CHAPTER 32

33.4K 1.2K 2.1K
                                    


-

"Good morning babe!" Langya, lakas naman makasigaw kay aga-aha.

"Bakit panay hikab ka?" Niyakap nya ako sa bewang kaya hinayaan ko na, wala ako sa mood at kulang ako sa tulog.

Diba nga sabi ni dragon sleep with me tonight daw, pero nong pagdating ko sa bahay n'ya ay ang gaga binato agad ako ng tsinelas pagpasok ko sa kwarto n'ya.

I asked her kung anong problema pero ang dragon galit na galit at hindi ko alam kung ano ang nagawa ko kung bakit na naman umusok ilong n'ya. Scammer si Miss Ma'am, akala ko pa naman mangyayari 'yong nasa isipan ko hmm.

"Babe!" Hampas ni kb sa balikat ko kaya.

"Ano?!" Naiinis na ako, masakit pa naman ulo ko shuta.

"Bakit ka naninigaw? Puyat ka ba sa ginawa nyo kagabi?" Nagsalubong ang aking mga kilay at pinaningkitan sya ng mga mata.

"Pinagsasabi mo! Sa labas ako ng bahay natulog. At ang daming lamok!" Bwesit naalala ko na naman dahil sa mga lamok.

Nasa may bandang pool ako natulog buti nalang may lounger kaya maayos rin naman ang pagkahiga ko pero wala akong kumot! Tapos bigla nalang may nahulog sa mukha ko na kumot galing sa second floor, tangena talaga ni dragon.

"Bakit sa labas gaga? Under ka ba kay ma'am?" Gandang tanong naman, halatang naghahanap ng gulo.

"Wag mo ako simulan keyboard, masakit ulo ko." Banta ko.

"Tsk, para mawala na sakit ng ulo mo... Ayun oh, si dragon mo." Biglang turo ni keyboard kay pie na papasok nang building.

"Bakit nandito sya? Mukhang busy?"

"Hindi ko knows, pero sabi sa akin last night may announcement sya?" Sagot ko. Anong announcement sasabihin ni dragon? Tsk, nagtatampo parin ako sa kanya, si ako nakatulog ng maayos!

"Talaga?" Sagot nya at hinila ako papasok ng department building.

"Teka lang, may kailangan ako kunin sa office ni pie," Pigil ko sa kanyang kamay at huminto.

"Anong nakalimuta mo? Kiss mo?" Pang-aasar nito sa akin.

"Hindi, pero pwede rin naman kiss." Nakangisi kong sagot kasabay ang pagtaas-baba ng mga kilay. Mukha ni keyboard nakabusangot na, ano nanaman problema nito?

"Ano nga kukunin mo? Alam mo %1 nalang mauubos na dignidad ko dahil sa mga trip mo babe! Bakit ba ako nalang lage gusto mo pagtripan, kainis!" Nagpapadyak na reklamo nito, bakit ba e mas suitable sa kanya ang pagiging payaso kaysa sa amin.

"Keybold." tawag ko.

"Ano?" Kunot noo nyang sagot.

"May dignidad ka pala?" Gulat kong tanong.

"Hoy bwesit ka! Ang sama mo sa akin babe!" Singhal nya at pinaghahampas ako sa likod. Shutangena, sakit masyado makahampas!

Ginulo-gulo ko nalang ang kanyang buhok at ngumiti. "Ikaw kasi mas bagay maging payaso kb, napapasaya mo naman kami." Ginamit ko ang dalawang kamay upang pisilin sya sa magkabilaang pisngi.

"Tangena, kasayahan n'yo kapalit ang dignidad ko?!" She hissed as she rolled her eyes.

Cute lang ni keyboard eh. "Ou na, next time sila naman gawin nating payaso. Wag ka na nga sumimangot."

"Tsk, lumayas ka na nga. Puntahan mo na dragon mo at baka ma late ka pa. Shoo shooo." Mahina akong natawa dahil sa pagbugaw nya sa akin. Pinauna ko na sya at kaagad umakyat patungong opisina ni dragon, sana nasa office pa sya. Tinakbo ko na para mas mabilis ako makarating at humugot muna ako ng malalim na hininga bago kinatok ang kanyang pintuan.

ᴘᴜ : ꜰᴀᴠᴏʀɪᴛᴇ ɢɪʀʟ (ɢxɢ)Where stories live. Discover now