CHAPTER 8

34.8K 1.3K 2.3K
                                    


-

Anong oras na ay di parin ako makatulog, asan na yung antok ko kanina at biglang nawala. Kasalanan to ni ma'am, kung sana di niya nalang sinabi na may girlfriend siya edi sana kanina pa ako humihilik at mahimbing ang tulog.

Lumabas ako ng kwarto at nagpasyang silipin kung tulog na si ma'am, hindi na ako kumatok dahil baka magising ko kaya agad ko binuksan ang kwarto. Sabay kaming nagulat at tigilan dahil hindi ko inaasahan na gising pa pala ito o baka nagising at nag banyo lang.

"M-miss Pixie, bakit gumising ka pa?" Lutang kong tanong sa kanya.

"You want me dead huh" Na realize ko naman agad ang sinabi ko. Bobo mo Sj.

"I-I mean, ba't gising ka. Dapat tulog ka na ah" paliwanag ko sa kanya.

"You're not my Mom" tangena talaga pilosopa pa. Sarap daganan sa kama eh.

Napakamot nalang ako sa ulo.

"It's so hot." hot? Paanong hot kung nakabukas naman aircon.

"Mahina ba aircon? Pwede ka naman maligo ma'am kung-"

I was surprised when she slowly took off the dress she was wearing, so I immediately covered my eyes with my hands.

"M-Miss Pixie!" Pisting yawa. Bakit ba bigla nalang naghuhubad to sa harap ko! Hindi ba sya nahihiya. Pero sabagay sexy naman ang katawan nya kaya confident sya maghubad.

"What?"

"W-What are y-you doing! Bakit ka ba bigla nalang naghuhubad d'yan." Isa ka pa. Isa ka ring tukso.

"What's the problem? It's the first time you've seen a half-naked woman?" obvious naman siguro sa reaksyon ko diba!

"B-Bahala ka, alis na ako, sorry po!" sabi ko saka tarantang lumabas ng kwarto at bumalik ng kwarto.

Langya, ganito ba talaga silang mag pinsan? mga tukso! Anong oras na oh, baka sikatan na ako ng araw nito. Antok, dalawin mo na ako maawa ka naman sa akin! Pipikit at pipilitin ko nalang sana ang sarili makatulog nang biglang namatay ang ilaw. Walangya at nag brownout pa nga, mabuti at may emergency light sa kwarto.

Napabalikwas at bangon ako dahil sa sigaw na nagmula sa kabilang kwarto, tumakbo ako para alamin kung ano nangyari kay ma'am nang biglang bumukas ang kanyang pintuan. Bigla ako nawalan ng balanse sa pagtalon niya at yakap ng mahigpit sa aking leeg kaya bumulusok pwet ko sa sahig, shuta.

"M-Ma'am, ano ba nangyayari sayo at nagsisigaw ka?" tanong ko at napansin sobrang dilim sa kanyang kwarto, ou nga pala at walang emergency light sa kanya.

"It's so dark and I'm not used to the lights being off." nag init ang katawan ko nang mahawakan ang balat niya. I mean, tatapikin ko sana siya sa likod para kumalma pero wala pala siyang suot na damit!

"W-Walang kuryente ma'am, hindi siguro nagbayad magulang ko kaya naputulan kami." dinaan ko nalang sa biro ang lahat at inilaya ang mga kamay sa kanyang katawan.

"I don't want to sleep alone when it's this dark. Can I sleep in your room?" si ma'am speed, pero tama ba narinig ko?

"H-Ha? Ah sandali lang ma'am, y-yung katawan mo po sobrang dikit." shuta yung puso ko sasabog na sa kaba kung di pa siya bibitaw sa akin.

ᴘᴜ : ꜰᴀᴠᴏʀɪᴛᴇ ɢɪʀʟ (ɢxɢ)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu