07

3 0 0
                                    


Nawala ang pag-iisip nito nang marinig na may bumaba, si Chanyeol. "Kumakain ka na pala," pagpansin ni Chanyeol na hindi man lang s'ya tinapunan ng tingin ng asawa.

'Hindi ba obvious?' Baekhyun thought. Naiinis lang s'ya na pati pagkain ay papansinin nito. Hindi n'ya na lang pinansin at itunuloy ang pagkain.

Pumunta naman si Chanyeol sa kusina para kuhain ang wala. Oo, wala dahil wala naman talaga s'yang kukunin. Excuse lang 'yun para makita kung si Baekhyun ba talaga ang kumakain kahit matic naman na 'yun dahil sila lang dalawa ang tao sa bahay.

"Uh, Chanyeol?" pagtawag ni Baekhyun sa 'asawa'. Naguluhan naman ang isa pero pumunta pa rin sa kusina. "I would really appreciate it if we would not cross each other's line," He added at nagpatuloy na sa pagkain.

Nalilitong umakyat si Chanyeol dahil anong line ba 'yun?

Mabilis natapos ang gabi at umaga na ulit. Monday. Pumasok na si Chanyeol sa kumpanya nila dahil ang tagal rin ng leave n'ya dahil nga sa kinasal s'ya. Ang iba ay nagulat ang iba naman ay hindi dahil expected na 'yun na kailangan ng mga Parks ang Byun para isalba ang kumpanya nila. Masyadong makapangyarihan at kilala ang mga Byun. Hindi naman pinansin ni Chanyeol ang sari-saring opinyon na nasasalubong n'ya. Ayaw n'ya ng stress, umagang-umaga.

Naiwan naman si Baekhyun sa bahay nila. He's jobless. Kung hindi naman dahil sa kasal nila ay may pinagkaka-abalahan sana s'ya ngayon. Kaso nga, ayun.

Naisip n'ya na mag-shopping na lang para naman may magawa s'ya sa araw na 'to. At makapag 'me time' na rin. He called his friends Kyungsoo and Jongdae para sabihin na samahan s'ya at kailangan n'ya rin ng chaperone dahil hindi naman s'ya marunong mag-drive at mag-commute. Saka it's been a while since they last met.

Pumayag naman ang dalawa at sinabing papunta na.

Kyungsoo and Jongdae are both artist. Freelancer din sila dahil mas magkakaroon sila ng time to balace work and their lifestyle. They're too young to stress themselves from work. Wala rin naman silang sinusustentuhan since they came from a wealthy and supportive family.

Naligo na si Baekhyun at sinuot ang hoodie at pants n'ya. Tinatamad kasi s'ya mag mix and match ng susuotin and knowing the two, hindi pa 'yun agad na aalis. Chikahan muna ang gagawin nila.

Narinig ni Baekhyun na may nag-doorbell kaya bumaba na 'to para pagbuksan ang mga bruha.

"Tagal ah, anong ganap?" bungad ni Jongdae at agad naman itong pumasok at umupo sa sofa. Ganon din ang ginawa ni Kyungsoo.

Napailing na lang si Baekhyun at sinara ang pinto para sundan ang dalawa sa salas. He owe them teas.

"Anong nangyari sa Japan at bakit may pabahay si mayora? Buti na lang tinext mo samin 'yung address. Lagi kaming late sa balita sa'yo," sabi ni Jongdae nang makaupo na si Baekhyun sa sofa. "Wala naman nangyari sa Japan. We have separate rooms so we barely seen each other," paliwanag ni Baekhyun.

"I think, ikaw ang nag-suggest no'n," Jongdae said na tinanguan naman ni Baekhyun. "As expected of you," Kyungsoo replied. Napailing lang ang huli. "Have you even eat together?" Kyungsoo asked.

"Yeah," casual na sagot ni Baekhyun. Na-curious ang dalawa.

"You ate each other?" pag-ulit ni Jongdae sa tanong ni Kyungsoo pero binatukan s'ya nito. Natawa lang si Baekhyun.

"It's a simple meal, sabay lang kaming lumabas ng kwarto and ayun, we barely talked tho," he added

"We expected that much," Jongdae commented.

"Kamusta ka rito?" tanong ulit ni Jongdae at inilibot ang mata sa bahay nila. "It's cozy, to be honest," he added. Ma-alam din kasi ito sa interior design. "Are you two staying here or," tanong pa nito.

Naalala nanaman ni Baekhyun ang nangyari kahapon kaya hindi n'ya naiwasan na mainis. "We're staying together here, different rooms tho. Pero kahit na, just the thought of him, with me, naiinis ako. Saka alam n'yo 'yun nung nasa Japan kami, we barely see each other tapos ngayon he would act nice in front of me, akala ko ba ayaw n'ya sa set-up na 'to tapos biglang ganon. I really hate him crossing the lines, again, for what? Nakakinis!" mahabang sabi nito. Hindi n'ya nga alam kung saan nanggaling lahat ng 'yun. Sa inis siguro.

"Are you really mad or just confused?" Jongdae asks. "Kasi tingin ko naguguluhan ka lang sa pinapakita n'ya. Since sabi mo nga, you two barely see each other sa Japan tapos all of a sudden, bumait s'ya sa'yo kasi magkasama na kayo," he added. Kyungsoo nodded.

"Why would I though? Para saan. Naiinis lang talaga ako," depensa ni Baekhyun.

"Na baka mahulog ka, kapag ayan, malapit s'ya at mabait sa'yo," tugon ni Jongdae.

"As if," Baekhyun scoffed.

"Then why are you distancing yourself from him? Wala akong nakikitang masama sa pagiging mabait n'ya. Una pa lang you distance yourself, sa Japan pa lang. That's why sobrang dalang n'yo magkita. Now, you're together, iniiwasan mo ulit at naiinis ka kasi nagiging mabait sa'yo. That's because you're scared that you might fall for him," Kyungsoo explained. He barely talks pero kapag ganito na ang usapan at natatanga na ang kaibigan n'ya, wouldn't think twice to spit out what's on his mind.

"Imposible 'yun! Ako mahuhulog?" pagtanggi ni Baekhyun. He thinks na that's not the point. His friends misunderstood his sudden rant.

"Then, prove it. Prove it Baek na you wouldn't fall for him," Kyungsoo provoked Baekhyun.

"Bakit ba parang mas alam n'yo pa ang nararamdaman ko ha?" inis na sabi ni Baekhyun. Hindi n'ya maintindihan kung bakit pinipilit ng mga kaibigan ang usapin na 'yun.

"Kaya nga, ipapakita mo sa amin na mali kami diba?" si Jongdae.

"Bakit ko naman ipapakita sa inyo, una pa lang mali na kayo," si Baekhyun. Naiinis na s'ya at pag tinuloy pa nila 'to at hindi tumigil, baka 'di n'ya mapigilan ang sarili.

"Why are you so against it then? If you're not scared, you would be up for it since confident ka na wala ka talagang mararamdaman for him regardless of all circumstances present," Kyungsoo explained once again. Sobrang nafu-frustrate ns siya sa kaibigan.

"That's just pure bullshit," Baekhyun said as he stormed out at pumunta ito sa kwarto. Ayaw niya muna na may manggugulo sa kan'ya. For sure, hindi naman agad s'ya iiwan ng mga kaibigan. Magpapalamig muna siya ng ulo. Una, ang 'asawa' niya na nandito na at kasama n'ya. Ngayon ang pangungulit sa kaniya ng mga kaibigan. Gusto n'ya lang ng tahimik na buhay.

Humiga si Baekhyun sa kama at tumingala. Wala siyang ibang maisip kundi ang sinabi nila Jongdae sakaniya. May point si Kyungsoo aaminin niya pero ayaw niya lang talaga na tanggapin ang ideya na 'yun. Nasasaktan ang pride niya? Baka. Paulit-ulit na nag-replay ang sinabi ni Kyungsoo sa kaniya. "Kaya nga, why would I be mad kahit sa presensya lang n'ya? As if naman alam n'ya ang reason ko," he thought. 

Before it sinks in (Chanbaek AU)Where stories live. Discover now