CHAPTER 4

44.2K 1.5K 2.8K
                                    


-

-

"Babe!" Tawag ni keyboard pagpasok ko ng classroom. Pansin kong konti pa kaming nandito, dumiretso ako sa upuan at inilapag ang mga kagamitan at napansin wala pa rin ang Quadruplets.

"Hoy kamusta? ano pinag-usapan nyo ni Ketwee kagabi?" sabay silang tatlo lumapit at pinalibutan ako.

"Walang usapan na naganap." wala sa gana kong sumagot at naalala bigla ang pagtatangka ng pinsan niya sa akin kagabi. Kung hindi lang dumating sila Ziallyn tigok na siguro ako.

"Nge? akala pa naman namin magtatapat sayo." inangat ko ang ulo upang tingnan si Iris, magtatapat ng ano? tapat na manyakis pinsan niya at mapagsamantala?

"Sinasabi mo tanga?" tanong ko. Umakbay siya at ngumisi, sarap sikuhin ng mukha nito.

"Slow ka ba talaga o talagang nagiging bobo ko na S? ang ibig kong sabihin ay may gusto yung Ketwee sayo kaya ihanda mo na sarili mo." bulong nya na ikinataas ng kilay ko. Kung anu-ano na lang iniisip ng mga babaeng to.

"Tumahimik nga kayo at magkaibigan lang kami, wag nyo na bigyan ng malisya." depensa ko sa sarili, kukulitin na naman ako ng mga baliw na to.

"Pustahan tayo?" ang lakas makipag pustahan ni Iris pero hindi pa siya nananalo.

"1K sa linggo na to." unang hirit ni Iris.

"Okay deal." segunda naman ng dalawa. I heaved a sigh at kahit pigilan ko man sila ay hindi rin naman makikinig.

"Ikaw babe, ayaw mo sumali ha? Sumali ka na dali." bakit ba pinipilit ako ng keyboard na 'to sumali

"Bahala nga kayo dyan." sabay irap sa kanilang tatlo. Hindi ko na sila pinansin at nag focus sa pagbabasa. Mahilig pa naman sa surprise recitation tong unang prof namin.

"Ay bakit pala hindi kayo natuloy sa pag-uusap. May ganap na naman ba? singit ulit ni Kb habang nagbabasa ako.

"Let's talk about that later." sabi ko at seninyasan silang lumayas na sa desk ko.

Pagkatapos ko silang palayasin sakto naman dumating ang mga kambal. Pero bago paman makapasok ng tuluyan ay may tumawag kay Ziallyn. Sakto naman na nasa may pintuan sila kaya kitang-kita namin sila.

"Zia," Isang gwapong lalaki ang biglang sumulpot sa harapan nila.

Oh I remember this guys.
I think he's the Captain of the Men's Basketball team. What's his name again? Bonjik? Kojik? ay basta yun na yun.

"Ooo, it's Bonjie." biglang bulong nitong katabi ko na si Kb. Nabasa nya ba nasa isipan ko?

"Ang bansot ng pangalan nya. Di bagay sa mukha nya" Seryoso kong sagot kay Kb. Totoo naman kasi, ang pogi nya tapos ipapangalan sayo Bonjie? The heck.

Nag tawanan naman ang tatlong nasa gilid ko.

"Binigyan ba kita ng pahintulot tawagin akong ganyan? Who are you?" Woooo look at that. Aga-aga nagtataray na ang Demonyetang to. Napakamot nalang sa ulo ang lalaki.

"I-I mean Miss.Zia–" di na natapos kasi sumingit na naman sya. Favorite nya talaga yan.

"I don't have time for you." gamit ang kanyang malupitang yelong boses. Medyo napapahiya na si guy at nasa kanila na kasi lahat ng atensyon ng mga estudyante.

"P-Pwede ba kitang e.invite lumabas?" nakayuko ito habang nagsasalita.

"We're already outside" Pambabara nya kaya nagtawanan ang mag studyante. Tangena talaga gusto ko narin tuloy matawa.

"BAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA-" bigla ako napahagalpak at takip ng bibig, langya di ko mapigilan. Sobrang pula ng mukha ni Bonjie, nagmukha na syang kamatis. After that ay pumasok na sa loob ang mga kambal at umalis ang lalaking napahiya. Nagtagpo ang aming mga mata ni Ziallyn at agad ko yun iniwasan, baka kasi pag nakipag titigan pa ako sa kanya ay magsimula na naman maging abnormal tong puso ko. Pagkaupo nila ay inangat ko na ulit ang ulo, agad kong nalanghap ang mamahalin nyang pabango. Nakakaadik yung amoy nya at strawberry flavor.

ᴘᴜ : ꜰᴀᴠᴏʀɪᴛᴇ ɢɪʀʟ (ɢxɢ)Kde žijí příběhy. Začni objevovat