CHAPTER 4

7.6K 445 73
                                    

-------------------------------------
---------------------------
Chapter 4

Tea Party
---------------------------
--------------------------------------

ABALA akong nag-aaral kasama ang mga bata. Si Midnight ang babysitter namin ngayon, ang dalawa pa nitong kambal at yung dalawang bisita ay may inaasikasong hindi ko naman alam dahil hindi naman ako interesadong malaman.

Narito kami ngayon sa study room ni Midnight at sinasamahan kaming mag drawing. Syempre ako, hindi makapag drawing ng maayos, dahil kanina pa ako sinisiksik ng mga bata. Dikit nang dikit sila sa akin na halos magmukha na akong palaman dahil pinaggigitnaan nila ako. Naiipit na ako sa pinaggagawa nilang pagsiksik sakanilang sarili sa akin. Hindi ba nila alam na hindi na ako makahinga?

Itong si Midnight naman mukhang hindi niya kami napapansin dahil abala siya sa hawak nitong selpon. Sarap batuhin ng krayola, tsk.

"Yameru! Nasisikipan si Fuyu!" anang usal ni Renji sa mahinang boses. Hindi ko iyon inasahan na magsasalita siya sa wikang tagalog. Potek na iyan, marunong naman pala silang managalog, kanina pa nila dinudugo utak ko sa japanese language nila.

"Alam mo naman pala eh, why didn't you just leave?" ani Ryuji na seryoso ang mukha.

Argh! Kaya ayoko sa mga bata eh...slight lang. Ang kukulit at ang iingay pero mga cute na nilalang kaya pagbibigyan ko sila.

Parati na lang ako napeperwisyo sa mga ito, gusto ko nang katahimikan, baka naman gusto niyo akong pagbigyan kahit ngayon lang?

Simula nang makarating ang mga kamag-anak ng kambal kahapon, ay nagsimula na namang sumira ang matahimik kong buhay. Paano ba naman, matapos kumain ng tanghalian kahapon ay pinagtripan na ako ng dalawang lalaki pati ng mga bata. Tsk.

Pero infairness hindi ako makatanggi sakanila, ang guguwapo nilang mga nilalang. Para tuloy akong napadpad sa mundo ng puno ng mga kalalakihan. My own harem world---chos!

Itong sina Ryuji at ang bunsong kapatid nitong si Renji ay tahimik na mga bata. Nakipaglaro din sila sa akin kahapon matapos ang tanghalian. Grabe ang saya nilang kasama, at makalaro. Taenang iyan nakikipaglaro sa akin,hindi nagsasalita buong maghapon, hanep.

Ngayong araw lang sila nagsalita at nakikipagtalo ngayon.

Kanina pa papalit-palit ng salita ang dalawang paslit sa magkabilang gilid ko at hindi ko na lamang sila inintindi dahil nagsisimula na akong mairita sakanila. Ilang beses ako nagpapansin kay Midnight para makita niya ang pinaggagawa ng magkapatid sa akin upang masaway niya, ngunit ang tukmol na ito hindi parin niya ako nililingon o pansinin man lang. Talagang abala siya sakaniyang ginagawa sa kaniyang selpon. Tsk.

Nakabusangot ang mukha kong iniyuko ang ulo ko upang makaisip ng paraan para patigilin ang dalawang paslit na ito.

"Don't push her!" -Ryuji.

"I did not!" -Renji.

Lihim akong napabuntong-hininga bago ko muling iniangat ang ulo ko, saka sumalubong ang mga kilay kong hinawakan ang magkabilang braso ng mga bata sa magkabilang gilid ko.

"Staphuu!" pigil ko sakanila dahilan upang sila'y manahimik.

At sa wakas ay na sa akin na rin ang atensiyon ni Midnight na may pagtataka sa kaniyang mga natang nakatingin sa amin.

"What's happening?" animo'y wala sa sariling mundong ani Midnight.

"Ka...Kawaii." tulalang sambit ng dalawang bata.

The Mafia's Illegitimate Child (Book 2) (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon