Chapter 21

30 2 0
                                    

Kinabukasan ay agad kaming bumalik. Ang una kong ginawa ay hanapin si Drake pero di ko talaga siya makita at kailangan ko pang magtrabaho.

Nang sumapit ang Lunes, ang totoong araw ng kaarawan ko ay matamlay ako. Tatlong araw na ang lumipas nang wala akong Drake na nakita.

Nang sumapit ang tanghali ay kumain ako mag-isa. Biglang umingay ang paligid kaya napatingin ako doon. Agad akong tumayo nang makita ko si Drake.

"Drake!" nakangiti kong tawag sa kanya.

"What do you need?" malamig ang kanyang mga mata at boses. May biglang kumirot sa dibdib ko pero di ko iyon pinansin.

"Sa'n ka galing? Hinanap kita. Okay ka lang ba? Tara pasyal tayo!" ngumiti ako nang pagkatamis sa kanya ngunit ako ring napawi iyon nang umismid siya nang may pang-aasar sa labi.

"We're over. Stop it." alam kong rinig iyon nang lahat dahil nagbulung-bulungan ang mga ito.

"Ano ang ibig mong sabihin? Drake, naman nagsasaya pa tayo noong isang araw." ngumiti ako nang mapait sa kanya.

"Bakit biglang ganito?" pilit kong hindi umiyak kaya pumiyok ang boses ko.

"I was just playing, too bad you fell for it. Nice game." hindi ko na mapigilan ang mga luha ko kaya tumulo ang mga ito.

"Drake naman! Misunderstanding lang yun, ano ba? Bakit mo naman sinasabi 'yan?" alam kong mukha na'kong kawawa sa mukha ng maraming tao.

"Oh? Sorry then? I'm done with you your boring. You're not even beautiful. I'm just playing here." humalakhak ito.

"Nice game!" humalakhak rin ako kasabay nang pagpatak ng aking luha.

Bigla nalang tumunog ang cellphone ko kaya kinuha ko ito.

"Hello?"

[ Hello, may I know who is this? ]

"Sino po ito? Bakit hawak mo ang cellphone ni mama?" mahina lang boses ko dahil kakagaling ko lang sa iyak.

[ Ikaw pala ang anak ng dinala dito sa hospital. ]

"Po?"

[ Paki-puntahan ang mama mo dito hija, kailangan mong magmadali kung gusto mo pa siyang abutan.]

"A-abutan? Ano p-pong nangyari kay m-mama? At saang hospital po?"

[ Berindians Hospital. ]

Agad kong tinalikuran si Drake at umiyak ng umiyak habang naghahanap ng masasakyan. Hintayin mo 'ko mama. Please God! Tulungan niyo po siya.

May mga pasahero ng dyip ang nakatingin sa'kin.

"Ito hija, tanggapin mo." inabot niya ang kanyang panyo niya sa'kin agad kong pinunasan ang aking mga luha.

Nang makarating ako ay agad kong hinanap si mama. Tinuro sa'kin ng nurse kung nasaan siya. Nakahilata si mama. May dugo sa kanyang damit, lalo na sa kanyang ulo. May doctor na umaasikaso sa kanya pero agad ding napapa-iling ito. Lumapit ako sa kanila.

"K-kamusta po ang kalagayan ni mama?"

"I'm sorry hija, condolence." napa-upo ako sa sahig dahil hindi ko kaya ang sinabi sa'kin ng doctor. Agad naman niya akong dinaluhan.

"I'm sorry for your lost, hija. Stay strong. And condolence once again." ngumiti ito ng tipid sa'kin.

Hinawakan ko ang kakay ni mama at humagulhul.

"Maaa! Maaa! Gumising ho kayo! M-ma naman eh! Joke time ba ngayon? Mama! Mama naman gumising ka na d'yan please! Mas magiging mabuting anak pa ako! Maaa!" pumiyok ako sa huli kong sinabi.

Deal with the Bullies ( Bully Series #1 )Where stories live. Discover now