CHAPTER #5

1.9K 170 35
                                    

Nakanganga't nakatulala ako ngayon sa harapan ng isang napakalaking mansyon, sobrang ganda at sobrang Laki!,

dito ba talaga ako mag tatrabaho?,

Ilang araw rin akong nakaratay sa hospital bago i declared ng mga doctor na pwede naraw akong lumabas,

dalawang araw din ako sa magandang bahay nina tita tria, oo Tita Tria at Tito Zaquiro nalang raw ang itawag ko sa kanila, hindi naman na raw kasi ako ibang tao sa kanila,

nakilala ko rin si Zario, yung batang iniligtas ko, nakakatuwa kasi sobrang kulit parang di nauubusan ng energy,

Nagpapasalamat ako kasi nakilala ko ang mga taong ito, isa sa mga taong nagbigay saakin ng pagasa upang mabuhay.

Ngayon naman andito na kami sa lugar kung saan ako magsisimula ng panibagong buhay, excited narin akong makilala ang magiging mga Amo ko at aalagaan ko,

"Pasok ho kayo ma'am tria"

Saad ng isang guwardya at malumanay na binuksan ang pagkalaki laking gate, tatlo silang nagbabantay mula sa malaking gate na ito, at isa lang ang masasabi ko, mayaman ang magiging amo ko.

Pagka pasok namin sa mismong loob ng bahay ay halos malaglag ang aking mga panga sa sobrang ganda nito, may mahaba ring hagdanan patungong itaas na siguradong mahihirapan ako sapag akyat nito,

Basta sobrang lawak, may chandelier pa sa itaas, may sobrang laking TV, napaka laki talaga, maraming paintings na satingin ko ay ang mamahal nang pagkakabili nito, may mga antigong kagamitan, sobrang classic kung titignan,

May malaking swimming pool din sa labas at may napaka raming sasakyan, andami ding mga kasambahay, wow! dito ba talaga ako mag tatrabaho?.

"Ma'am Tria nasa may silid aralan po si Ma'am Azuna"

Magalang na saad ng isang ginang na Satingin ko ay siyang mayordoma ng mansyong ito.

"Sige nana pupunta na kami ni Isabella sa may itaas maraming salamat"

Saad ni Tita Tria at hinila naako patungong itaas, nang marating namin ang pintuan ng silid aralan ay parang kinapos ako ng hininga, Jusko ang hirap dumaan sa hagdanang iyon.

Walang katok katok ay kaagad ng binuksan ni tita tria ang isang malaking pintuan, at halos mapatalon ako ng tumambad saamin ang isang matangkad na babaeng nakataas ang kilay, satingin ko ay kaedaran lang ito ni Tita Tria,

Masungit kami nitong pinagmasdan mula ulo hanggang paa, bumaling naman ito ng tingin kay Tita Tria habang nakataas parin ang kilay?,

"Hey b*tch"

Masungit na saad ni Tita Tria at malakas na sinampal ang babae, halos malaglag ang panga ko sa sobrang gulat, h-hala bakit niya sinampal, satingin ko ay ito yung magiging Amo ko?,

"I pakening miss you b*tch!"

Sigaw nito at mabilis na sinuntok ang pagmumukha ni Tita, t-teka bakit sila nagsasakitan?,

Nagulat nalamang ako ng bigla sila sabay na tumalon at niyakap ang isa't isa.

"A-Ate na miss kitaaaa!"

Humahagulhul na sigaw ni Tita Tria, A-Ate?, magkapatid sila?.

"B-Bunso ba't ngayon kalang! miss kana ni ate! Ikaw ahh! Siguro nakipag chukchakan kananaman sa asawa mo!"

Saad nito at umiiyak narin.

'' H-Hindi ahh! actually naghanap ako ng Pwedeng mag-alaga sa anak mo, baka sapagkakataong ito hindi na niya kagatin ang bago niyang yaya"

Saad nito na ikinangiwi ko, tama ba narinig ko?, n-nangangagat yung aalagaan ko?,

Patay ka talaga Isabella.

To be continued.....

-Red Black.

Loving You - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon