Tinignan ko ang paligid pero wala akong nakikitang Ej, Naroon pa rin kaya siya? Pake ko ba!





Si Joaquin, mahal. Wala pa.” saad ni Donya Elena.





“Susunod daw siya, wag kanang mag alala. Nasa mansyon siya ng Guivarez.” Naks naman halatang mahal na mahal si Hannah ah.





Ang impakta kong ate, tsk tsk!





Pumasok na kami sa loob at ang masasabi ko lang ay Wow.





Wowowin.





Malaki ang mansyon nila na may pagka konting palasyo, napakaganda! Pang sinauna talaga ang bahay, simple lang at malaki.





Malaki rin naman mansyon namin, pero may kunting kalakihan ang mansyon ng Hernandez. Ang mansyon kaya ng Guivarez?





Ang basa ko sa kwento ay medyo may kalakihan ang mansyon ng Guivarez, pero mas malaki pa rin ang mansyon ng Montenegro plus pa yung ang bait bait ng magulang ni Isabella.





Tapos yung ugali naman ni Isabella, patapon.




Nakalimutan ko ang pangalan ng magulang ni Hannah pero ang alam ko ay mababait din ‘yon.





For sure ako, sumisipsip ‘yang si Isabelia doon at papaikutin niya ang pamilya ni Hannah para masunod ang gusto niya lalo na‘t spoiled si Hannah sa magulang.





Spoiled din si Hannah pero mabait ang ugali, kung na reincarnate nga si Isabelia sa katawan niya. Gulo talaga ‘to lalo na‘t mukhang pera si Isabelia.





Sarap isampal sakaniya ang goldbar ko sa mansyon ko na nasa kasalukuyan eh.





Pumasok kami sa isang pinto at bumungad sa amin ang napakalawak na lamesa, parang katulad din sa lamesa namin.






Nasa hapagkainan na nila kami at malaki rin ang hapagkainan nila, psh sanaol mayaman sa past life.






“Maupo kayo.” saad ni Donya Elena, kaya umupo na kami nila ama.






Panay rin ang libot ng tingin ko sa kabuuhan ng mansyon nila dahil napaka ganda talaga. Ano kaya itsura ng bahay nila Hannah?






Sana pangit. Char!






Nag simula na kaming kumain dahil nakahanda na rin naman ang mga plato at kutsara nung dumating kami, sosyal diba! Pero bago kami kumain syempre dasal muna at yun na nga nag eat na kami.






“Ang pamilya Guivarez ay iniimbitahan tayo para sa kaarawan ni Binibining Hannah.” nakayuko ako pero ang tenga ko ay nakikinig sa sinasabi ni Don Alexander.






Chismosa ako eh.






“Oo nga kumpare, inimbitahan ako ni Kumpareng Rolando.” saad ni ama na nakapag patigil sa akin.






Familiar ang pangalan na ‘yon, saan ko ba ‘yon narinig?






Nabitawan ko ang hawak kong kutsara nang maalala ko nung nakaraan. Yung mga Gwardiya Civil na namimilit pabayarin yung dalawang mag asawa!






Tatay ni Hannah ‘yon?! Bakit ganon ang ugali niya? Talaga bang pinipilit ni Don Rolando mag bayad ang may utang at dadaanin ito sa dahas?






Feeling ko hindi si Don Rolando ang nag pautos non, tsk! Isabelia... Masama ka talaga!






“Anak, ayos kalang ba? Mukhang nabigla ka?” napatikhim ako at kaagad na ngumiti dahil lahat sila ay nakatingin na sa akin.






Ayos lang ako, ina. May naiisip lang.” sagot ko.






“Nagiging madalas na ang pagiging tulala at ang pag iisip mo, may problema ka ba?” tanong ni ama.






Napapadalas ba? Namimiste kasi si Isabelia sa utak ko! Bwesit na babae na ‘yon.






“Wala po ama, wag kayo mag alala.” nakangiti kong sabi.






Kita ko pa rin ang pag aalala nila kaya ngumiti lang ako para mabawasan naman ang pag aalala nila.






“Kailan po ba ang kaarawan ni At─ este ni Binibining Hannah?” mahinahon kong tanong, shit muntikan na ako ron ah.






“Sa susunod na linggo na ‘yon, hija.” nakangiting sagot sa akin ni Donya Elena.






“Kailangan po ba ng regalo?” malamang Isabelle! Kailangan talaga ng regalo dahil kaarawan ‘yon. Jusko mahabagin!






Feeling ko ayon na ang pinaka bobong natanong ko sa buong buhay ko!






Natawa naman si Don Alexander, siguro iniisip na nito na ang tanga ko, nakoo! “Oo naman, hija. Kahit anong regalo ay tinatanggap ni Hannah. Mabait ang bata na iyon.”






Ngayon hindi na, Don Alexander. Mapag panggap nalang ‘yon. At saka mabait daw? Parang sinampal naman ako ng katotohanan na ang sama-sama ko psh.






Kahit ano raw? Regaluhan ko kaya siya ng lubid, tapos with note pa na...






To: Hannah Guivarez.






Hbd, mbtc. Bigti kana beh, wala ng kwenta ang iyong life.






From: Your beautiful hot gorgeous nightmare.








Oh pak! Tapos mag ooverthink siya kung sino yung ‘Your beautiful hot gorgeous nightmare’ hanggang sa ma-tegi nalang ulit siya.






Edi hindi na ako mahihirapan pang patayin siya diba! Hah! Big brAiiNnnn!





Ako lang ‘to guys, wag kayong humanga atsaka wag na rin kayong huminga, hehe.






Ano kayang mangyayari sa kaarawan ng impakta na ‘yon? Maganda sana kung kitilin niya yung buhay niya mismo sa birthday niya.






Ako na ang pinaka masaya sa buong mundo, tapos hindi bulaklak ang hihahagis ko sa kabaong niya kundi bomba at goldbar.






Double dedo siya pero ok lang at least may money siya sa langit, hindi siya mag hihirap doon. Papalitan niya sa namatay na casher doon sa langit.






Isasampal ko sa pag mumukha niya ang katotohanang ako pa rin ang panalo sa huli.






Alam kong alam na niya na nasa loob siya ng isang story at gagawa talaga siya nang paraan para mawala ang landas ni Isabella.






Pustahan tayo mga ka-sis! Itataya ko ang isang goldbar ko.









“Magandang gabi sainyong lahat, pasensya na at ngayon lang ako nakarating.”













***
yrioosterical.

Reincarnated as a Binibini Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ