OBSESSION 2.2

29.7K 802 40
                                    





Pagkatapos mag salita ni Mr. Armani sa loob ng aming klase ay nagpaalam na agad ito na ikina angal naman ng mga babae kong kaklase. Tumunog naman ang bell for class break kaya wala na rin silang magagawa...ako naman ay napaisip sa nangyari.






Habang kumakain kami ng lunch ay tumunog intercome speaker...sinasabing lahat ay kailangan dumalo sa pa welcome show para kay Mr. Armani gaya ng napagusapan.







Even though I don't like to attend the event ay wala akong magagawa dahil may attendance daw and need lahat ng students ay naroon. And because of that parang sawa itong mga kaklase ko kung kiligin kulang na lang ay lumupasay sila sa sahig. Kita ko namang napapa-iling ang mga kalalakihan. And guess what, tudo kurot si Zane sakin dahil ang gwapo-gwapo daw ni Mr. Armani sa personal and hot— paulit ulit niyang binibigkas iyan kulang na lang isinulat niya ito sa noo ko. I just rolled my eyes at hinayaan siya— okay I must say na magandang lalaki si Mr. Armani but I don't like him and the way he looks at me feeling ko may something sa kanya. Something dangerous, sa mata pa lang niya na hindi mo magawang basahin parang nakasarado ang emosyon nito and there  is something deep, mysterious about that man.






His voice seems familiar but I don't know if  when did I heard it or it's just a coincidence. But I don't care at all as long as wala siyang ginagawang masama sakin. Siguro kanina baka hindi talaga siya sakin nakatingin or nababaguhan lang siya sa mukha ko.






"Karina, let's go to the  restroom frienyy. I need to retouch," aya nito habang nakalambitin sa balikat ko.





"Tsk, ikaw na lang I'm not done yet eating with my spaghetti," nagpatuloy ako sa pag-nguya ng paborito kung pagkain. Since then nakahiligan ko na talagang kumain nito araw-araw it makes me reminds my father. My papa always cooked whatever I wanted to eat especially spaghetti which is both our favorite. This is the best memories with my father, and hope he still here with me, with us.







"Pretty please friennyy I badly need to retouch kasi mamaya na mag start yung event, I don't want to look like sh*t, pretty plss Karina," napabaling ang tingin ko dito, nakahalumbaba ito sa harap ko she's trying to look cute at alam niyang hindi ako maka hindi dahil mapilit talaga siya.





"Karina, try mo kayang mag lipgloss noh? ang putla mo masyado gurl, I know maputi ka and your pretty but you need something light —"




"Nah - ah, I don't like make-ups Zane, so stop it," I cut her.





"Whatever you say, basta kailangan mo'to, tsyaka lipgloss lang naman ah," ungot niya pa. Nasa harap kami ngayon sa malaking salamin ng CR at randam ko ang mga tingin na pinupukol sakin ng mga babae dito and they murmuring something about me but I just ignored them. Wala namang totoo sa mga sinasabe nila.




"Fine, Basta konti lang huh," pagsuko ko dito, ngumiti naman ito at excited na nilagyan ng lipgloss ang labi ko.



"Ay waittt, ito pa?" ibinalik niya sa lalagyan ang lipgloss pagkatapos ay may kinuha siyang parang cream.




"Ano yan, Akala ko ba lipgloss lang?"





"Nope, I changed ma'mind. We need to put something to lighten  your face at kailangan din natin lagyan ng blush on ang pisngi mo," Hindi na ako naka-ungot ng ikulong nito ang mukha ko gamit ang kamay niya at nilagyan ng kung anu-ano and I'm not used to it.


___







INGAY ang maririnig sa buong gymnasium. Nandito ang lahat...Our school's principal and the deans deliver a brief speech together with Mr. Armani. At kanina ko pa napapansin na madilim ang aura nito. Nakakunot noo at tiim bagang ang panga nito at kanina ay pilit itong ngumiti sa lahat. Hindi ko alam kung ako lang ba ang nakakapansin nun. Nakaramdam naman ako ng kaba sa di malamang dahilan.








Hindi ako sanay mag-ayos ng mukha, kaya naman ay na co-concious ako dahil mula pag labas ko ng restroom at pagpasok ko dito ay sa gymnasium ay nakatitig sila sakin lalo na ang nagbabagang tingin niya sakin. He looks at me as if I did something wrong.





Lumingon ako sa gawi nito pero agad din akong nag-iwas at napalunok when he darkly look at me. Ibinaling ko na lang ang tingin sa may stage kung saan may Banda na kumakanta at sinasabayan ng mga studyante.







"Eyy Rin-Rin!" Napalingon ako sa gawing iyon.





It's Diego, he used to call me Rin-Rin.







"Hey, ngayon ka lang?" I loudly ask dahil hindi kami magkarinigan sa lakas ng tugtog.






"Nope, actually nasa kabilang banda ako kanina with my friends," aniya.




"Ahh okay,"






"Okay ka lang ba dito, are you bored? I know you, Hindi mo type ang ganito," ngumisi ito at ginulo ang buhok ko. Sinamaan ko naman ito ng tingin pero tumawa lang ito.





"You know what, mas lalo kang gumanda ngayon mas lalo tuloy akong na i-inlab sa'yo," titig na titig ito sa mukha ko. Bahagya akong namula at binatukan ito para matabunan ang hiya. Napa-aray naman ito habang tumatawa.





"Loko-loko ka talagang! Nambola pa tsk!" inirapan ko ito.




"Ayieee, DieRin na ba? HAHA Tama naman si Diego frieny mas lalo kang gumanda, tumpak!" Singit pa ni Zane.




"Ewan ko sa inyo!" tumalikod na ako sa dalawa at muling binalingin ang kumakanta.





Mayamaya pa ay nagpaalam ako sa dalawa upang mag restroom dahil bigla akong na-iihi. Gusto pa sana nila akong samahan kasi tumanggi ako dahil mukhang nag e-enjoy sila sa event.





Lakad takbo ang ginawa ko dahil malayo-layo ang restroom dito. May restroom naman dito sa gymnasium kaso marami ang gumagamit.





Mabilis akong pumasok sa ladies restroom, may kaonting studyante ang nasa loob na nag-aayos sa kanilang postura. Lumingon sila sakin ngunit hindi ko na ito binigyang ng pansin at pinili ko na lamang pumasok sa unang cubicle. Na-iihi na talaga ako.





Pagkalabas ko ay wala ng tao sa loob. Pinanuod ko ang aking hitsura sa salamin, medyo magulo ang buhok ko ng kaunti. Kumuha ako ng suklay sa shoulder bag na dala-dala ako at mabilis na sinuklay ang mahabang buhok. Pagkatapos ay mabilis na nilisan ko ang lugar.




Marahan lamang akong naglalakad dito sa hallway. Malapit ng mag 5pm pero hindi parin tapos ang event kaya konte lang ang studyanteng nakikita ko dito dahil nasa gymnasium Ang lahat. Napahinto ako sa paglalakad nang maramdaman kong parang may pares ng  paang sumusunod sa bawat hakbang ko. Mabilis akong lumingon sa likod ngunit walang bulto akong nakita. Pero may naririning akong kaluskos doon sa gilid ng building. Humakbang ako pabalik, baka pinagtritripan lang ako.





Isang malaking punong kahoy ang bumungad sakin. Medyo tago lang ang lugar na ito sa hallway kaya hindi ka agad nakikita kung magtatago ka dito.  Napa-iling nalang ako dahil Wala naman akong nakitang tao at isa pa wala namang multo s ganito oras.




Isang hakbang ko patalikod ay may biglang humigit sa katawan ko. Napasigaw ako sa gulat ngunit maagap na sinakop ng malaking kamay ang bibig ko. Masyado mabilis ang pangyayari at natagpuan ko na lamang ang sarili kong nakasandal sa katawan ng Puno.




Nakapikit lamang ako, malakas ang tibok ng puso ko hinihintay kung anong mangyayari.




"Shhh open your eyes now baby," nanindig ang balahibo ko sa batok nang maramdaman ko ang hininga nito sa leeg ko. Masyado malamig ang boses niya. Nanlaki ang mata ko nang mapagtanto kung sino ito.





Sumalubong sakin ang kulay abo nitong mga mata. Ramdam ko ang malaking braso nitong nakapulot sa katawan ko. Tila hinihipnotismo ako nang mga titig nito at para akong mauupos sa kinatatayuan ko.





"Surprise my little girl," he smirked directly looking into my eyes. Nahigit ko ang aking hininga at hindi makapaniwalang napatitig sa mukha nito.





Anong kailangan niya sakin?!

HADRIANUS OBSESSION (IMPERO TIGRI#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon