Chapter 1

45 0 0
                                    

MON AT 1:25 AM

: monique!!! Nahanap
mo na account niya?

Monique

: Mukha ba akong hanapan ng account?

: feeling ko in-unfriend
niya ako.

: gumawa ulit siya ng account niya 2 years ago kasi na-hack daw old fb niya, pero nawala naman na.

: na-report ba or na-hack ulit o nakalimutan niya password niya?

Monique

: Friend ko pa naman siya sa current account niya ngayon na bagong gawa.

: Bakit kasi 'di ka na nagpaparamdam sa posts niya, e 'di ayan, na-unfriend ka.

: nagpaparamdam naman ako, ah. Malakas naman ang iyong nararamdaman ko pa rin sa kaniya

Monique

: Iyong paramdam na talagang mararamdaman. Di naman paramdam ginagawa mo. Hindi ka nga nag-reply sa last chat niya sa 'yo!

: siya kaya hindi
nag-reps sa akin

Monique

: Ikaw na maghanap ng account niya. Madali lang naman mag-search, ako pa iistorbohin mo.

: nagpapatulong
lang naman ako.

: kay seph na nga lang.

Monique

: Walang tulong, tulong dito. Ikaw may kailangan kaya ikaw maghanap.

: Search mo kaya Cyrus Narvarte sa search bar at isa-isahin mo nang may magawa ka naman habang naghihintay ng flight mo.

: Matutulog na ako. Bahala ka diyan!

: ikaw na, kuwago
ka naman.

: kapag nahanap mo, magkaka-jowa ka na.

: iidlip muna ako.
Chat mo sa akin kapag nahanap mo na.


Monique

: Aba, demanding!

: Hoy! Hindi porque best friend kita, mauuto mo ako, ha!

: galit ka na naman. Kalmahan mo lang.

: hanapan kita ng porenger dito.

Monique

: Sige, hahanapin ko na account niya. Basta iyong guwapo with money.

: porenger lang
pala sagot. Ikaw, ah.
Gusto mo pala sugar
dadeh. Di ka
agad nagsasabi.

Monique

: Huwag sugar daddy!!!

: Iyong puwede ko naman mai-flex, Jyniv. Hindi lang dapat money iyong ifle-flex ko. Dapat may dating din.

: Iyong isang tingin, jackpot na agad.

: Full package ba.

: arte mo.

: doon ka na sa matandang mayaman para kapag na-deads, pwede ka na maghanap ng iba tapos mayaman ka na n'on.

: jackpot iyong makakaapak ka ng tae, ayaw mo iyon?

: door to door ba hinahanap mo?

Monique

: Nice idea.

: Sige iyon na lang basta medyo may hitsura ring sugar daddy, ah.

: Jackpot na parang lotto, Jyniv. Wala akong tae na tinutukoy.

: Utak mo parang tae, mabantot.

: kapag wala akong
mahanap, hanapan na lang kita ng arabo.

: awts naman iyan pero 'di ako nasaktan kasi alam ko namang puwede sa sisig ang utak ko. May pakinabang.

Monique reacted 😠 to your chat

Monique reacted 🙄 to your chat

Monique

: Maiba tayo

: Ngayon ba uwi ninyo ni Sephseph?

: ah, si sipsip?

: mauuna ako ng uwi. Susunod daw siya after niya mag-file ng leave, y?

Monique

: Miss ko na siya.

: hindi mo ako na-miss?

Monique

: Pasalubong muna

: kiss na lang kita
sa cheeks

Monique

: Ayaw ko niyan. Di naman kita jowa para halikan mo ako.

: tangeks. Friendly kiss tawag doon kapag galing sa akin.

: bakit hindi ka ba hinalikan ng mama mo noong bata ka?

: bakit jowa lang ba required humalik sa cheeks?

Monique

: Bakit, ginawa ba iyon ng nanay mo sa 'yo?

: tangeks, wag mo akong tanungin sa ganyan. Wala akong mama.

Monique

: Nahanap ko na account niya!

Ex for a Reason (CHAT SERIES #8)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon