pwede namang pagsabihan diba?

Kita ko rin ang panlalaki ng mga mata ni Renji at mukhang mangingiyak na ito. At hindi nga ako nagkamali dahil nagsimula na itong umiyak.

"Wha..What the---" hindi malaman ang gagawin ni Nightfall. Nasa likuran ko siya at nakaalalay sa akin at hindi maiwan-iwan para lapitan si Renji na umiiyak na. Natataranta pa ito at palipat-lipat ng tingin sa amin ni Renji kung sino ang aasikasuhin niya. "Ryuji! Why did you do that!?" pinanlalakihan ng mga mata ni Nightfall si Ryuji.

"Relax, Uncle. I didn't hit him that hard." walang buhay na ani Ryuji. Napanganga na lamang ako sa inasal niya. Ganoon din si Nightfall na natulala na lamang kay Ryuji.

Pinagsabihan pa ito ni Nightfall pero hindi ko na lamang pinakinggan. Naiirita na ako sa ingay nila, iyak ni Renji at dada ni Nightfall. Kaya inilipat ko na lamang yung atensiyon ko sa apat na mga bata na pinapanood pala nila sina Nightfall.

Hindi ko napansin na wala na pala si Nightfall sa likod ko dahil wala akong pakialam. Ni hindi ko nga namalayan na kanina ko pa pala sila pinapanood nila Nightfall na wala na pala siya sa likuran ko. Hindi ko nga alam kung paano nangyari na wala na siya sa likuran ko.

Dibale na lang, wala talaga akong pakialam. Bored na bored na talaga ako. Gusto ko na talaga makauwi.

Inilipat ko na lamang ulit ang atensiyon ko sa kung saan dahil nauumay na talaga ako dito. Hindi ko inaasahan na mahahagip ng mga mata ko ang mga batang pamilyar sa akin malapit sa fountain.

Sinubukan kong pagmasdang maigi at baka sakaling nagkakamali lamang ako ng tingin.

Pero sa hindi rin inaasahan ay napatingin din sa akin ang pamilyar na isa sakanila.

Hindi nga ako nagkakamali siya nga iyon!

Pero paano siya nandito?

Anong ginagawa ni Goshenite dito?


=======================
Sorry guys late update na naman, ang weird lang kasi sa tuwing gusto ko makapag update saka lamang may dumadating na problema. Apr. 24 bday ko then iyon din yung araw na nag-away ang parents ko hanggang ngayon. Kaya distracted ako at hindi makapag update pasensya na kayo.

The Mafia's Illegitimate Child (Book 2) (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon