CHAPTER #3

2K 185 83
                                    

I'm tired.
Pagod na pagod naako, ni isa sa lahat ng mga inapplyan ko ay walang tumanggap saakin, halos lahat ay ayaw, may problema ba?, may mali ba?.

Uhaw na uhaw naako, gutom narin ako, ano nang gagawin ko?

Napaupo nalamang ako't napahikbi sa isang tabi, wala nanga bang talaga?, Bakit ganito?, bakit ang hirap, may nagawa ba ako para parusahan ako ng ganito?,

Ilang minuto rin akong humihikbi mula sa isang tabi habang tinatanong saaking sarili kung may pagkakamali ba akong nagawa o may pagkukulang ba ako, kasi sobrang hirap na hirap naako, gustong gusto ko nang sumuko.

Sa kabilang banda kahit na ang mga matay nanlalabo ay kitang kita ko parin ang isang batang paslit na papatawid ng kalsada, at kahit mga tuhod ay nanginginig at Nanghihina ay pinilit ko paring makatayo't pumunta sa direksyon nito.

Kitang kita ko ang isang itim na kotse na patungo sa direksyon ng bata, h-hindi, kahit hinang hina na ay pinilit ko paring tumakbo,

I-Ililigtas ko siya, siguro naman sa pagkakataong ito ay may magagawa na akong tama.

Nang marating at maabutan ko ang bata ay boung lakas ko itong itinulak at kasabay ng aking pagkakatulak ang siya namang pagtama saakin ng isang tila napaka laking bagay, sa sobrang lakas ng pwersang tumama saakin ay ramdam kong tumilapon ako sa malayo,

"J-Jusko!  yung babae!"

Dinig kong sigaw ng isang ale. Nanghihina na aking boung katawan, nanlalabo narin ang aking paningin, ramdam ko ring hirap na akong huminga, ito naba?, hanggang dito nalang ba?.

--------------------------

"Tay andyan nanaman kayo, ba't ba palagi niyong pinagmamasadan ang mga bituin?"

Tanong ko sa aking ama, mula bata pa kasi ako nakikita kuna siya gabi gabing lumalabas para matignan lamang ang mga bituin.

"Balang araw kasi anak magiging isa rin kami sa mga butuin nayan ng nanay mo"

Saad nito habang nakatingala parin, natawa nalamang ako't napailing,

"Naku si tatay talaga tumatanda na kung ano-ano na ang pinagsasabi"

Habang natatawa padin.

"Anak kapag nawala na kami ng nanay mo, wag na wag mong pababayaan ang sarili mo ahh, lagi mong tatandaan na mahal ka namin"

Sinserong saad nito na ikinangiti ko.

"Tay, matagal pa po kayong mawawala, ang lakas lakas niyo pa nga ohh, bibigyan ko pa nga po kayo ng apo ehh, naku si tatay talaga nagdadrama nanaman"

Saad ko habang nakangiti mula rito.

"Mahal na mahal kita anak"

Saad nito at hinagkan ang aking noo.

"Mahal na mahal ko rin po kayo ni inay, mahal na mahal"

Saad ko at niyakap ito ng sobrang higpit.

--------------------------

And after that day my mother and father died.

Napangiti nalamang ako ng mapait at unti-unting ipinikit ang aking mga mata,

P-Paalam.

To be continued......

-Red Black.

Loving You - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon