OBSESSION 33

16.2K 418 21
                                    

Memories.
◈ ━━━━━━━ ◆ ━━━━━━━ ◈

KARINA

Dahil sa jetlag namin kahapon ay hindi muna kami namasyal o lumabas ng bahay. We stay inside the house in the whole day. The day after, we decided to find a comfortable place to drink a coffee. Paris has always been known as specialty coffee capital. Dito kasi sa Paris uso ang kape kaya maraming coffee shop dito. Nagkagulo pa nga kami sa pagpili ng lugar hanggang sa si Mama na ang nag decide dahil aabutan kami ng siyamsiyam  pagnagka taon.

 Nagkagulo pa nga kami sa pagpili ng lugar hanggang sa si Mama na ang nag decide dahil aabutan kami ng siyamsiyam  pagnagka taon

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

La Fontaine de Belleville, Isang corner café ang tinungo namin. Aniya ni Mama ay nakaka relax daw dito lalo na pagdapit hapon. Totoo naman iyon dahil habang humihigop ka ng kape tanaw na tanaw mo ang mga sasakyan dumadaan at mga taong naglalakad sa gilid. Hindi lang kape ang menu nila may mga pagkain din naman. Pagkatapos naming uminom at kumain doon na may konting chikahan ay nag pasya kaming puntahan ang isa sa museum dito sa Paris.

Dahil mahilig kaming mag explore, we ended up in The Louvre Museum which is one of the world's largest museum. Sa sobrang laki ng museum muntik pa kaming mawala. Maraming mga works ni Leonardo Da Vinci ang naroon at Isa na doon ang painting ni Mona Lisa. Mapapakanta ka na lang ng teenage monalisa. At dahil bawal mag gumamit ng selfie stick or kahit anong flash or lightning sa photography dito sa museum ay  konti lang ang kinunan ko ng pics dapat daw kasi pang personal use only lang kapag nagtatake ka ng pictures sa loob.

Mga dapit hapon ay nagsimula na kaming bumyahe para naman Makita na namin ang Eiffel tower. Sumakay lang kami ng Taxi at ilang minuto ay narating narin naman sa wakas ang aming destinasyon. Ang tatlo ay kanya kanyang kuha ng litrato at pag pose makakuha lang ng tamang shots.


Ang sarap pala sa feeling matanaw mo sa malapitan ang Eiffel tower. Para kang makakahanap ng love life dito! Magsasaya na sana ako kaso ay bigla akong nakaramdam ng sakit sa ulo at kung anu-anong eksena ang pumasok sa isip ko.


"Promise, dadalhin mo ako sa Eiffel tower?"

" I promise baby, soon you will see."

"Karina, anak ayos ka lang?" napaangat ako ng tingin kay Mama. Hindi ko alam kung bakit pero mas lalo atang sumakit ang ulo ko at maraming eksena ang nag fa-flash sa isip ko. Mga eksenang alam kong may malaking parte sa buhay ko.


" Karina! " I heard them shouted before I passed out.

* * *

Napasimangot ako ng makarating kami ni Papa at Mama dito sa malaking mansyon na puno ng mga tao. Ayokong pumunta sa mga ganitong gathering at makihalubilo sa iba mas pipiliin ko bang manatili sa silid ko at magbasa.

May business kasi si Papa kaya naman ay invited kami dito. Wala namang kwenta ang selebrasyon nila dahil puro business lang ang pinag-uusapan. Nagpaplastikan pa ng ngiti halatang halata naman.

HADRIANUS OBSESSION (IMPERO TIGRI#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon