CHAPTER 11

29.6K 1.1K 1.2K
                                    


-

Kasalukuyan ko pong tinatakbo ang daan patungong langit, charot lang. Patungong gym pala. Yung alarm ko kasi hindi tumunog at nakalimutan ko may practice ngayon at late na ako masyado, sana lang di umusok ilong non ni coach pagdating ko.

Shit tumatawag na naman si Kb.

"Ouch!" Pag minamalas ka nga naman oh! Kung kailan nagmamadali ako.

I was about to turn right when I bumped into something--oh no! It's Ziallyn.

"Damn!" mabilis akong yumuko upang tignan kung ayos lang ba siya.

"Zi! Are you okay? I'm so sorry. Nagmamadali kasi ako." sabi ko at inalalayan siyang tumayo.

"Why are you running Shara Jane?!" Singhal n'ya. Kakasabi ko lang nga nagmamadali ako.

"Coz I ain't walking?" Pilosopo kong sagot. Tangena tapang ko.

Oh shoot! Ayan na yung pamatay tingin n'ya.

Kung di lang ako nagmamadali ay talagang aasarin ko tong demonyeta na to. Mabilisan kong pinulot ang mga dala niya na nagkalat sa sahig.

"Wag ka nga sumigaw. Aga-aga sigaw agad bungad mo sa 'kin. Dapat nga morning kiss bigay mo sa 'kin eh" Saad ko habang patuloy na pinupulot ang mga papel. Tangena ba't ang dami nito.

I saw her face redden. Anyare sa kanya?

"Here, Sorry okay? I gotta go. Late na 'ko sa practice baka umuusok na ilong ni Coach. Take care okay?" Binigay ko na sa kanya ang mga gamit n'ya and gently patted her head. Hindi ko na s'ya hinintay magsalita at tumakbo na papuntang gym. Baka abutin kami ng ilang taon bago pa s'ya magsalita.

*

"Goodness Sj. Bakit late ka? Sino pinagpuyatan mo kagabi?" pangungulit ni keyboard sa akin.

"Gaga, ilang beses ko ba sasabihin sayo na hindi tumunog yung alarm ko?" kala mo naman jowa kung makatanong eh.

"Shara tapos ka na ba?" Sigaw ni Coach mula sa labas ng dressing room.

"Let's go." hinatak ko na si Kb dahil baka bubunganga na naman.

Pasalamat nalang ako hindi ako sinermonan ni coach, mabait kasi ako kaya good vibes kaming dalawa. Naging maayos ang practice at goods naman ang lahat at nakapag adjust agad ng mabilis kaya positions nalang kailangan piliin ni coach para sa starting five. After that, syempre gutom na gutom ako kasi di ko nagawa kumain kanina dahil sa pagmamadali kaya nagtungo kami kaagad sa cafe.

"Ang ganda nong Team Captain natin to? Gage hulmang-hulma yung ano n'ya eh." Biglang sabi ni Iris.

"Lahat naman sayo maganda, duh." ayan na naman si keyboard, di na siya pinasali kanina dahil may regla.

"Tapos ang laki pa nang harapan n'ya"  natatawa ako kay Iris langya.

"Kailan ka titigil sa pagiging manyakis mo ha?" keyboard nananapak bigla.

"Nagseselos ka? Yeee aminin." panunukso ko para mas lalo itong ma badtrip kay Iris,

"What the fuck, babe!" Sigaw ni Kb. Lintik talaga to lagi nalang humahakot ng atensyon sa paligid.

"Crush talaga ako ni keyboard HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA." manyakis na, mayabang pa, angas ng Iris namin.

"Manahimik kayo at umorder na tayo, mauna ka na sa table Sj at kami na bibili ng pagkain mo." good girl talaga Ag namin at di na kailangan sabihan.

"Yes, thanks! Doon ko nalang kayo hintayin sa table, baka may pudding na ha wag nyo kalimutan." sabi ko bago humiwalay at tinungo ang usual spot namin.

Ilang minuto ang lumipas nakabalik sila dala ang maraming pagkain na binili, mauubos naman siguro namin lahat? Matakaw ako e, matakaw din si keyboard kaya ou maaubos namin.

ᴘᴜ : ꜰᴀᴠᴏʀɪᴛᴇ ɢɪʀʟ (ɢxɢ)Where stories live. Discover now