Chapter 8

31 4 0
                                    

Nagpahinga lang ako buong araw para naman magmukha akong fresh sa party na pupuntahan namin diba?

Nang sumapit ang 5:00 pm ay sinundo ako ni Sir Raze kagaya ng sinabi niya. Mamayang 7 pa naman daw magsisimula kaya marami pang oras para mag-ayos.

Pumasok ang kotse niya sa isang malaking bahay, kung mayaman si Zeddrick mas mayaman ang isang 'to. Modern lahat ng gamit dito.

Inalalayan niya akong bumaba.

"Hi fafa! Ay shets ang duga!" tili ng isang bakla.

"Siya na ba fafa? Omg ah! Tumpak ang ganda ni ate! Mas gaganda pa siya pag inayusan kona siya! Nandun si Brix fafa siya yung mag-aayos sayo! Hali kana dito gurl!" hinila niya ako papasok sa isang kwarto.

Ilang minuto rin ang ginugol nila sa mukha ko.

"Ayan na! Tumpak na tumpak girl!" tinignan ko ang sarili sa salamin medjo nagulat pa'ko dahil umiba ng konti ang mukha ko. Soft lang naman ang inilagay sa'kin.

"Magbihis kana gurl! Ito oh." inabot niya sa'kin ang isang dress na kulay silver kumikinang kinang pa ito pag natatamaan ng ilaw.

Isinuot kona ito, may cut ito sa dibdib kaya medjo nakikita ang cleavage ko pero konti lang naman, backless rin ito kaya lumitaw ang aking balat, may cut ito sa aking left thigh. May binigay sa akin na heels sakin yung bakla, kulay silver rin ito.

"Chakaaaa! Ang ganda mo gurl! Mas lalo kang lumiwanag!" manghang sabi nito.

Tinignan ko naman ang sarili ko sa salamin, fit na fit ito sa'kin kaya nakikita ang curves ko. Lumabas na agad ako sa kwartong iyon ng matapos.

"He- woah you look gorgeous I mean you're beyond gorgeous." manghang sabi sa'kin ni sir Raze.

"Thank you po sir." sabi ko, sobrang gwapo niya rin nakakastart struck sa totoo lang parang gusto ko nalang mahimlay.

"I said drop the po and don't call me sir when we're not in work, call me by my name." sabi nito.

"Okay Raze." sabi ko.

"Raze?" takang tanong nito.

"Oo Raze mas bet ko kasi yun kasi nga diba, Ryzen Ace Guiver yung pangalan mo? Tapos kunin nating yung Ryz kapag prinpronounce mo siya is Reyz so inano ko lang into Raze." tumango naman ito sa aking explenasyon, siguro naintindihan niya.

"Let's go." pinagbuksan niya pa ako ng pinto.

Sa byahe tahimik lang kami, hindi naman awkward ang atmosphere kasi nakatingin lang ako sa mga sasakyan dumadaan at naaliw ako doon sa totoo lang.

Nang marating na namin ang aming pupuntahan ay pinagbuksan niya ako ng pinto. Ang gentleman naman pala ni Raze, akala ko kasi hindi eh kasi naman ang cold kaya ng dating niya.

Nagulat pa'ko ng bahagya ng hawakan niya aking bewang. Naglakad kami ng ganoon.

Nang pumasok kami ay pinagtitinginan kami, sino ba namang hindi? Ang gwapo kaya nang lalaking nakahawak sa maliit kong bewang.

Umupo kami sa may unahan, ilang sandali pa ay may nakasalo kami.

"Drake, naman eh! I told you I like that dress! Bakit kasi ang tagal mo! Aish I hate you!" maarteng sabi ng pamilyar na boses kaya nilingon ko ito. At dun nakita ko sa harap si Drake at Britanny.

Ang ganda nila tignan, bagay na bagay sila sa isa't-isa, naramdaman siguro nilang nakatitig ako kaya tumingin sila sa'kin.

"Oh? Anong tiningin tingin mo d'yan? Am I too beautiful? Hah! And why are you even here?" nakataas pa ang kilay niya, medjo napahiya ako doon. Bakit nga ba ako narito? Klarong-klaro naman na hindi ako bagay sa lugar na ito, bigatin at mayayaman ang nandito.

Deal with the Bullies ( Bully Series #1 )Where stories live. Discover now