CHAPTER #26

1.2K 42 3
                                    

3 years later....

"Isabella! Table 47!"

Sigaw ng isa sa mga kasamahan ko, kaagad naman akong tumango at kinuha ang mga inuming alak, sobrang ingay ng paligid, puro usok, pero kalaunan ay na sanay narin naman ako.

Sa tatlong taong pagtatarabaho ko mula rito ay nakapundar narin naman ako ng sarili kung bahay na matitirhan, hindi kunarin binalak magaral kasi masyado nang late yun para saakin, ganito nalang buhay ko,  trabaho, bahay, trabaho, paulit-ulit lang pero masaya ako.

"Woyy! bes nakatulala kana diyan!"

Napaiktad ako mula saaking kinatatayuan ng bigla akong sikuhin  ako ni Ella mae sa may tagiliran, yes ella mae */chuckled siya yung babaeng nilapitan ko noon para makapasok ako ng trabaho dito, at ngayun kita niyo nga naman isa na siya sa pinaka matalik kung kaibigan.

"Ano may naisip lang, sige hatid kuna toh"

Medyo may kalakasang saad ko at tumango naman ito, mabilis kung tinungo ang table 47 habang dala dala ang ilang mamahaling alak, hindi ko alam pero habang papalapit ako sa mesang iyon ay sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko.

Ng tuluyan naakong makalapit ay mabilis akong ngumiti at inilahad sa kanila ang mga inumin.

"Here's your drinks sir, ma'am enjoy!"

Masigla kung usal at inilapag na lahat ng alak mula sa kanilang mesa, papaalis na sana ako ng mahagip ng aking mga mata ang isang bulto ng lalaki mula sa may gilid ng mesang iyon.

Kaagad na kumabog ng napakalakas ang dibdib ko ng biglaang magtagpo ang aming mga mata, kitang kita  ko kung paano tumaas ang mga sulok ng labi nito habang ako naman ay malalaki ang mga matang nakatitig mula rito.

"Val, here's your drinks baby"

Malanding saad ng babaeng katabi nito at marahang hinahaplos haplos ang braso nito.

"Thanks"

Tipid at baritong saad naman ni val habang patuloy parin sa pakikipag titigan saakin, mabilis naman akong napakurap at napakangiwi ng mapansin kung nakatitig na saakin ang ilang kasamahan nila sa may mesa.

Mabilis naman na akong tumalikod at tumakbo paalis mula sa kanilang mesa, arghhh! ano yun isabella?, 3 years na!  dapat wala kanang epekto sa kaniya! bakit ganun!?, bakit ba siya nandito?,  sa dinami dami ng bar sa mundo bakit dito pa!?.

"Woyy bes ano nanamang nangyare sayo?"

Nagtatakang nilapitan ako ni Ella at nagtanong, mabilis namang nawala ang pagkakakunot ng noo ko at umiling mula rito.

"Wala bes, siguro pagod lang kaya ganito"

Nakangiwi kung saad mula rito at kaagad naman itong tumango at tinapik ako mula saaking balikat.

"Wag kang magaalala best malapit naman ng matapos tayo, mamaya sabay na tayong umuwi"

Saad nito na ikinangiti at ikinatango ko naman, marahan muna akong umupo sa may counter at pinagmasdan si ella na mag serve, nakatulala lang ako habang hindi pa itinatawag ang mga pangalan ko, ngunit maya maya lang ay halos mapaiktad at mapatalon ako mula saaking kinauupuan ng may biglang humapit mula saaking mga bewang at bumulong.

"Hey baby"

Paos na saad nito dahilan upang magsitayuan ang aking mga balahibo, itutulak kuna sana ito palayo mula saakin ngunit ng humarap ako mula rito, ay halos lumuwa ang aking mga mata ng makilala ko kung sino ang Lapastangan gumawa nun.

"V-Valien"

To be continued....

-Red Black.




Loving You - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon