CHAPTER #39

1K 30 1
                                    

Honeymoon.

Matapos ang kasal at reception ay kaagad kaming dumiretso sa isang resort na alam niya, sobrang lakas ng kabog mula sa loob ng dibdib ko, alam kung may nangyare na saamin, magkakaanak nanga kami, pero nahihiya padin ako at kinakabahan.

"V-Val, seryuso mag h-honeymoon padin tayo? eh kabuwanan ko na tapos ang laki laki na nang tiyan ko"

Kinakabahang saad ko mula rito, ngunit tumawa lamang ito at nginisan ako.

"Don't worry baby, dadahan dahanin kulang"

Nakakulukong saad nito at nagawa pang kindatan ako, mabilis kunamang hinampas ito mula sa kaniyang mga braso,  natatawa naman itong napailing at pinagpatuloy ang kaniyang pag da drive,

Hindi ko alam pero hindi paring magawang maalis yung kaba sa dibdib ko, yung tipong wala namang nangyayare ay sobrang bigat at tila nasasaktan ako,

Binalingan ko ng tingin si val nag da drive ng kotse, hindi ko alam ngunit unti-unting lumabo ang mga mata ko,  mabilis ko itong kinusot kusot,  at ng muli kung itong tignan, ay halos kilabutan ako at manginig ako ng makita ko itong tila walang ulo,  ngunit mabilis rin naman itong bumalik sa dati ng kumurap kurap ako,

Nanginginig ako at unti-unting nagsituluan ang mga luha ko habang pinagmamasadan ito, halos mapahagulhul naman ako ng makita kung bumaling at nagtataka ako nitong tinignan.

"Baby?  what's the problem?  bakit ka umiiyak? kung ayaw mong mag honeymoon tayo ayos lang,  i won't force you"

Nagaalala nitong saad, humagulhul naman ako habang umiiling iling sa direksyon nito.

"S-Stop the car"

Nanginginig kung usal mula rito, na mas lalo namang ikinataka ng mukha nito.

"What?  bab--"

"I said stop the car! itigil mo ang sasakyan! mapapahamak tayo! Val! may masamang mangyayare!  itigil mo please! itigil mo!"

Umiiyak at nagmamakaawang saad ko mula rito, mabilis naman nitong itinigil ang sasakyan mula sa gilid at mabilis na binalingan at hinawakan ang magkabilang pisngi ko.

"Baby tell me what's the problem?  ba't parang takot ka? Sabihin mo anong problema?"

Nagaalalang tanong nito, habang ako naman ay umiiyak padin at halos hindi na makapagsalita mula sa harapan nito,

"M-May masamang mangyayare, n.. nakita kita wala kang u-ulo,  m-may masamang mangyayare, val a-ayuko,  bumalik na tayo,  wag na tayong tumuloy"

Humahagulhul na saad ko mula rito, habang ito naman ay napatawa nalang at umiiling iling na tinitigan ako.

"Baby ganyan ba talaga ang epekto kapag kabuwanan na? */chuckled walang masamang mangyayare ok? trust me hindi kita pababayaan, andito lang ako,  wag kang maniwala sa kung ano ano ok?"

Saad nito na ikinatango kunalamang, ngunit hindi ko paring magawang maialis ang kaba mula saaking dibdib,  paandarin na sana nito ang kotse ng biglang may isang truck na mabilis na umaandar patungo sa direksiyon naming dalawa, tila wala ito sa kontrol at hindi mapahinto,

Nagsimula naakong umiyak at tarantang niyugyug ang balikat ni val.

"V-Val!"

"S-Sh*t! f*ck!"

BOGSHHHH!!

tila nayanig ang boung pagkatao ko, naging blanko ang utak ko, hanggang sa unti-unting nagsara ang mga mata ko at mabilis naakong kinain ng kadiliman.

To be continued....

-Red Black.



Loving You - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon