CHAPTER 5

7.8K 556 146
                                    

-------------------------------------
---------------------------
Chapter 5

Guests
---------------------------
--------------------------------------

NATATARANTANG pabalik-balik ang tatlong kambal sa walk-in-closet ko at lalapit sa akin para bihisan ako ng kanilang kinuhang bestida at huhubarin sa akin at babalik muli sa loob. Halos mandilim na ang paningin ko sa pagkahilo dahil kanina pa sila pabalik-balik. Paano ba naman bukas na ang Tea Party na sinasabi nila, ni hindi nga ako aware na may a-attend-an pa pala akong party, kanina ko lamang nalaman pero hindi ang buong detalye.

Gaano ba ka-big deal sakanila ang party na iyon? At kailangang bongga ang isusuot ko?

Kung kailan gabi na ay saka pa naisipan mag handa ng isusuot ko para bukas. Baka naman bilisan niyo, hindi ako pwedeng mag puyat, masama iyon sa batang-katawan ko.

Hindi naman banquet ang dadaluhan ko kaya hindi ko na kailangan ng bestidang magara, magtsa-tsaa lang naman kami roon kaya nga 'Tea Party' eh, hindi na nila kailangan mag effort ng malaki.

"This one! This one will suit Fuyumi!" nagniningning ang mga mata na usal ni Twilight habang hawak-hawak ng kanang kamay niya ang bestidang naka-hanger at sa kaliwang kamay niya ay yung pares ng sapatos at iba pang accessories ng bestida.

"This one! This one will suit Fuyumi!" nagniningning ang mga mata na usal ni Twilight habang hawak-hawak ng kanang kamay niya ang bestidang naka-hanger at sa kaliwang kamay niya ay yung pares ng sapatos at iba pang accessories ng bestida

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Parang gusto ko na lamang maging hakdog sa freezer. Anong klaseng bestida iyan!?

Bakit ba hindi nawawala ang mga bulaklaking disenyo na pinasusuot sa akin ng tatlong bonak na ito. Siraulo ba sila? Gagawin pa nila akong paso. Hindi lamang iyon, para akong aattend sa isang kasal kapag sinuot ko ang bestidang iyon.

Kulay puti ang bestida at nababalutan ng bulaklak na disenyo sa dibdib nito gayon din sa pinakadulo nito sa ibabang bahagi ng bestida. May flower crown pa ito, at ang gloves naman ay may disenyo ring bulaklak, gayon din sa sapatos.

Ano ba iyan, nakakairita naman parati na lamang bulaklak, nakakasawa na. Maawa naman kayo sa akin mga hanimal.

"That's pretty! She will look like a fairy in that dress." malawak ang ngiting wika ni Midnight.

"I agree. I want Yumi to wear that too." tangong ani naman Nightfall. Langya, panibago ko na namang nickname. Hindi talaga kayo nauubusan ng ibang pangalan na maitatawag sa akin noh?

"Good! That's final! This one Winty will wear for tomorrow." anunsiyo ni Twilight at sabay na tumango ang dalawang tungaw---este kambal.

Sa wakas ay natapos na rin sila sa pagpili ng aking maisusuot, pwede na akong makapagpahinga. Iniligpit na nila yung mga bestidang na nagkalat sa higaan ko atsaka inilagay sa lagayan ng mga damit ko. Iniayos muna nila yung higaan ko bago nila ako pahigain. Nang makahiga na ako ay akala ko ay si Midnight na ang maiiwan at magpapatulog sa akin. Hindi ko akalain na tatabihan nila akong tatlo at patutulugin. Edi mas lalo akong hindi makakatulog nito.

The Mafia's Illegitimate Child (Book 2) (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon