Hindi na siya sumagot hanggang sa nauna nang umakyat sa itaas ang Mama niya. Napatingin siya sa bulaklak na ibinigay ni Migiel. Malalim siyang napabuntong-hininga at tumungo sa kusina upang maghanap ng flower vase.

" GURL, where are you na?" tanong ni Zey nang tumawag ito sa kanya. Ngayon ang birthday celebration ng Mommy nito pero may overtime siya.

" Paalis pa lang. Ngayon lang natapos meeting namin."

" Okay, diretso ka na lang dito sa bahay pag-uwi mo. Your Mom is already here pati na rin sina Kuya at Megs."

" Alright, see you later, 'bye."

Kinuha na niya ang bag sa upuan niya saka dumiretso sa exit door. Nang makarating siya sa parking lot ay nagtaka siya nang mapansin na flat ang dalawang gulong sa harapan ng kotse niya.

" Oh, please, not now!" inis na sabi niya matapos suriin ang nga gulong.

" Is everything okay?"

Napapitlag siya nang may magsalita sa likuran niya. Nang lumingon siya at nakita niya si Ziggy na huminto sa harapan ng sasakyan niya.

" My front tires are flat." turo niya sa gulong ng sasakyan niya.

Lumabas ng sasakyan ang binata saka sinuri ang mga iyon.

" I cannot help you changing the tires, but I can call someone to do it for you. Pauwi ka na ba?"

" uhm, oo sana. Birthday party ngayon ng Mommy nina Kuya Jeihard and they are waiting for me already."

" Let me call my mechanic and see what time they can come. Give me a few minutes." at saka ito nag-excuse para tumawag. Matapos ang ilang minuto ay bumalik na ito.

" It's weekend and sad to say they close early on Saturday. But he promised me that he can stop by tomorrow morning to do your tires. So, if you are okay with that you can just leave your car here and I will drop you off wherever you wanna go."

" Nakakahiya naman. It's out of the way. I'll the taxi na lang."

" You said they are waiting for you already. So, I think it's better if I'll drive you home. And don't worry about me, I have no plans today. At saka bestfriend ka naman ni Megan." pag-insist nito kaya wala na siyang nagawa kung hindi punayag na ihatid nito.

" I hope the guy at the restaurant is not bothering you anymore." sabi nito maya-maya nang tumatakbo na ang sasakyan. Hindi na nila napag-usapan ang bagay na iyon dahil naging busy sila sa work these past few days.

" He's not, thanks to you."

" What about your hubby? I hope he didn't get any wrong idea about us."

" He actually didn't ask me about that incident. So, I don't think it's bothering him."

Umangat ang dalawang makakapal na kikay nito.

" Oh, really? That's good then."

" How about you? Kumusta na iyong girl na nakasalubong mo noon?"

" You mean my exgirlfriend?"

Tumango siya. Minsan siyang nagpanggap na on the spot girlfriend nito.

Life After MarriageWhere stories live. Discover now