Chapter 2

11 2 0
                                    

Nana's POV

Nang makarating kami sa airport ay dinala kami sa isang private space kung saan may isang private airplane.

"Pati ba naman airplane private?" Natatawa kong sambit.

"They're very secretive. It's for the best," sabi ng katabi kong si Vedh.

Tumango lang si Lancelot sabay nagskate board tungo sa airplane.

"Antay, Lancelot!"

Vedh and I strutted fast to follow him habang mabagal naglalakad ang babae sa likod ko kanina.

She's wearing a black Louis Vuitton short-sleeved assymetric dress with frills with matching Stuart Weitzman white heels.

Mula sa lakad, sa porma, at sa tayo halatang mayaman siya. Galing siguro sa mayamang pamilya. Mukhang ganoon din si Lance eh.

"Hurry up, you two," si Vedh. Mabilis siyang tumakbo patungo sa plane kung saan nandoon na ang driver namin kanina at si Lancelot.

"So how are seat arrangements decided?" rinig kong tanong ni Lancelot.

"You can decide where to seat. Kayo lang naman ang ihahatid eh. Pwede na nga kayo sa helicopter eh," sagot ng driver, "Alis na 'ko. May attendant naman diyan para i-fill in kayo. My work here is done."

Tumango si Lancelot at maging si Vedh habang ang babae kanina ay tulala lang at ngumiti ako.

The driver walked away and in just a matter of about 5 minutes wala na siya.

"Mabilis siya," komento ni Vedh.

Binalewala ko na lang ang sinabi niya at nagsalita, "So paano seating arrangements?"

"Wala naman siguradong problema doon. Maraming upuan sa loob eh. Nasa First class part pa nga tayo eh," si Lancelot habang ang hintuturo niya ay nasa baba niya, nag-iisip ba.

"Parang nagyayabang lang ang gobyerno ng pera nila sa ganito eh. Hindi naman kailangan na mag erplano tayo pero I ain't complaining," si Vedh.

"'Sus 'di ba kayo nasasanay sa gobyerno? Mga corrupt silang ninanakaw ang pera ng bansa. Hindi na himala kung ipagyayabang nila," sabi ko naman.

Lumingon ako sa kaliwa at nginitian ang babae kanina.

"Ako nga pala si Nana." Itinuro ko si Lancelot tapos si Vedh. "Siya naman si Lancelot tapos ito si Vedh. Ikaw?"

"I have no interest talking to you people," sagot ng babae.

I got offended kasi parang minamaliit niya kami.

Who does she think she is?

I was going to come up with a come back nang tinapik ni Vedh ang balikat ko.

"Wag ka magsisimula ng away. Let's go in," sabi nito.

_ _ _

Vedh's POV

The plane was big. It screamed of wealth from the moment I saw it.

"Ganito pala sa first class? Ang ganda! Tapos tayong apat lang dito? Kinda a waste of money pero bala na," sambit ni Nana na may malaking ngiti sa labi niya.

When I looked at her nakita kong galit pa rin siya sa sinabi kanina ng babaeng kasama namin.

She hides her emotions well.

Nagkibit-balikat na lang ako.

"Let's go choose our own seats. Malaki naman dito," sabi ni Lancelot at naglakad na ito tungo sa gusto niyang pwesto.

A StalemateWhere stories live. Discover now