15

3 0 0
                                    


Their night went on. Pareho silang nag-ayos lang ng gamit at nakatulog din naman agad. May jet lag sila pareho at napagod din sa byahe.

Baekhyun has his itinerary ready. He looked up days before ang tourist spots and attractions na pwede silang mag-relax.

Kinaumagahan ay kinatok na ni Baekhyun ang isa para makagala na sila. Iisa-isahin nila ang activities sa Siargao.

Gising naman na ang isa kaya sabay na silang bumaba para kumain at makapag-surfing na rin.

Pumunta muna sila sa Cloud 9 kung saan pwede sila mag-surf. Naalala kasi ni Baekhyun na nasa bucket list ni Chanyeol dati ang surfing and gusto niyang mapanood si Chanyeol na mag-surf.

"Oh, surfing," sabi ni Chanyeol nang mapagtanto kung nasaan sila. He's excited.

"Try natin," si Baekhyun naman sabay hila sa 'asawa' para makapunta na sila doon. May nag-approach naman sa kanila na staff kaya sinabi nila ang pakay at sinamahan sila sa surfing place, nag-rent na rin sila ng boards at may trainor din.

Chanyeol looks so excited the whole time at nakatitig lang sa kaniya si Baekhyun. Relieved rin naman si Baek dahil mukha naman masaya ang birthday boy kahit bukas pa.

Habang tinuturuan sila, hindi mapakali si Chanyeol dahil gusto na nitong i-try sa tubig. And so he did. Pero nag-fail agad ito. Natawa lang si Baekhyun sa sobrang atat ng kasama niya ngayon. He's too scared na pumunta sa tubig. Kaya pinanood niya na lang muna si Chanyeol na paulit-ulit na nahulog sa board niya at halos kainin ng alon.

Ang saya niya ngayon. Natutuwa si Baekhyun doon. 'I'm glad he's enjoying it' he thought.

After several tries, Chanyeol finally gets the hang of it. Nagulat si Baekhyun noong tuloy-tuloy ang pag-surf ni Chanyeol hanggang pampang. Unconsciously na tumayo siya at pumalakpak.

Mukha siyang stage mother na tuwang-tuwa sa anak. Proud siya.

Hindi agad natigil ang pag-surf ni Chanyeol, patuloy lang din naman ang pagpapanood sa kaniya ni Baekhyun pero mukhang nakahalata ang isa.

"Baek, wanna swim?" He asked.

"Oh, ayaw mo na mag-surf?" Tanong din nito sa kausap.

"Not like that. Mas gusto ko lang na kasama ka," si Chanyeol habang malalim ang tingin sa mga mata ni Baekhyun.

Butterflies. Hindi alam ni Baekhyun kung saan nanggaling pero everytime na magsasabi ng mga ganito ang kaharap niya ngayon na halos hulaan ang nararamdaman niya gamit ang mga mata, nanghihina siya kasabay ng mga paru-parong lumilipad sa tiyan.

"Gutom na ko, kain muna tayo?" Pag-iiwas ni Baekhyun sa topic. Tinititigan niya pa rin ang kaharap. Narealize niya na ang gwapo pala ng 'asawa'. Mabait pa pero bakit hindi niya nakita noon? Ang sarap siguro mahalin. 'Hindi Baekhyun, hindi ganon. Wala 'yun' pagtanggi nito sa isip.

Tanghalian na rin kaya pumayag na si Chanyeol na kumain sila. Pumunta sila sa isang resto na malapit lang rin sa beach. Nag-crave kasi ng crabs si Baekhyun.

"Saan tayo sunod?" tanong ni Chanyeol para naman may pag-usapan sila. Mukha kasing ang lalim ng iniisip ni Baekhyun.

"Here lang din, gusto ko mag-swimming," Sagot lang nito. Marami pa naman silang time to explore other spots. Ngayon, relax muna ang gusto niya.

"Alright," tumango-tango lang ang matangkad sa kaniya habang malalim ang tingin.

"Can I have your spare key?" si Baekhyun, naiilang siya sa mga titig ng isa.

Unconsciously naman binigay ni Chanyeol ang spare key niya. Hindi rin nagtanong, inabot niya lang agad dahil nasa bulsa lang naman ng bag niya.

"Papalinisan ko kasi," Baekhyun tried to explain but Chanyeol cut him off.

"It's fine, no need to explain," sagot lang nito sa kaniya at nginitian.

Ayan nanaman, 'yung mga ngitian ng 'asawa' niya. Naiilang siya at hindi mapakali. Hindi niya alam kung bakit ang mga titig na 'yun ay para bang nagsasabi sa kaniya na 'it's okay, risk it all'.

Buti na lang at dumating na agad ang order nila kundi hindi siya makakatakas sa mga titig ng isa.

Kinuha ni Chanyeol ang mga crabs at binalitan ito sabay abot kay Baekhyun. The latter's heart flutters, sobrang bilis pa ng mga tibok nito. Mababaliw siya pag nagpatuloy 'to. Nakakatitig pa rin si Chanyeol habang kumakain sila. He doesn't want to miss any moment na magkasama sila ngayon ni Baek. He wished na dumating ang araw na 'to at sobrang saya niya na ibinigay, ipinagkaloob sa kaniya.

"Eat, Chanyeol. Stop staring at me," Baekhyun said in a low tone.

Natawa lang ang isa at tumango ito saka nag-focus sa kinakain niya.

"You're so beautiful," Chanyeol commented.

"Just eat, ano ba!" Nag-blush naman si Baekhyun dahil doon.

Medyo natagalan sila matapos dahil panay ang titig ni Chanyeol sa kaniya. Ang creepy n'on sa iba pero bakit kinikilig siya? Parang tanga.

"Tara na?" Pag-aya ni Chanyeol para makalabas na sila. Inalalayan niya rin ang asawa sa likod nito. "Ako na mag-tago ng bag natin" he added.

Tumango lang si Baekhyun at inabot ang bag kay Chanyeol. Pumunta na siya sa beach front para hintayin ang isa. Ayaw niya pang sumulong, kakakain niya lang.

"Hey, let's go?" Tanong ni Chanyeol na galing sa likuran niya. Tumango lang ito bilang sagot.

Hapon na kaya medyo mainit na ang beach pero kaya naman. November naman so may cool breeze pa rin kahit papaano.

Naupo muna sila sa beach front habang pinagmamasdan ang mga nagsu-surf at sa kabilang banda naman ang nag-swimming. Magpapababa muna ng kinain, sa pag-iisip ni Baek. Pero nagkamali siya dahil hindi pa nag-iinit ang pwet niya ay binuhat na siya ni Chanyeol at lumusong sa dagat. Nagulat siya biglaang pagkasulong kaya pinaghahampas niya ang 'asawa' sa balikat dahil buhat pa rin siya nito.

"Bwiset ka," sabi lang nito. Hindi naman siya galit, nagulat lang.

"Aray ko naman. Swimming nga pinunta mo dito hindi naman para mag-senti ka jan sa gilid," sabi ni Chanyeol habang hinihimas ang balikat. Nakababa na si Baekhyun sa mga braso niya at nakalubog sa tubig.

"Anong senti ka jan! Nagpapababa lang ng kinain!" Singhal naman ng maliit sa kaniya.

"Wala na, nandito ka na e,"

"Kasalanan mo kasi,"

"Sorry. Swimming na lang tayo o," natatawa-tawa pa si Chanyeol dahil mukhang kakainin na siya ng buhay ni Baekhyun sa sobrang galit.

Nag-swimming na ang dalawa nung una pero kinalaunan ay napag-pasyahan nila na i-try ang snorkeling.

It's almost sunset kaya bumalik na sila sa lupa. May aasikasuhin pa si Baekhyun.

"Chan, can you run an errand for me?" Nag-aalangang tanong niya.

"Yes, what is it ba?"

"I need to go to Siargao Central kasi pero may need akong ayusin dito so I'm wonderin if you can go there instead," panimula ni Baekhyun habang nilalaro ang mga daliri. "May kikitain ako dapat doon, may binili kasi ako sa kaniya, pakuha na lang 'yun. It's paid na," he added.

"Alright, I can do it for you," pag payag ni Chanyeol.

"Thank you, sorry baka naabala kita,"

"Hindi ka abala Baek, remember that," Chanyeol reassured his husband.

Ngumiti naman si Baekhyun at sabay na silang bumalik sa hotel para magbihis. Kinatok ni Chanyeol ang pinto ng room ni Baekhyun as a sign na aalis na siya. Narinig naman ito ni Baekhyun pero hindi niya na sinagot dahil nagbibihis siya. 

Before it sinks in (Chanbaek AU)Where stories live. Discover now