OBSESSION 4

27.5K 637 26
                                    

Engaged.


Kunot noo at nakatulala lamang akong nakatingin sa mukha ni mama. Hindi ko alam kung anong e re-react ko. Nang makarating ako dito sa bahay ay sinalubong ako nito nang seryosong mukha at hindi ako sanay na ganun siya at duon pa lang ay alam ko nang may hindi magandang mangyayari. At hindi ko inaakala na ganito. Nabingi ba ako? Namali ba ako nang pandinig?



"Nagbibiro ka lang diba Ma? Tell me may prank bang nagaganap?" bahagya pa akong natawa diko ini-espect ang prank na ito t hindi ito magandang prank. Pero agad napalis ang tawa nang muli itong magsalita ng seryoso.



" Hindi ako nagbibiro Karina," bumuntong hininga ito at tumingin nang diretso sakin. Pinagmasdan nito ang reaksyon sa mukha ko at dahil sa pinapakita niya sumisikip ang dibdib ko. "Narinig mo ang sinabe ko, You are engaged, You are marrying someone. At matagal na itong kasunduan noon pa man hindi lang namin masabi ng papa mo noon dahil masyado ka pang bata," Napatigil ako, pigil hininga akong nakatingin dito hindi makapaniwala sa narinig. Anong kalukuhan ito?



Ilang menuto akong nakanganga at pinaprocess ang sinabe nito. This is insane. I am just 19 and not yet ready to settle down at ang mas malala pa ay hindi ko ito kilala.



"Sa—sa kwarto lang ako..." iyon lang ang tanging lumabas sa bibig ko matapos marinig ang lahat. Mabilis akong tumalikod mula dito at diretsong umakyat sa taas. Dinig ko pa ang pagtawag ni Mama sa pangalan ko pero parang nabingi ako sa lahat.


Sumalampak ako saking higaan, kinakalma ko ang sarili ko. Matagal na? Pero ngayon lang. Ngayon ko lang nalaman! I know Hindi nagbibiro si Mama sa hitsura pa lamang at pananlita Niya alam kung nagsasabi Siya Ng too. Pero pwede pa naman sigurong e atras ang kasunduan right? At kanina ba sila nakipagsundo? Ang alam ko bumagsak ang kompanya ni Papa bago pa Siya mawala at binili ito at iyon Hindi ko alam kung sino ang nakapili. Si Mama, siya na Ang nagtatrabaho ngayon pero ni minsan Hindi Niya na banggit kung saan o kanino Siya nagtatrabaho. Nakakalito.



"God are you serious frieny? Sinabe iyon ni Tita...why of the sudden? Nakaka bigla naman," bulalas nito sa kabilang linya. Tinawagan ko ito kasi I need someone to talk with.



" Hindi ko rin alam Zane, hindi ko alam na noon pa pala ito, tinago lang nila sakin,"  bumuntong hininga ako at tumingala sa langit. Mula dito sa veranda tanaw ko ang kislap ng mga bituin sa langit at ang liwanag ng buwan na sumakop sa dilim, dito ako nag e-emote sa tuwing may problema akong dinaramdam.




"Don't worry frieny malay mo gwapo pala ang future— " Zane naman wala akong pake kung ano man siya basta ayokong maikasal," pinal na putol ko dito. Humagikhik naman ito sa kabilang linya. Tsk baliw talaga toh.




"Okay, it's up to you— Yes, mom! what is it? Okay fine— bye muna frieny hah may gagawin lang ako, see you!" mabilis nitong paalam bago ibinaba ang tawag. Napatawa na lang ako dito ngunit agad din iyong napalitan ng kunot noo ng maramdaman ko na naman ang mga matang iyon. Mga matang nagmamasid sa mga galaw ko.




Pinagmasdan ko ang eskinitang walang katao-tao. Sarado ang mga tahanan ng mga kapitbahay namin at tanging ilaw lang ng maliit na poste ang nagbibigay liwanag sa daan. Napako ang tingin ko sa malaking puno, iyon— Hindi ako nagkakamali iyan ang sasakyan na nakita ko noong nakaraang gabi. Napalunok ako nang makitang bahagyan nakababa ang binatan ng kotse ngunit hindi ko maaninag ang tao sa loob pero alam mong mayroon.




HADRIANUS OBSESSION (IMPERO TIGRI#1)Where stories live. Discover now