CHAPTER 45 "The Royale Heir"

Start from the beginning
                                    

—Zafrina :)

Zafrina? That name rings a bell. Tiningnan n'ya ang likod ng papel. Wala nang naka-sulat 'don. Sandali s'yang lumingon sa gawing kusina bago binulsa ang papel. Dahan-dahan n'yang inilapag ang sofa at nag-pa'tuloy sa pagwa'walis. June 17? Kung 'di siya nagkaka'mali, dalawang araw 'yon mula ngayon. At ano naman ang 'something special' na ibibigay ni Zafrina sa kuya niya.

Pamilyar sa kan'ya ang pangalan na 'yon pero hindi na n'ya ma'alala kung 'san n'ya ito narinig.

'Hindi kaya Girlfriend—Hmm.. si kuya?? Masyadong imposible..'

"Tulungan mo 'ko dito.." napa-lingon s'ya kay Altex nang lumabas ito mula sa kusina. Dala-dala nito ang malaking kaldero, 'saka 'yon nilapag sa lamesa. Sandali n'ya itong pinag-masdan habang nagda-dalawang isip kung sa'sabihin 'yung tungkol sa letter na nakita n'ya.

"Kuya.."

"Oh?"

"Anong meron sa June 17?"

"Ha? Bakit, ano ba meron??"

"Ikaw nga tinatanong ko ee.."

"Bakit, holiday ba?"

"Wala.. Nevermind.."

"Okay.. tulungan mo nalang ako dito.." Hinanda ni Altex ang mga plato sa lamesa at nilabas sa ref ang isang pitsel ng tubig. Tumulong rin si Eugi mag-lagay ng kubyertos at lagyan ng laman ang bawat baso. 'Saka sila umupo para kumain. Nauna na s'yang mag-sandok ng kanin. Naramdaman n'ya ang masamang titig ni Deven pero 'di n'ya 'yon pinansin.

Ang lola naman nila ay nasa itaas ng kwarto kumakain.

"Kuya.."

"Ano?"

"Ano 'yang sugat sa pisngi mo?"

Napa-tingin si Altex sa kan'ya at tumigil sa pag-sandok ng ulam. "Ahh.. Wala 'to.. Nakagat lang ako ng pusa.."

"Kuya.." nag'ta-takang s'yang tumingin sa kaniya.. "Wala tayong pusa.."

"Bakit, sinabi ko bang pusa natin??"

"Ano naman 'yang black eye sa mukha mo? Suntok din ng pusa?" sarkastikong tugon n'ya.

"Black eye?"

"Mm.."

"..."

"May naka-away ka ba?"

Kunot-noo s'yang tumingin kay Eugi. "Pinagsasabi mo?"

"Oo o Hindi?"

"Hindi! Bat naman ako makikipag away??"

"Malay ko sa 'yo.. 'San galing 'yang black eye mo?"

"Ang daldal mo ngayon ahh.. Kumain ka nalang d'yan.."

Hindi na lamang nag-salita si Eugi pero hindi mapalagay ang loob n'ya. Napansin n'yang kakaiba ang kinikilos ng kaniyang kapatid. Halos araw-araw n'ya itong madatnang umuwi ng hating-gabi. Pagka'tapos ay mabilis na dumi'deretso sa banyo para maligo. Hindi n'ya 'yon pinansin 'nong una pero habang tumatagal, napapansin nya ang ilang mga sugat nito sa katawan.

"Paabot nga.." tinuro n'ya yung baso.

"Mag le-leave pala ko next month.. Mga isang linggo.."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 28, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

UNRIVALED!Where stories live. Discover now