Chapter 10

1 0 0
                                    

Czanne Pov

Pwedi na akong lumabas ngayon sa hospital sabi ng Doctor. Kaya heto at pauwi na kami nila mama, na miss ko narin ang kwarto ko at gusto kong matulog buong maghapon.
Feel ko kasi pagod na pagod ako at palaging inaantok.

"Are you sleepy langit?" Tanong ni papa na nasa frontseat.

"Hindi naman po masyado Pa" nakangiting tugon ko.

Langit.. isa pa ito. Did he really calls me langit that time or imagination ko lang yun?
Langit comes from Nevaeh. Pag binaliktad mo ang Nevaeh--Heaven kaya langit ang tawag sa akin ni papa at ni.. Ian noon.

I used to call him bitwin--- as in bituin o kaya Star dahil trip ko lang.
Langit ako tapos star sya dba ang cute?
Oo.. NOON.
Ngayon korny na pakinggan..

At hindi niya ako binisita. I mean galit ako sa kanya dahil sa ginawa niya at binitawang mga salita. Nasaktan ako oo.. pero hindi ko alam pero hinahanap talaga sya ng mata ko at gusto ko syang makita.
Maybe dahil sa hormones?
Ang landi naman ng hormones na to! At Marupok pa.

Nagising ako at madilim na ang paligid pagtingin ko sa orasan past 7 na.
At kumukulo narin ang tyan ko kaya bumangon na ako.

"Ma? " tawag ko pagkababa ko ng hagdan ngunit walang sumagot.

Asan kaya sila? Baka nasa kusina
Kaya pumunta ako dun ngunit wala rin akong nadatnan doon. Kaya kumuha nalang ako ng pagkain sa ref at nagsimulang kumain.

"Lumayo ka sa anak ko! Ang kapal ng mukha mo!"

Napalingon agad ako sa bintana dito sa kusina dahil sa sigaw na yun. Si papa ba yun?

Lumapit ako sa bintana at sumilip at nagulat ako sa nakita ko. Bakit hindi man lang ako nainform?
Nasa likod garden kasi sila mama at papa pati narin ang parents ni Ian at siya.

At kitang-kita ko mula dito na nagsisigawan nga sila.

"Hon! Kumalma ka muna baka marinig ka ni Czanne" wika ni mama kay papa.

"Narinig mo ba ang sinabi nito! " sabay duro kay Ian.

Gusto ko mang lumabas at pigilan kung ano man ang nangyayari ay mas minabuti ko nalang na manatili muna dito at makinig.

"I heard it hon, pero may karapatan din naman si Ian sa magiging anak nila ni Czanne" mahinahong tugon ni mama

"Hindi! Kaya kong buhayin ang anak natin at ang magiging apo ko. Hindi natin sya kailangan" galit na galit na wika ni papa.

Nakita ko namang napayuko si Ian sa narinig at nakayakap ang ina nito sa braso ng ama niya na umiiyak.

"I'm really sorry tito, I just wanted to talk to Czane.." wika nito.

Nagtinginan naman sila mama at papa.

Gulong-gulo ako at nasasaktan. Ngayon ko lang nakitang ganun ka helpless si Ian, hindi ko alam kong hormones pa ba ito ngunit Bigla akong naawa sa kanya.
Agad kong hinimas ang tyan ko, Kahit para sa baby nalang? kaya ko ba syang tanggapin ulit?

----

UNWANTEDWhere stories live. Discover now