CHAPTER #16

1.4K 52 1
                                    

Hindi yun normal.

Halos hindi naako nakatulog kagabi sa kakaisip ng nangyare, yung halik, yung yakapan, arghh! nababaliw kana talaga isabella! nababaliw kana!.

Mali iyon!, dapat itinulak ko siya! dapat pinigilan ko!,  bakit ba kasi ang rupok mo self!?.

Lakad dito, doon,  aatras, aabante,  para akong baliw na pabalik balik ng lakad sa kusina habang nakahawak ang kamay sa aking ulo, ano ba isabella!  magisip ka!  isip bata yun kaya lalabas na ikaw yung nanukso!.

"Iha ayos kalang?"

Halos mapatalon ako sa sobrang gulat ng marinig ko ang boses ng mayordoma mula saaking likuran.

"O-Opo ayos lang"

Namumulang tugon ko dito habang napakamot na nang batok dahil sa kahihiyan.

"Ang laki naman ata ng itim dyan sa ilalim ng mata mo iha, napuyat kaba?"

Nagtatakang tanong saakin ng mayordoma.

"Medyo hindi po kasi ako nakatulog kagabi kaya ayun po hehe, sige po puntahan kopo muna si sir val sa kwarto niya!"

Tuloy tuloy na saad ko mula rito at mabilis na tumakbo paitaas upang maiwasan ko ang sunod niyang mga itatanong,

Nang makarating ako sa harap ng kwarto ni sir vallien ay mabilis akong kumatok mula rito,  mabilis naman itong bumukas at bumungad saakin ang nakangiti at masayang mukha ng isang napaka guwapong isip bata.

"Good morning yaya ko!"

Ngiting ngiti na bati nito at kinitilan ako ng isang mabilis na halik mula saaking mga labi, dahilan upang ikatulala ko sa sobrang gulat.

"H-Hoy!  B-Bad yan!  hindi naman Pwedeng basta munalang akong hahalikan! bastos!"

Halos pumiyok ng sigaw ko rito habang halos magkamatis na ang aking mga pisngi sa sobrang pagka pula.

"Halika na yaya!  pupunta po tayo ng church!"

Masiglang saad nito at tila walang narinig na panenermon ko, mabilis ako nitong hinila pababa habang ngingiti ngiti.

Aba't!  Isip bata nga namn haysstt!, oo nga pala sunday ngayun kaya pupunta kaming simbahan at ipapasyal kunarin siya.

"S-Sandali hindi paako nakakapag bihis ehh!"

Reklamo ko sabay hablot ng mga kamay ko pabalik.

"Sige yaya! dali bihis na!"

Ngiting ngiti na saad nito habang itinutulak tulak ako, hayystt!  nakakainis!.

"Oo!  Oo! heto na heto na! kalma!"

Saad ko at mabilis na tinungo ang aking kwarto upang makapag bihis na ng maayos.

Hmmmmm, ano nga kaya ang susuutin ko?.

Napili kung isuot ang isang puting bistida na hangang aking tuhod, ayos na itu bagay na bagay kasi magsisimba naman kami, inayos ko ng kaunti ang aking buhok, naglagay din ng kaunting pulbos saaking mukha at liptint saaking mga labi.

Nang maayos na ang lahat ay mabilis akong tumalima pababa, at kitang kita ko ang laglag panga at nakatulalang nakatigtig saakin si sir vallien.

"Uhhmmm sir?"

Nahihiya at namumula kung bati ko mula sa harapan nito.

"Y-Yaya ang ganda mo"

To be continued....

-Red Black.

Loving You - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon