CHAPTER 17

28.2K 1.2K 2K
                                    


-

Hays.

Puro nalang buntong hininga ginagawa ko kanina pa. Kinakabahan na kasi ako, malapit na kasi magsimula yung contest.

"Hoy! Ang lalim naman, ano ba problema. Ni reject ka ulit ni Demonyo o Dragon? Pang ilang beses na rejection na yan?" gusto ko lang naman sana mapag-isa pero may hayop na palaging sumusulpot.

"Actually..."

"Actually what?" Seryoso na s'yang nakikinig ngayon.

"Buntis ako" biro ko sa kanya.

"Tanga, wala ka ngang GF! BF pa kaya?" Luh, ipamukha ba naman sa 'kin

Bumuntong hininga na naman ako kaya naiirita na tong si keyboard.
"Ano nga problema mo?!"

"Kagandahan ko"

"Letche!" mahina akong tumawa.

"Ma-"

hindi ko na naituloy ang sasabihin ko kasi may biglang dumukot sa akin at binuhat. Yung buhat na parang bata ka na sinampay lang sa balikat, ganer, ganern.

"Hoy Iris pisti ka! Anong ginagawa mo!" Hampas ko sa pwet n'ya.

"Gago andyan na si shrek!" The heck, sinong shrek?

"Ibaba mo nga si babe, Iris!" Inis na utos ni kb.

"Tangena magpasalamat ka nalang sa akin!" pano magpapasalamat kung hindi ko alam ang rason? Bobo amp

"Ibaba mo na 'ko, yu-"

"Tignan mo nasa right side, near sa nurse quarter!" Kaya tinignan ko naman agad. Sino bang sh-

"Sige baba ka n-"

"Hoy pota! Itakbo mo na ako! Hindi si shrek yan! Yan yung killer sa wrong turn! Takbo Iris, nakita na n'ya ako pisti ka!."

Si Bern pala tinutukoy n'ya, kaya pala bigla nalang ako dinukot nito. Hindi kasi ako makakatakbo, nagsalubong ang mga mata namin ni Bern at malawak ang ngiti nitong papunta sa direksyon namin.

"Itakbo mo na si babe!" Utos ni Kb kaya tumakbo na kami--ay hindi, sila lang pala dahil buhat-buhat ako ni Iris,

"Kanina ka pa n'yan hinahanap, langya ka ano pinakain mo sa babaeng yan?" malakas na boses ni Iris habang tumatakbo,

"Babe!" Litsi mama mo babe.

"Bilisan mo ang takbo, maabutan na tayo walangya! Liko ka sa right side sa main building tayo." Deja Vu. Parang nong nakaraang araw lang hinahabol din ako ng mga unggoy kong k-klase.

"Ang bigat mo, naknampucha!" kinurot ko tagiliran niya kaya napahiyaw ito sa hapdi.

Takbo lang sila ng takbo at hindi naman alam kung saan tutungo, kawawa naman pero kasalanan niya naman yan at bakit kasi ako biglang kinarga.

"Potangena hinihingal na ako, hindi pa ba napapagod si shrek kakahabol?!" Reklamo na ni Iris. Habang ako nangangalay na rin na nakasampay sa balikat n'ya.

"Sa kaliwa iris--tanga! Kanan yan stupid!"

"Aray sj! Wag ka naman manabunot! Englishin mo nalang kasi nalilito ako sa kaliwa at kanan." Langya, sabagay pati ako minsan nalilito.

"Babe stop!" Sigaw ni Bern. Ano ka gold? Muntik mo na 'kong pagsamantalahan.

"Kanan--right right iris dali habang may nakaharang sa kanya!" Off lights kasi sa right side kaya pwede kami magtago.

Biglang natapilok si kb kaya napasubsub sa sahig.

"Hoy tanga!" Sigaw ko sa kanya.

Pero mas tanga pa pala tong nagbubuhat sa akin kasi bigla nalang kaming may nabangga pagkaliko.
Kaya pati kami ay sumisid sa sahig, ilang isda?

ᴘᴜ : ꜰᴀᴠᴏʀɪᴛᴇ ɢɪʀʟ (ɢxɢ)Where stories live. Discover now