Chapter 3

1 0 0
                                    

Czanne Pov

Kinagabihan agad akong kinausap ni mama, nagulat kasi ito na nasa bahay na namin ulit ako.

"Anak naman, bakit iniwan mo si Ian doon?" Wika ni mama.

"Ma, pagod na ako okay? Hindi niyo ba nahahalata na ayaw namin sa isa't-isa?" Sabi ko kahit gusto ko talaga si Ian hindi ko ito inaamin kila mama.

Hindi ko alam kong nase-sense ba nila yun basta ayaw ko talagang ipilit yung sarili ko.
Like, I know my Worth and I deserve better, kung hindi man si Ian yun edi syempre maghihintay parin ako.

Hindi naman ako masochist at tsaka nakakapagod  ding maging tanga, pinagbigyan ko lang ang sarili ko masama ba yun?

"Talaga? Hindi mo gusto si Ian? " nakangising tugon ni papa mula sa pinto.

Nakarating na pala ito mula sa trabaho hindi ko napansin ang pagpasok nito.

"Hello pa!" Masayang wika ko at humalik sa pisnge nito at yumakap sa braso niya.

"Na miss kita papa!" Dagdag ko pa

"Sus, wag mong ibahin ang usapan langit" wika nito sabay kurot sa pisnge ko kaya agad akong napasimangot.

"Pa naman. Hindi nga hayaan niyo na kami puh-lease?" Pagpapacute ko pa sa kanya.

Tinawanan niya lang ako at umakyat na sa kwarto nila upang magbihis.

Papa's Girl ako kaya mas close kami ni papa. Close rin naman kami ni Mama kaso strikto kasi sya kaya peborit ko si papa. Perks of being the Only Child.

Kaya siguro ganun ang reaksyon nila ng makita kami sa iisang kwarto. Tch

Buong gabi akong kinuwestyon nila mama dahil sa naging desisyon ko at ang laging sagot ko lang ay 'hayaan niyo na lang kami'.
Napabuntong hininga nalang ako at napahilot sa sintido ko. Nakaka stress!

He didn't even called or texted. Baka nga hindi niya napansing wala na pala ako sa bahay. Ano pa nga ba? Ganun naman palagi parang hindi na ako nasanay.

----

UNWANTEDWhere stories live. Discover now