"Sama ako." Hinawi niya ang kamay ko na nasa mukha pa rin niya.

"Huwag na, babalik din ako mamaya." Umalis na siya.

Natahimik ako at pinagmasdan na lang siya palabas ng bahay. Narinig ko pa na tinawagan niya si Dominique.

"Si Dominique ulit." I laughed bitterly before I sat down on our sofa. I sighed, inisip ko na lang kung paano ko siya matutulungan sa ano man ang bumabagabag sa kaniya.

"Nasaan si Jino?"

Nakabalik lang ako sa realidad nang marinig ko si Ada, pababa na siya ngayon galing kwarto niya. Kakaligo lang ata niya, basa pa kasi ang buhok niya habang sinusuklayan ito.

"Umalis, tinawagan niya si Dominique kanina." Umupo siya sa kabilang sofa. "He looks so scared and worried, Andrea." Huminto siya sa pagsusuklay nang buhok niya.

"Bakit daw?"

Nagkibit-balikat ako.

"Hindi niya sinasabi sa'kin, eh. Wala akong alam. I'm worried... I'm worried kung ano man ang dahilan niya."

Napa-ayos siya ng upo saka niya pinagpatuloy ang pagsusuklay nang buhok niya.

"Baka need lang muna niya makalanghap ng sariwang hangin. Ang dami rin ganap nitong nakakaraang araw. Pabayaan mo muna, magiging okay din 'yon."

Tinanguan ko siya.

Siguro nga. We've been through a lot in the last few months, and maybe he just wanted to expel all his stress.

"Ang baho! Ano ba 'yon?"

Kumunot ang kilay ko kay Andrea nang bigla siyang sumigaw nang mabaho raw. Nakatakip na ilong niya. Napaamoy tuloy ako sa paligid. Wala naman akong naamoy na mabaho or what.

"Wala naman mabaho."

Umiling siya habang hawak pa rin ang ilong niya.

"Meron, ang baho sa kusina."

Natawa ako sa sinabi niya.

"Nagluluto nang tanghalian si Ate Maxine, Bicol Express. Hindi naman mabaho 'yon."

Tumayo siya at saka dali-daling lumabas nang bahay.

"Kila Eric muna ako, ang baho talaga."

Napailing na lang ako at natawa. Hindi naman mabaho, ang bango-bango nga ng luto ni Ate Maxine, eh.

Nawala lang ang ngiti ko ng maalala ko ulit ang mahal ko. I want to help him pero hayaan ko na lang muna siya, this time.

Kinuha ko na lang ang phone ko sa bulsa ng short ko saka ko siya tinext.

To: Love

Love, ingat kayo ni Dominique. Just call me if you need me. Pupuntahan agad kita. I love you.

Dumaan ang buong araw na ni hi ni ho wala akong narinig mula kay Jino. He came home before lunch, but he still ignored me, as if I did something wrong. Kumain na kami lahat-lahat hanggang sa pag-prepare namin para sa celebration bukas, hindi pa rin niya ako kinikibo. Kinakausap lang niya ako kung kailangan lang, kaya pati sila napapansin na rin 'yon.

"I'm fine. Don't mind me. Tuloy na natin 'to."

Nagde-design kami ng bahay para bukas pero hindi ko maramdaman ang saya, lalo kung ganito siya. Nagwo-worry na ako sa kaniya.

"Kausapin mo na, bro." Napatingin ako kay Eric nang sabihin niya 'yon.

Gusto ko na rin talaga, kaya tinigil ko muna iyong ginagawa ko saka ako lumapit sa kaniya, hinawakan ko ang kamay niya at saka siya dinala sa kwarto namin.

A Diamond Between UsHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin