Chapter 17

29 2 0
                                    

Nang makarating ang sa school ay binati ko si manong guard kagaya nang lagi kong ginagawa kapag pumapasok ako.

"Goodmorning kuya!" sigaw ko sa kanya at bumati naman siya pabalik.

Habang naglalakad sa hallway ay may narinig ako na nagpapantig sa 'king tenga.

"Diba yan yung Ziana?"

"Hindi naman maganda."

"Ano kayang gayuma ang pinainom niya kay Drake?"

"Maganda naman siya ah? Bagay nga sila eh."

"Girl naririnig mo ba yang sinasabi mo? Ang panget kaya nung babaeng yun."

"Hoy shh! Baka may makarinig sa'yo, girlfriend na siya ni Drake kaya wag lang magsalita nang ganyan."

"Ano naman ngayon? Totoo naman ang sinasabi ko."

Ziana? Girlfriend? Lumapit ako sa kanila para magtanong, tinuro naman ako ng isa kaya napatingin silang lahat sa'kin. Tumahimik sila bigla habang papalapit ako sa kanila.

"Narinig ko ang usapan niyo, unang-una hindi ko boyfriend si Drake pangalawa wala akong gayuma na pinapainom sa kanya at pangatlo kung pangit man ako para sa inyo, pakihanap nalang ang pake ko." mataray na sabi ko at tunalikod na.

Grabe naman sila, gayuma? Nakasalubong ko si Andy kaya binati niya 'ko at ganoon rin ako sa kanya.

"Stay strong." sambit niya kaya napalingon ako sa kanya.

"Ha? Oo naman, magiging matatag ako." kahit nagtataka ay 'yon ang sinagot ko.

"No, what I mean is stay strong on your relationship with Drake." nakangiting an'ya.

"Relationship? Wala naman kaming relasyon." tanging nausal ko sa pinagsasabi niya.

"Kalat sa buong campus na kayo na, why would you deny it?" nagulat ako sa sinabi niya.

Kalat sa buong campus? Eh wala akong natandaan na sinagot ko siya o di kaya niligawan niya 'ko.

Wala naman akong sasabihin kay Andy kaya nagpaalam na'ko. Sa pagpasok ko sa classroom ay sinalubong naman ako ni Zeddrick, nakakunot ang kanyang noo.

"Oh Erik?" pagbati ko sa kanya.

"You're in a relationship? I told you to finish your study first." sinisirmonan nako ng tatay ko.

"Eh hindi naman totoo yun!" sagot ko sa kanya.

"Tss, okay fine! Okay lang na magkaroon ng boyfriend habang nag-aaral but promise me one thing hinding-hindi mo pababayaan ang pag-aaral mo." tumango nalang ako sa sinasabi niya.

Nang sumapit ang tanghalian ay pumunta na'ko sa cafeteria, madalas na rin ang pagpunta ko dito simula noong nagkasahod ako.

"Ziana." rinig kong tawag ni Drake, alam na alam ko na ang tinig niya. Hinarap ko siya nang nakakunot ang noo.

"Bakit?" tanong ko nang lumapit siya sa'kin. Ano naman kaya ang kailangan ng isang 'to?

"Let's have lunch, let's go." hinila niya ang aking kamay kaya napatingin ako doon.

Siya na ang nag-order ng pagkain para sa'min. Yung binili niya para sa'kin ay dalawang rice tapos dalawang chicken wings tapos in can na coke habang sa kanya ay burger at in can na coke.

"Bakit yan lang ang sayo?" ngumuya muna ito bago sumagot sa'kin.

"I'm full." simpleng sagot niya, kumuha naman ako ng rice at piraso ng manok galing sa plato ko at nilagay sa kutsara at itinutok sa kanyang mukha.

Deal with the Bullies ( Bully Series #1 )Where stories live. Discover now