Chapter 11

27 2 0
                                    

Lumipas ang mga araw mas naging close kami Drake. At ang pinagtataka ko bakit natigil yung pam-bubully sa'kin? Pero sabi ni Drake wag ko na iyon pansinin kaya di ko na rin pinansin.

"Eya, are you free tomorrow?" tanong sa'kin ni Drake. Eya nalang daw yung tawag niya sa'kin kasi ayaw niya raw makikigaya ng tawag ng iba sa'kin.

"Oo, day-off ko yun eh. Bakit?" takang tanong ko.

"Come with me." nakangiting sabi niya, ang gwapo talaga niya.

"S-sige." nahihiya kong ani.

Nakarinig ako ng katok pero binaliwa ko yun, inaantok pa'ko.

"Leighn! Nandito si Drake! Bumangon kana d'yan." napabalikwas ako ng bangon nang marinig ang sigaw ni mama.

Dali-dali akong naligo at nag-bihis.

"Hi." bati ko sa kanya nang matapos.

"Hey, pack your clothes." sabi niya.

"Huh? Bakit naman? May trabaho pa'ko bukas." sabi ko na nakakamot sa batok.

"I've already talked to your boss about your leave. We'll be back in three days. I've already talked to your mother also and she agreed so yeah? C'mon." mahabang sabi niya.

"Ha?! Eh pa'no naman may klase na-" pinitik niya ang aking noo kaya napa-aray ako.

"Don't mind that, go on pack your things." inaano niya pa ang kamay niya, yung parang tinataboy ako.

"Ah eh teka lang naman." iiwan ko dito mag-isa sa bahay si mama? Dapat tumutulong ako ngayon sa pagtitinda eh.

"Oh 'nak oh ito na ang mga gamit mo, ako na ang nag pack para sayo ang kitid mong kumilos para kang pagong." natatawang sabi ni mama.

"S-salamat ma, magiging okay lang po ba kayo dito?" nag-aalalang tanong ko.

"Oo naman 'nak, nako ikaw talagang bata ka. Sige na, mahaba-haba pa ang byahe niyo. Drake, hijo ingatan mo ang prinsesa ko ah?" nakangiting sabi ni mama at tumango naman si Drake sa kanya.

"Don't worry tita, I'll make sure she'll be fine." nakangiting sabi nito.

Si Drake na ang nagbitbit ng gamit ko patungo sa sasakyan niya.

Sa byahe tahimik lang kami, nakatingin lang ako sa labas ng bintana at siya naman sa harapan. Panay ang hikab ko dahil kulang ako sa tulog, rest day ko pa naman sana ngayon.

"Sleep first, malayo pa tayo." nagulat ako sa biglaang pag-tatagalog niya. Marunong pala siya.

"Sige." yan lang ang sinabi ko at pumikit na, agad rin akong kinain ng kadiliman dahil sa antok.

Ewan ko kung ilang oras ang tulog ko, kinusot ko ang aking mata para makapag-adjust dahil nasisinagan ako ng araw, tanghali na pala. Medjo kumakalam na ang sikmura ko.

Nang ma-adjust ko ang paningin ko ay nakita ko ang isang kumot na nakabalot sa'kin, sa'n naman 'to galing?

Sayo galing yan Leighn, s'yemre kay Drake. May utak kaba talaga?

"Oh you're awake, how's your sleep?" tanong niya nang hindi tumitingin sa'kin, sa harap lang talaga ang tingin niya. Ang seryoso niya tignan pag nag-dridrive tapos ang gwapo pa hehe.

"Okay lang naman." sagot ko.

"Are you hungry? Let's eat first." tumango naman ako sa sinabi niya dahil nagugutom na talaga ako.

Dumaan kami sa isang drive thru ng Jollibee.

Nang makuha na namin ang in-order niya ay kumain na ako, oo ako lang busy parin siya sa pag-dridrive at bilang isang mabait na nilalang kinuha ko ang isang burger at binuksan ito.

Deal with the Bullies ( Bully Series #1 )Where stories live. Discover now