Chapter 19. Sino ka nga ba?

Start from the beginning
                                    

Bago umalis ay dinaanan ko muna si Shar sa kwarto nya.

Naabutan ko sya na natutulog.

Umupo ako sa kama nya at kinumutan ko sya. Kiniss ko sya sa noo.

"Magpagaling kana. Para sabay na ulit tayong makapasok."-ako-

Umalis na ako.

Pagdating ko sa school ay nakita ko dun sina Nash.

"Good morning tol!"-Nash-

"Anong Good morning? Baka nakakalimutan nyo, may atraso pa kayo sakin!"-ako-

"Ha? Anong atraso? Tinulunga ka pa nga namin e."-Brace-

"Anong kinalabasan? Nakaamin kaba?"-John-

Tumango lang ako.

Nakakabakla man pakinggan pero kinikilig ako. Hahahaha

"Wow! Kinikilig! Gay much!"-Grae-

Hindi ko alam kung pano nahuhulaan ng mga to ang iniisip ko. Baka mamaya, may powers pala sila.

"Ano? Anong sabi ni Shar?"-silang apat-

Hindi ko talaga masabi! Kinikilig ako!

"Alam ko yung mga ganyang ngitian! Ganyan din si Brace nung sinagot ko sya!"-Bela-

Nagulat kami ng biglang sumulpot si Bela sa likod namin.

"O babe! Kanina kapa dyan?"-Brace-

"Hindi naman! Pero Joaquin, umamin ka! Kayo naba ni Shar?"-Bela-

"Hindi pa."-ako-

"HA?!!"-silang lima-

OA e -_- ahahaha

"MU lang."-ako-

"Ang hina mo talaga pre!"-Nash-

"Pero atleast, my progress! hahaha Congrats Nash!"-John at Grae-

"Tama na nga ang pag i interview nyo sakin! Pumasok na tayo, padating na si sir."-ako-

Pumasok na kami.

"Okay class. Ito na ang last meeting for this Sem. Im happy to say na wala naman sa inyo ang bagsak sa subject na to. So, keep up the good work! And have a happy SEMBREAK!"-sir-

Nagsigawan pa kami. Masaya! Sa wakas, may 2 weeks na pahinga mula sa pag-aaral!

"Huy! San tayo gagala?"-Nash-

"Anong gala?"-ako-

"Para sa sembreak! San tayo magbabakasyon?"-Brace-

"Sa Dagupan! May bago kaming biling property!"-John-

Nagsuggest pa sila ng iba't ibang lugar pero hindi naman ako makakasama sa kanila.

Sa Zambales kami ni Shar e! Kaming dalawa lang!

"Tingnan nyo si Joaquin, napapangiti mag- isa!"-John-

"Yan ata ang epekto ni Shar e! Ano ba naman yan? Naging baliw na ang kaibigan natin?"-Grae-

"Lahat na lang pinansin nyo! Uwi na nga ako! Aalagaan ko pa si Shar!"-ako-

Hanggang sa pag- alis ko ay nang-aasar pa rin sila.

Pagkauwi ko sa bahay ay nagmamadali ako papunta sa kwarto ni Shar.

Kumatok ako dun pero wala pala sya.

Nasan na naman kaya si Shar?

Baka mamaya, umalis na naman sya ng hindi nagpapaalam sakin.

Hinanap ko sya at sa wakas! Nakita ko sya sa may kusina.

"O Joaquin nandyan........."-Shar-

Hindi ko pinatapos ang sasabihin nya at nilapitan ko sya.

"Lagi mo na lang akong pinag-aalala."-ako-

"Ha? Anong ginawa ko?"-Shar-

"Diba. Sabi ko sayo, magpahinga ka lang. Anong ginagawa mo dito?"-ako-

"Ipagluluto lang sana kita."-Shar-

"Shar, kaya na nila manang yan. Umakyat kana at magpahinga."-ako-

"Tatapusin ko na lang to. Nakakatamad kasi, maghapon akong nakaupo sa kama ko at wala akong magawa. Pagbigyan mo na ako, please."-Shar-

"Sige na nga. Ikaw bahala. Ano ba kasi yang niluluto mo?"-ako-

"Brocolli with grilled beef. Gusto ko lang matikman mo ang paborito kong ulam."-Shar-

"Okay! Excited na akong matikman yan!"-ako-

Maya- maya ay natapos na magluto si Shar.

"Wow! Ang sarap!"-ako-

Masarap talaga! Madami na akong nakainan na restaurant pero wala pa akong natikman na ganito!

Napangiti si Shar.

"Masaya ako na nagustuhan mo."-Shar-

Habang kumakain kami ay biglang dumating si papa.

"Papa!"-ako-

"Oh. Hi Red. Hi Sharlene."-papa-

"Good evening po sir."-Shar-

"Good evening din. Ano ba yang kinakain nyo? Mukhang masarap a?"-papa-

"Masarap talaga papa! Si Sharlene po anv nagluto."-ako-

Nagpahanda si papa sa maid ng plato at sumabay na sya samin ni Shar.

"Masarap ka pala magluto ija. Balit hindi ka mag chef?"-papa-

"Actually po, pangarap ko talaga yun. Kaya lang po........."-Shar-

Kaya lang? Ano?

"A wag na po natin pag- usapan yan. Masaya na naman po ako s management e."-Shar-

Bakit kaya? Kung yun pala ang gusto nyang course, bat pa sya nag Management?

Madami talaga akong gustong malaman tungkol kay Shar! At malalaman ko din yun! Sooner or later.

------------------

Eto na po.
Good night! Matutulog na po ako :D
Salamat sa lahat ng nagbabasa! LUV U! Haha

She's My Bodyguard! (SharQuin)Where stories live. Discover now