Chapter 1

20 2 0
                                    

Nana's POV

"Anak, sigurado ka bang gusto mong pumasok sa Fierdale? Alam ko naman na libre doon pero oras na hindi ka mapili at maexpel ka eh maraming school at trabaho ang hindi tatanggap sa'yo..." malumanay na sabi ni mama.

"Eh kung hindi ko susubukan, ma, edi sayang naman. Nainvite ako sa school. Ang daming opportunities ang binibigay sa mga nakagraduate doon. Solusyon na 'to sa mahirap nating buhay," sagot ko.

"Pero, Nana...Pwede ka naman maging scholar sa ibang school."

"Oo nga, ma. Pero hindi kasing galing ng Fierdale."

"Kailangan ba kasing galing?

"Ma, wala ka bang tiwala sa'kin?" kuwaring malungkot na tanong ko.

"Oo pero..."

"Edi okay na, ma. Sa Fierdale ako papasok. That's final."

My name is Nana Garcia. I'm one of the chosen students to attend Fierdale. I was placed upon class X and I excell in Literature and History.

Galing lang ako sa mahirap na Pilipinong pamilya pero sa araw na ngayon, magbabago na 'yon.

Fierdale University is the most elite school in Asia. It has over 10 branches and one of them is in the Philippines. The students are divided to go in which brand sa kung saan sila malapit o kung saan nila gusto. Dahil taga-Tondo ako, dito ako sa Pilipinas.

Sagot nila lahat ng expenses papunta sa school. From documents to flights to allowance. It's like a whole scholarship na mas maraming privileges.

Fierdale is held in the Philippines in a remote island owned by the government near Palawan. It's a boarding school like any other branch of Fierdale University.

Base sa mga impormasyong nakita ko, merong junior high school, senior high school, at college sa Fierdale. Iba't ibang program ang meron sa bawat isang 'yon at lahat ito sekreto pa rin hanggang ngayon.

Most people who graduated Fierdale became one of the richest people in Asia or sometimes, the world. Some of them are architects, engineers, doctors, and nurses. Mostly mga professional sila pero meron ding business or arts related.

"Nana!" dinig kong tawag ni kuya, "Halika na! Nandito na ang van na susundo sa'yo papuntang airport. Bilisan mo! Baka iwan ka!"

Agad kong hinila palabas ang maleta ko at binitbit ang isa ko pang bag.

Lumabas ako ng bahay at nakita kong nandoon ang mga kapitbahay namin sa labas, si mama, kuya, papa, at ang bunso namin.

"Ate...bakit ka ba aalis?" malungkot na sabi ng kapatid kong si Anton.

Umupo ako at tinapatan siya. "Ton-ton, pag umalis si ate pwede ka ng bumili ng maraming pagkain at laruan. Pwede na rin tayo tumira sa malaking bahay. Ayaw mo no'n?"

"Weh? Talaga ba?" excited niyang sambit at nagtatalon-talon pa.

"Oo!" malakas kong sabi sabay ngiti sa kanya.

"Sige na nga! Basta pasalubong, ha?"

"Oo na." Ginulo ko ang buhok niya at agad siyang nag-pout.

"Mag-ingat ka, anak." Lumingon at tumayo ako at dumatnan sa akin si papa. "Dalawang taon din 'yan kung mapili ka. Tapos kung doon ka magcocollege baka umabot pa ng anim," nag-aalalang sabi ni papa.

"Opo. Lagi naman po ako nag-iingat!" sagot ko.

"Wag ka papatalo doon ha, Nana! Laban para sa pamilya," dagdag pa ni kuya at ngitian ko siya.

A StalemateWhere stories live. Discover now