02

9 0 0
                                    


Tuluyan na nakaalis ang mga magulang ni Baekhyun. Si Baekhyun na rin ang naghatid sa mga magulang n'ya sa gate at pumasok na agad ito sa bahay niya o nila.

"Sorry, pumunta pa 'ko dito," utas ni Chanyeol pagpasok ni Baekhyun sa salas.

"As if naman may choice ka diba?" Sarkastikong saad ni Baekhyun. Hindi naman s'ya galit, naiinis lang s'ya na nasa harap n'ya ngayon si Chanyeol dahil naaalala n'ya lang na kailangan nilang mag-sama.

"Alis na ko," paalam ni Chanyeol kay Baekhyun.

Hindi ito tinignan ni Baekhyun, "Hindi man lang ako tulungan dito sa gamit, parang walang kan'ya rito ah," saad ni Baekhyun sa utak n'ya.

Hindi naman sa demanding s'ya pero at least naman tulungan s'ya kahit papaano.

Mukha naman nabasa ni Chanyeol ang pinapahatid ni Baekhyun sa biglaang pagtahimik nito.

"Ako na d'yan," pagkuha ni Chanyeol sa hawak na laundry basket ni Baekhyun. Mga nakatuping damit lang 'yun na i-aakyat.

Mukhang naguluhan pa si Baekhyun sa nais iparating nang isa pero binigay n'ya na rin. Madami pa silang gagawin kaya 'di n'ya muna pag-iinitan ang 'asawa'

Lumipat naman si Baekhyun sa kusina para hugasan ang mga utensils, bigay ng mama n'ya kanina.

Pagkababa ni Chanyeol ay nakita nito si Baekhyun na naghuhugas. Hinayaan n'ya muna ito kinuha ang mga naka-box pa na appliances nila.

"Akala ko ba aalis ka na?" Naguguluhang tanong ni Baekhyun habang pinagmamasdan si Chanyeol na tanggalin sa box ang mga appliances na bago. Tapos na pala itong maghugas.

"Mukhang kailangan mo 'ko dito e," utas ni Chanyeol, hindi man lang tinapunan ng tingin ang asawa na nakatayo sa gilid habang naka-krus ang mga braso.

"Kapal ah," tanging sagot ni Baekhyun. Sanay na s'ya sa mga pagmamataas ni Chanyeol sa sarili. Nung magkaibigan pa sila ay ganito na talaga ito. Hindi nga alam ni Baekhyun kung saan ito nakakakuha ng lakas ng loob. Umiling na lang ito at hinayaan ang 'asawa' sa pag-aayos.

Hindi n'ya naman talaga kayang gawin 'yun mag-isa, kung may kasama, oo.

Buti na lang talaga nag-offer ang magaling n'yang 'asawa' para tulungan s'ya. Pero mas gusto n'ya kung ibang tao na lang. Awkward masyado kung sila lang dalawa e.

Tumuwa lang si Chanyeol sa naging reaksyon ng isa.

Pumunta na lang si Baekhyun sa taas para ayusin ang mga gamit n'ya sa sariling kwarto n'ya. Oo, sarili, dahil hindi naman sila nagtatabing dalawa. Napag-usapan nila 'yun una pa lang. Si Baekhyun ang may gusto non.

May kama na sa bawat kwarto kaya sa cabinet na lang nag-focus si Baekhyun. Medyo malaki ang cabinet n'ya dahil marami s'yang damit at gusto n'ya talaga sa mga ito. Ayaw n'ya naman ipamigay dahil sayang naman, kasya pa 'yun sa kan'ya at baka magamit pa n'ya.

Kinuha n'ya na ang maleta n'ya para ilabas ang mga damit n'ya. Tinupi n'ya ang iba at napansin n'ya na may hoodie doon. Hindi 'yun kan'ya, sa 'asawa' n'ya.

"O, nilalamig ka ata," pagpansin ni Chanyeol sa nanginginig na si Baekhyun sa tabi n'ya.

Nasa ibang bansa sila, 'honeymoon' daw nila. Lumabas silang dalawa para kumain. Ayaw sana ni Baekhyun sa sumabay kay Chanyeol pero mapilit ito kaya hinayaan n'ya na lang saka gutom na rin s'ya. Isang gabi lang naman silang magsasama, sa labas pa.

Hinubad ni Chanyeol ang suot na hoodie at binigay ito sa maliit.

"'Wag na, kaya ko naman tiisin," pagtanggi ni Baekhyun.

Before it sinks in (Chanbaek AU)Where stories live. Discover now