12

3 0 0
                                    


Bumaba na siya, inasahan niya na baka wala si Chanyeol pero mali ata 'yun.

"Good Morning," bati ni Chanyeol na mukhang kakatapos lang magluto at malaki pa ang ngiti sa labi.

"Hm, Good Morning," sagot naman ni Baekhyun na medyo inaantok pa.

"I cooked your favorite. Pambawi kasi hindi ka nakapag-dinner kagabi."

"It's fine ano ka ba, I was the one who suggested for a drink."

Chanyeol smiled unconsciously. Sobrang saya niya lang na kinakausap na siya ng asawa at pumayag pa na sabay silang kumain.

"Do you have plans today?" Chanyeol asked habang kumakain sila. This time, hindi na mabigat ang atmosphere nilang dalawa.

"Wala naman," Baekhyun replied pero hindi tinapunan ng tingin ang isa.

"Wanna play xbox?" Pag-aaya ni Chanyeol.

Parang may magic spell 'yung sinabi ni Chanyeol at napatingin naman si Baekhyun sa kaniya at makikita rito ang amusement sa mga mata.

"You bought one?" Baekhyun asks with sparkling eyes.

"Oo, I remember us playing xbox back then tuwing natatapos ang midterms."

'Yeah. Those were the days.' Baekhyun thought unconsciously.

May kung anong kumirot sa puso ni Baekhyun. Thinking of that makes him wanna go back. Pero baka wala naman na 'yung takot. Baka pwede na ulit sumugal. Baka rito, worth it na masaktan. Baka handa na ulit. He thought as he stared at Chanyeol na ngayon ay kaharap niya. Natatakot siyang sumugal, oo pero kung para kay Chanyeol? Nagdadalawang-isip na siya. Kung ang tatanongin ay 'yung dating Baekhyun, baka inalisan niya ang asawa pero, ayan nanaman. Ready naman siyang masaktan e. Ang kinatatakot niya lang ay makasakit, nanaman. Tapos lalayuan niya nanaman ang mga tao para hindi na maulit 'yun. Lahat gagawin niya para hindi maulit 'yun kahit kapalit pa n'on ay kasiyahan niya.

Sasamahan niya muna si Chanyeol sa mga trip nito pero may linya pa rin. May pipigil pa rin para hindi maulit, walang masaktan. Aware naman siya, una pa lang na mabait si Chanyeol kahit na may nagawa siya rito noon. Ayaw niya lang talaga na Chanyeol would let his guard down pagdating sa kaniya so he chose to be cold.

"Care to share?" Si Chanyeol. Natauhan naman doon si Baekhyun sa pagtawag sa kaniya.

"Nothing, just random thoughts hehe. Are you done? Ako na sa dishes," si Baekhyun na pilit inaayos ang sarili.

"Ako na, kaya ko naman. May hangover ka pa."

"Aight, I'll just set this up,"

Pagkatapos ni Chanyeol na maghugas, kumuha siya ng coke diet na isa at isang regular sa ref nila at dinala ito sa sala. Naabutan niya na naglalaro na si Baekhyun ng mario at hinihintay siya. Napangiti si Chanyeol sa thought na 'yun. Everything feels surreal.

Tinapik ni Baekhyun ang sofa sa tabi niya para senyasan na upo si Chanyeol doon. So the latter did. Nilapag lang ni Chanyeol ang dala sa center table sa tapat nila at umupo sa tabi ni Baekhyun.

They started playing a game. Parang nawala ang awkward na nararamdaman ni Baekhyun dahil siguro naglalaro sila ulit o dahil competitive ang 'asawa' niya. He feels nostalgic. Masaya siya.

Hindi nila naramdaman na halos ilang oras na sila naglalaro at kung ilan na ang nalaro nila.

Nag-order rin si Chanyeol ng pizza para may snacks sila. After nila maglaro, nanood sila ng series sa netflix. They're both interested sa crime genre films kaya nagkakasundo sila agad. For Chanyeol, it was the happiest day of his life. For Baekhyun, it was a start of acceptance. Little did they know a month passed just like that. Sa loob ng isang buwan na 'yun, hindi lang napapansin ni Baekhyun, but Chanyeol would constantly open a topic for them to talk about. He would also make a time for them both, kahit sa gabi na lang sila nagkikita tuwing weekdays.

As days passed by, nagiging mas close sila. Chanyeol never fail to make a plan for them para may gagawin sila sa weekend o kaya pagdating niya sa bahay.

Baekhyun would constantly wait for his 'husband'. Excited siya 'pag dumadating ang isa. Hindi na tulad noon. Natutuwa naman si Chanyeol sa progress nila. Bumalik sila sa dati na magkaibigan. Bumalik 'yung bonding moments nila. Bumalik 'yung Baekhyun na nakilala niya. Everyday feels surreal para kay Chanyeol. Minsan iniisip niya na baka ang tagal niyang tulog at ayaw niya na lang magising pero hindi, kasi totoong nangyayari. Mas natutuwa siya 'pag ganon. Nakikita niya na ngayon ang mga ngiti ng isang Baekhyun Byun.

Baekhyun on the other hand, natutuwa rin naman siya at masaya pero andoon pa rin ang thoughts niya. Nandoon pa rin ang what ifs. Natatakot pa rin. May pumipigil pa rin. Pakiramdam niya nakalubog ang isang paa niya sa hukay dahil maling galaw niya lang, baka magunaw ang mundo niya.

Before it sinks in (Chanbaek AU)Where stories live. Discover now