Chapter 14

0 0 0
                                    

Czanne Pov

Sa canteen bumili lang ako ng snack at agad rin umalis at naghanap ng pweding tambayan Malayo sa tsismis.
Nakakairita kasi ang tingin nila at inis na inis ako sa pagmumukha nilang lahat.

Kaya bago ko pa paglihian ang mga mukha nilang panget ay umiwas nalang ako.
Mapanglait na ata ako now adays, blame this hormones madali akong mairita sa mga maliliit na bagay.

At isa pa nakakasuka yung sari't saring amoy sa canteen na parang hinahalungkat ang kinain ko sa loob ng tyan at naduduwal na naman ako ay mas mabuti pang umiwas nalang at baka mas lalo akong mapaghalataan. Hassle masyado bawal pa naman akong ma stress.

And speaking of Maicy she's busy with her projects at ayun nakatambay sa library at comlab with her groupmates.

Nang makahanap ako ng vacant ng bleacher ay pumwesto na agad ako doon and started eating my snack not minding the few stares of Marites people around me.

Alam kong maganda ako pero parang mas naging maganda ako sa mga tingin nila. Note the sarcasm.

At dahil sensetive ang pang amoy ko bigla akong naka amoy ng mabango sa paligid, parang matamis na candy na hindi ko mawari kong anong klase pero nakakatakam, dagdag mo pang may halo ng Mint ang sarap sa singhutin at parang amoy --- at napalingon ako sa paligid habang hinahanap kung saan ito nanggagaling pero wala akong makitang kumakain ng ganun o ano mang weird na bagay. Baka tinangay lang ng hangin? Weird.

Cologne ata yun. At sa di kalayuan nakita ko si Ian na nakasandal sa isang puno kinakausap ang mga barkada nito pero nakatingin lang ito sa malayo. Ano kayang iniisip niya?

At pinagmasdan ko ang anyo nito bakit parang matamlay sya? Eyebugs ba yang nakikita ko sa mga mata niya? Napakunot noo nalang ako at bigla akong nakaramdan ng inis sa pagmumukha nito. I almost hit myself sa pinag iisip ko.

Napadako naman ang tingin ko sa kasama nitong babae na may kinakain.. anu yun?parang...
Mangga! Sh*t nanlaway ako bigla. Gusto kong kumain ng Mangga.

At namalayan ko nalang ang sarili kong napasimangot where did she buy that? Wala naman akong nakita sa canteen kanina. Kakainis naman na paglilihi to naiiyak ako sa ingit.

At ng mapatingin ako kay Ian ay nakatingin na ito sa direksyon ko, walang emosyon ang mga mata nito pero nakita ko ang pag kunot ng noo nito at biglang napatingin sa tininignan ko kanina-- yung kinakain ng kasama niya.

Agad akong napatayo at naglakad paalis. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Nakakahiya baka anong isipin niya At Ano namang paki niya? Oo nga naman.

At biglang pumasok sa isip ko ang ginawa nitong pagluhod at pag iyak sa bahay.
Bakit nga ba ako kinakabahan? Kaya binagalan ko ang mga hakbang ko.

Hindi ko parin pala nakakausap sila Mama tungkol dun. I admit nagdadalawang isip ako ngayon sa gagawin kong desisyon dahil naguguluhan talaga ako.

At pagkatapos na pagkatapos  ng klase ay agad akong umuwi sa bahay. Agad akong nagbihis at humilata sa kama at hindi ko na namalayang nakatulog na pala ako.

------

UNWANTEDWhere stories live. Discover now