Chapter 1

8 0 0
                                    

Czanne Pov

"Dinatnan ka na ba anak?" Mahinang Tanong ni mama kaya napalingon ako sa kanya.

Hindi ako nakasagot at napatingin sa harap.
Pisces Ian Delfueva Pangalan ng kababata ko, pangalan ng taong gusto ko.

Nagpeperform sila ngayon sa stage kasama ang kagrupo nito. Isa sila sa sikat na Dance group dito sa University.
At dahil may activity kami ngayon kailangan nilang sumayaw para sa opening nang program.

Magaling syang sumayaw, marunong din syang mag gitara at kumanta, magaling din siya sa sports lalo na sa basketball at badminton at Matalino pa. Ang talentado noh?? at syempre gwapo, Nakaka inlove dba? Kasi Ideal Man, kaya madami ring humahanga sa kanya. Isa na ako dun at isa rin ako sa mga taong umaasa na mapansin niya.

Meron nga ata syang fans club dito,
Kaya masasabi kong maswerti ako kahit papaano at nakausap ko sya at nakasama.. Noon.
Now? Well, he hates me.

Iniiwasan niya ako. Galit sya sa akin
Ayaw na ayaw niyang makita ako or makatabi man lang.

Bigla kong iniwas ang tingin at ibinaling sa ibang direksyon at baka magalit na naman sya sa simpleng tingin lang.
Kailan kaya ulit sya titingin sa akin ng walang halong galit at inis?

Napahawak nalang ako sa tyan ko at inisip ang tanong ni mama, hinimas ko ito kahit hindi naman ako buntis.

Dinatnan ako nung nakaraang araw.
Well, I'm Disappointed.. kasi gusto ko talagang magkaroon ng baby kahit alam kong ... hindi ito gugustuhin ni Ian.
Kasi sino ba naman ako sa buhay niya diba? I'm just a nobody.
I mean I want to have a baby.. kahit ayaw niya kahit ako lang ang may gusto wala akong pakealam.

Nagsasama kami sa isang bahay matapos nang may nangyari sa amin, lasing kami noon at wala kaming muwang sa nangyari at sakto namang nahuli kaming magkatabi sa iisang kama.

Nagulantang ang mga magulang namin sa nangyari At dahil Magkaibigan ang parents namin at dahil sa nangyari agad kaming pinagsama kahit ayaw niya, syempre hindi rin ako pumayag kaso wala rin akong magawa kasi papalayasin ako sa bahay.

At kahit pa gusto ko siya ayoko ring isugal ang pagkakaibigan namin at lahat ng pinagsamahan namin, kaso kahit anong piliin ko o gawin ko hindi narin naman mababalik ang mga nangyari na.

At isa pa, magiging hipokrota pa ba ako? pabor iyon sa akin dahil may gusto nga ako sa kanya diba? Gustong-gusto ko ang ideya ng parents namin kasi nagbabaka sakali na baka magustuhan niya rin ako.

Ngunit mas Nagalit siya sa akin at sinisi ako, he even accused me that I seduced him. Hah! Ang kapal. I didn't expect that side of him na kaya nya akong pag isipan ng ganun.

Magkababata kami for heaven's sake at sobrang close namin, open kami sa isa't-isa except sa pagkakagusto ko sa kanya na itinago ko at pilit kinakalimutan.

At ngayon tuluyan na nga itong nasira. Alam kong may gusto ako sa kanya pero I respect our friendship. He was the last person I expected to judge me like that pero sya pala ang una. At hindi ko naman ginusto ang nangyari pero parang kasalan ko lahat, I smiled bitterly, I trusted him but I guess I trusted a wrong person.

"Ma, dinatnan ako.. last week.." mahinang sagot ko kay mama na nakaupo sa tabi ko.

Pinapupunta kasi ang parents namin kasi may meeting sila pagkatapos ng program. Kaso excited si mama kaya nandito na sya agad.
At kita ko sa mukha ni mama na nadisappoint rin ito. Tsk sino ba naman ang hindi madidisappoint eh todo effort sila na pagsamahin kami sa iisang bobong ni Ian para magka apo sila?

Masaya ako nung una kasi gusto nila si Ian para sa akin kaya hindi na ako mahihirapang kumbinsihin silang wag masyadong pagalitan o sermunan si Ian. Kaso minsan yung pinangagawa nila ay sobra na at ako ang naiipit hindi nila alam na dahil sa ginagawa nila ako yung nagdudusa sa galit ng isang Pisces Ian Delfueva.

Napatingin ulit ako sa tummy ko.
Walang baby sa loob wika ko sa sarili ko.
At dapat masaya ako dahil hindi rin naman sya tangap ng magiging ama nito kung sakali pero nanghihinayang ako. Don't get me wrong okay?

Gusto ko talagang magkaroon ng anak in the future syempre kasi nakikita ko sa mga kakilala ko na masayang magkaroon ng anak at magkapamilya kaya gusto ko talagang maranasan.

At dahil nga dun sa nangyari na excite ako kahit alam kong dapat disappointed ako. Eh anong gagawin ko? Eh masaya ako kaso hindi rin pala mangyayari.

Alam kong ang bata ko pa para magkaroon ng anak. I'm only 21, hindi pa ako graduate ng college at gusto ko paring makapagtapos bago magkaroon ng pamilya.

Pero bakit tuwing maaalala kong dinatnan ako ay nasasaktan ako? Ghad! Nababaliw na ba ako? Ganito ba ako ka desperada?
Nakakahiya ka Czanne!
Sabay pukpok ng mahina sa ulo ko na tila nababaliw kaya napagdesisyunan ko nang umuwi at baka tuluyan na akong mabaliw dito.

"Ma? Uuwi na muna ako." Paalam ko bigla.

"Hindi mo ba tatapusin ang sayaw nila anak?" Nagtatakang tanong ni mama

"Hindi na siguro ma"
Tumango si mama bilang tugon kaya tumayo na ako at naglakad paalis.

Hindi din naman niya mapapansing umalis ako at wala rin naman syang pake. Siguro kailangan ko na ring mag impake at umuwi sa amin. Wala na rin naman kwenta kung mananatili pa ako. Ayoko ng ipagpilitan ang sarili ko, nanatili lang naman ako doon dahil yun ang utos at gustong mangyari ng parents namin. Nung una akala ko masaya eh' pero kalaunan? Hindi pala. Kahit gaano mo talaga ka gusto ang isang tao may hangganan din naman ang lahat.

Ilang beses ko na ring kinumbinsi ang mga magulang ko na gusto ko ng itigil nila lahat ng ito dahil hindi naman ako tanga na manatili, hindi rin ako masokista at manhid para hindi mapansing ayaw niya sa akin.tsk
Wala akong paki alam kong magalit sila mama sa gagawin ko. Bahala na sila.

At siguradong magdidiwang pa sya mamaya pag nalaman na niyang umalis na ako at lalo na at hindi naman pala ako buntis tulad ng inaasahan ng mga magulang namin.

______

UNWANTEDWhere stories live. Discover now