Chapter 18

26 2 0
                                    

Sa mga sumunod na araw ay naging ma-ulan. Hatid sundo tuloy ako ni Drake. Hiyang-hiya na'ko sa kanya.

"It's fine, it's my responsibility as your boyfriend." yan lang ang lagi niyang sinasabi.

"How's your day?" tanong niya nang hindi tumitingin sa'kin. Focus lang sa daan ang mga mata niya, hindi rin mabilis ang pag-andar namin. Sobrang lakas ng ulan kaya di ko maiwasan mag-isip kung may bagyo ba.

"Okay lang naman, ganoon pa rin." tumango naman siya sa sinagot ko.

"It's your day-off tomorrow right?" agad naman akong tumango. Sa isang linggo dalawa ang day-off ko at mabuti na rin iyon para kahit paano mabawasan ang maiitim na parte sa ibaba ng mata ko. Halos araw-araw rin kasi akong puyat. Pag-uwi ko pa galing sa trabaho ay gagawin ko pa ang projects kung meron man at tsaka assignment.

"I want you to meet my parents." agad na bumilis ang tibok ng puso ko sa sinabi niya.

Seryoso ba siya? Halos mag-dadalawang linggo pa lang kami.

"H-ha?" ngumiti siya pero sa daan pa rin ang tingin.

"I just want to introduce you infront of them, don't worry they're good people." nakatingin lang ako sa kanya nang sabihin niya iyon, seryoso ba talaga siya sa pinagsasabi niya?

Tahimik lang ako buong byahe, pinag-iisipan ang sinabi niya. Kung hindi siya seryoso sa'kin 'di niya naman siguro ako ipapakilala sa parents niya 'no?

Masama na ba akong tao kung pinagdududahan ko ang pagmamahal niya sa'kin? Sa pagkakaalam ko si Drake at Kurt parehong playboy kaya di ko mapigilang mag-isip.

"Ingat!" kumaway ako sa kanya at pumasok na sa bahay. Naabutan kong nagluluto si mama kaya niyakap ko siya sa likod.

"Nandito na po ako." malambing kong saad.

Tumawa ito sa aking inasal kaya sumimangot ako kaya mas lalo siyang tumawa.

"Ano ba 'yan ma! Pinagtatawan niyo 'ko!" singhal ko na nakanguso.

Kinabukasan ay pumunta dito si Drake, mamayang gabi daw kami pupunta sa parents niya. Mag-mall raw muna kami para bumili ng damit at gift para sa parents niya.

Nang mag gabi na ay inayos ko na ang sarili ko. Nakasuot lang ako ng isang blue dress na hanggang itaas ng tuhod. Naka black doll shoes lang rin ako. Naka-bun ang buhok ko kasi sabi ni mama bagay naman 'yon.

Nang marinig ang tinig ni Drake sa baba ay agad akong dinalaw ng kaba.

Nangatog ang tuhod ko habang naglalakad sa isang pathway papunta sa pinto ng bahay nila. Mukhang napansin ni Drake ang pagkabalisa ako dahil hinawakan niya ang aking kamay at pinisil-pisil ito.

Nakahinga ako ng maluwag kahit papaano. Nang marating namin ang pintuan ay may mga maid na nagbukas ng pinto. Binati nila kami ni Drake, tinignan ko si Drake na nakatingin sa'kin, ngumiti siya sa akin ng bahagya kaya hindi ko maiwasang ngumiti sa kanya pabalik. Nakakahahawa ang kanyang ngiti.

Sa dining area kaagad kami dumiretso, may naka-upong babae at lalaki doon. Ito na ba ang mga magulang niya? Wala ba siyang kapatid?

"Mom, Dad." tawag niya sa atensyon ng mga magulang niya na nakangiting nag-uusap.

"Oh! Sweetheart! You're here, where's your girlfriend? Where's Brittany?" parang may tumusok sa'king dibdib nang sabihin niya 'yon.

Nakita ko ang simpleng pagsulyap sa'kin ni Drake, tumikhim muna ito bago tumingin sa mommy niya.

"Ah mom, dad, this is Ziana.....my girlfriend." umiwas ito nang tingin sa kanya kaya mas lalo akong nasaktan. Kinakahiya niya ba ako? Iniling ko ang ulo ko para mawala kung ano man ang iniisip ko.

Deal with the Bullies ( Bully Series #1 )Where stories live. Discover now