10

3 0 0
                                    


Umalis na s'ya ng mga alas nuebe. Nag-note lang s'ya kay Baekhyun na umalis s'ya. Kahit naman alam n'ya na hindi binabasa ng isa dahil nakikita n'ya ito lagi sa lapag na naka-crumple o kaya ay punit na. Masakit 'yun para kay Chanyeol pero ano ba ang magagawa n'ya? Wala.

Mag-aalas diez na noong gumising si Baekhyun. Napansin n'ya ulit ang sticky note sa lapag. Hindi n'ya na lang pinansin 'yun. Kabisado n'ya na ang nakalagay doon. "Eat your breakfast :))"

Naghilamos na lang s'ya at bumaba. Ang sticky note ang sign kung baba na s'ya o hindi. Nang makababa s'ya ay napansin nito na wala ang kotse ng 'asawa' sa labas. Hinayaan n'ya na lang.

Pagbukas nito ng ref ay nakita n'ya ang ulam sa food keeper, may note rin dito, "In case, you didn't read the pink one hehe. Umalis muna ako, enjoy your weekend :))"

Tumatango na lang si Baekhyun. 'So that explains kung bakit wala ang kaniyang car,' sa isip nito.

Natuwa naman do'n si Baekhyun sa nabasa, he have the freedom para mag-ikot sa bahay nila or to invite his friends over. Excited na s'ya. Tinext n'ya na ang mga kaibigan. Naglinis na rin siya kahit naman maayos na ang bahay nila. Ilang oras din ang tinggal niya para maglinis ng katawan at bahay nila pero wala pa ring reply ang mga kaibigan. Ayaw n'ya pa naman mag-commute, pag tinawagan n'ya ang driver nila baka magtaka ang parents niya. Ayaw n'yang ipilit nanaman silang dalawa. Napagpasyahan niya na lang mag-grab at least 'yun susunduin siya sa tapat nila. Pupuntahan niya na lang sa studio sila Dae at Soo, mukhang busy sa creative works nila. Medyo malapit lang naman 'yun.

Hindi naman matanggal ang pahihintay n'ya sa grab at nilagi nila sa kalsada. Siguro kasi weekend at hindi naman rush-hour.

Umakyat lang si Baekhyun sa floor ng studio ng mga kaibigan. Surprise n'ya ang dalawa. Ayaw kasi i-seen ang message n'ya.

Nag-doorbell s'ya nang makarating sa tapat ng unit nila. Bumukas naman ang pinto at iniluwa si Jongdae at nagulat pa ng makita si Baekhyun.

"Gulat ka 'no?" biro ni Baekhyun bago tinulak ang nakaharang sa pinto na si Jongdae at pumasok sa loob. "Hindi niyo man lang binuksan 'yung message ko, sobrang boring kaya!" pagmamaktol nito at sinalampak ang sarili sa sofa. Sa harap ni Baekhyun ay puro canvas, paintings at drafting paper. Na-miss niya 'yun. Ngumiti na lang siya pero mapait.

"Pinunta mo rito?" mataray na bungad ni Kyungsoo na mukhang galing sa kusina.

"Ayaw n'yo ko samahan e!" ngusong sagot ni Baekhyun.

"E kung hindi mo iniiwasan ang asawa mo edi sana may kasama ka ngayon," bulong ni Kyungsoo.

Narinig ito ni Baekhyun at nagpantig naman ang tenga n'ya sa narinig. "Hindi ko alam kung bakit napakalaking issue nyan para sa inyo. Alam n'yo naman 'yung rason pero bakit sa kaniya ang simpatya n'yo? Kaibigan ko ba talaga kayo?" Hindi n'ya na napigilan ang sarili.

"Ang kitid kasi ng utak mo Baekhyun! Wala naman ginawang masama 'yung tao sa'yo ah? Ikaw pa nga itong pinaglulutuan e! Napakabait sa'yo nung tao, Baek. Naiintindihan mo ba 'yun?" si Kyungsoo naman.

"Pakitang-tao lang 'yun para sa kasal-kasalan na 'to saka bakit ba sobrang invested kayo sa pangyayari sa buhay ko ha? Kung ayaw niyo na nandito ako, pwede niyo naman sabihin e, hindi 'yung gagamitin niyo pa ang sitwasyon ko!" Sigaw ni Baekhyun habang pumapagitna si Jongdae.

"Hindi mo pa rin naiintindihan ha? Bakit ka ba galit na galit ka sa asawa mo na parang isuka mo na ha? Hindi sa ayaw ka namin na nandito pero sana nakikita mo 'yung ginagawa mo sa asawa mo kasi hindi 'yun ang Baekhyun na nakilala namin! Halos ipagtabuyan mo ang asawa mo! Oo, ayaw mo sa sitwasyon mo ngayon. Ayaw mo sa nangyayari sa buhay mo ngayon pero tandaan mo na hindi lang ikaw ang may gusto nito. Hindi lang ikaw ang napipilitan para magsama kayo. Kasi 'yung asawa mo rin Baek. Kung iluwa mo 'yung tao parang hindi mo kaibigan dati ah. At alam mo ba na naisip ko na baka pagdating ng araw at nadamay kami ni Jongdae sa buhay mo, na isa kami sa dahilan kung bakit ka napigilan, ay baka ganyan din ang itrato mo sa amin. Kailan 'yun papasok sa isip mo ha? Kaibigan mo kami Baek pero hindi na ikaw ang dati," Si Soo.

Natigilan si Baekhyun. Hindi n'ya inaasahan ang pagbugso ni Kyungsoo at totoong nararamdaman nito. Parang lumambot ang mga tuhod n'ya kaya natumba ito ngunit nasalo naman ni Jongdae.

Pinaupo s'ya sa sofa at hinila naman ni Jongdae si Kyungsoo sa kusina para pakalmahin. Hindi naman sila nagtagal na dalawa sa kusina. Lumabas din agad para maayos na makausap si Baekhyun.

Nasa gitna si Jongdae habang hawak ang mga kamay ng kaibigan. Siya na muna ang magsasalita. Mahirap na. Ang isa ay makulit, ang isa naman ay walang preno ang bibig.

"Baek, don't get us wrong ha. We know your obstacles, problems and such. Kilala ka namin e. Kaibigan ka namin. We were together since then. Gets ka namin, 'yung dahilan mo, lahat, gets namin 'yun pero sana kami rin ay naiintindihan mo," panimula ni Jongdae. Hinigpitan n'ya ang kapit sa kamay ni Baekhyun pero hindi naman 'yun masakit.

"Chanyeol was your friend, he was your only friend. Tapos when you knew about the marriage with him, you treated him coldly, Baek. Oo, may mga bagay na dapat kang unahin n'on, may mga bagay na pinagsisisihan mo na hindi mo inuna. Pero, s'ya rin, Baek. Tandaan mo na hindi lang naman ikaw ang involved dito. We're facing different obstacles everyday. Hindi natin alam ang nangyayari sa isa't-isa. May kanya-kanya tayong problema," he paused and looked at Baekhyun.

"Alam ko, hindi madali. Naiinis ka, nagagalit ka. Okay lang maramdaman mo 'yun. Your feelings are valid. Pero 'wag mo naman ibuntong 'yun sa taong walang ginawa kundi maging mabait sa'yo. Baka nga may pinagdadaan din 'yung tao nung kinasal kayo e. Alam mo, Baek, minsan iniisip namin ni Kyungsoo na what if, kami 'yung nasa posisyon ni Chanyeol, gan'on pa rin kaya ang magiging trato mo sa amin? Alam kong hindi tayo talo 'no!" Pagbibiro nito at napangisi naman si Baekhyun sa huling sinabi ni Jongdae.

"Kaibigan mo si Chanyeol, Baek. Hindi naman ikasasama ng loob mo kung magiging mabait ka sa kaniya kahit papaano," tumingin si Jongdae sa side ni Baekhyun at mukhang naman naco-convince na ito.

"Miss ka na namin, Baek. When will we get our old Baekhyun back?" si Kyungsoo.

"Ang cringe ha! Sige na, panalo na kayo. Nakakainis kayo!" Sabi ni Baekhyun na medyo maluha-luha pa.

Nagyakapan lang ang tatlo dahil ngayon na lang ulit sila nagkaroon ng heart to heart discussion. Baekhyun felt warm. Comfort n'ya talaga ang friends n'ya. 

Before it sinks in (Chanbaek AU)Where stories live. Discover now