CHAPTER 10

33.6K 1.1K 1.4K
                                    


-

Kunot noo kong pinagmamasdan ang pintuan ng classroom, may baliw kasi na kanina pa ito pinaghahampas at sisipa, pakiramdam ko masisira na sa lakas ba naman at dinaig pa kabayo kung makasipa eh. Ni locked ko kasi para walang makapasok na asungot dahil gusto kong ma relax utak ko habang nag rereview nitong last subject namin for exam.

"Babe! open sesame!" hampas ulit ni Kb sa pinto.

Tinakasan ko kasi sila kanina sa cafeteria at di rin makapag focus dahil sa sobrang ingay ng paligid. Bumuntong hininga ako bago tumayo upang pagbuksan ang alaga kong kanina pa kahol nang kahol sa labas.

"Ano? Nag-aaral yung tao oh." sabi ko pagbukas ng pinto.

"Wala lang, gusto lang din kitang samahan kasi bored ako." nakabusangot n'yang sagot.

"Sus, ang sabihin mo inaasar ka na naman ni Iris kaya nandito ka." sagot ko.

"Hindi ka pa ba tapos?" sabay silip niya sa desk ko, obvious naman sigurong hindi pa ako tapos kasi nandito parin ako.

"Patapos na, paano mo nalaman nandito  ako?"

"Malakas pang amoy ko, gaga." malambing niyang ngiti, stalker ko talaga pati friends.

"Aso ka pala." bigla itong nainis dahil sa pang-aasar ko.

"Wag ka nga gumaya kay Iris! Tara na." wala na ako nagawa kundi ang magpatianod nalang sa kanya dahil hindi rin naman ako titigilan.

Hawak kamay kaming naglalakad patungong cafeteria, baka may kumalat ulit issue tungkol sa amin. Last time nga napagkamalam pa kaming mag jowa kahit na alam naman nila na bestfriend ko to.

"Ang daming nakatingin sa atin babe. May narinig akong sinabi na bagay daw tayo" bulong ni Kb sa akin.

"Ou alam kong maganda tayo. Don't state the obvious, at wag ka na mangarap dahil wala akong feelings sayo" sagot ko sa kanya sabay paikot ng mata.

"Ouch, parang sinampal mo rin ako sa katotohanan na hindi ako attractive." nguso niya at kinagat ako sa braso.

"Shuta! masakit ha." sermon ko.

Hanggang sa makarating kami sa cafeteria ay magkahawak kamay parin kaming dalawa, may pa swing-swing pa. Pinagtitinginan pa kami pero pakialam ba namin sa kanila, normal lang to sa tropa. Umakyat kami agad sa table ng mga kambal dahil nandoon sila Iris, ang saya nila ha, paano nila na close mga kapatid ng demonyeta?

My body immediately tensed up when I felt their presence. No, it was more the feeling of their intense glare that sent chills down my spine. Oh magkahawak kamay pa pala kami ni Kb kaya bumitaw na ako.

"Saan ka galing?" tanong ni Ag,

"We went for a date" biglang sagot ni Kb. Nakita ko naman biglang kumunot ang noo nang dalawang demonyeta. Problema nila?

"Wee? Talaga? May pag-asa ka kay Sj?" singit naman ni Iris na nakangisi. Langya sumabay pa talaga sa kalokohan.

Naghanap ako ng bakanteng upuan but sad to say, the only available ay yung nasa gitna nong dalawang maldita. Kaya wala na akong nagawa kundi ang lumapit dun at umupo.

"It's fun. Dami nga nagsabing bagay daw kami. Right babe?" Sabi n'ya at humarap sa akin kasabay ng nakakalokong ngiti. Tinaasan ko lang s'ya ng kilay.

"Luh, feeler. Maubos nalang ang tao sa mundo hindi ka magugustuhan niyan at isa pa diba alam naman natin sino talaga gusto niya." malakas na pagkakasabi ni Iris, gusto ko siyang lapitan at sakalin hanggang sa mawalan ng hininga.

"Really?" chismosang Helari,

Sasagutin ko ba? Ang awkward masyado. Idagdag mo pa yung sobrang lamig na nararamdaman ko dahil dito sa dalawang katabi ko. Nakita ko naman na hinihintay nila ang sagot ko.

ᴘᴜ : ꜰᴀᴠᴏʀɪᴛᴇ ɢɪʀʟ (ɢxɢ)Where stories live. Discover now