"Amputa, ayoko!" giit ni Piero.

"Piero, bunganga mo..." masungit na suway ni Kenzo sa kapatid.

"Bunganga ko nakakabit," pang-aasar niya kay Kenzo kaya naman nagtawanan sila ni Kuya Hob.

Napailing na lang ako at hinayaan silang dalawa. Muling bumalik ang tingin ko sa babaeng nasa tabi ko. Kinakausap ang sarili habang pumipili ng makakain niya.

May suot siyang itim na head band. Nakapatong din ang kulay abuhing sweatshirt sa uniform niya.

"You can have mine," sabi ko kaya naman nagulat siya at nilingon ako.

Inabot ko ang food tray sa kanya. Hindi pa siya nakapagsalita nung una kaya naman nagtaas na ako ng kilay.

"Thanks," she said at nag-iwas kaagad ng tingin sa akin.

Hindi ko sigurado kung same year lang kami at magka-iba lang ng section o nasa lower year siya. Inalis ko na ang tingin ko sa kanya dahil halatang naiilang na siya sa akin.

"Ate, akin na ang meatballs," turo niya sa nag-iisang order ng meatballs kaya naman napangisi ako.

"Meron ng may-ari," sagot sa kanya nito.

Palihim ko siyang nilingon at nakitang humaba ang nguso nito. Bumalik ang tingin ko sa mga nakahilerang pagkain. Kaya naman pala dahil puro gulay na ang natira.

"Kumain ka ng gulay para tumangkad ka," sabi ko. Hindi ko na napigilan.

Isang beses lang siyang lumingon sa akin. "Ayoko," tipid na sagot niya kaya naman napangiti ako.

Mukhang matigas ang ulo.

"Meatballs lang sa'yo?" tanong ni Ate sa akin.

Tumango ako. "Ilang piraso po ba 'yan?" tanong ko.

Itinaas pa niya ang kamay niya para ipakita sa akin. "Lima."

"Gulay na din po. Yung tatlong piraso...para sa kanya," turo ko sa babaeng kasunod ko.

Ngumisi si Ate at halatang nang-aasar pa. Nilingon niya ang babae na nasa tabi ko.

"Oh, si sabaw pala 'yan," tawag niya dito kaya naman mas lalo akong natawa.

Tsaka ko lang nalaman kung bakit ganoon ang tawag niya dito dahil daw sa tuwing ootder ito ay palaging humihingi ng soup kahit sabaw lang naman iyon.

"Uhm...dalawa na lang ang sa akin, sa'yo naman ito," sabi pa niya.

"Ayos lang..." sagot ko bago ko siya iniwan doon dahil kanina pa ako tinatawag ng mga pinsan ko.

"Turuan mo kapatid mo, Hobbes. Mag papapansin na lang sa babae, mali pa..." kantyaw ni Piero.

Dapat daw ay ibinigay ko na lang ang lahat ng meatballs para daw mas lalong kiligin yung babae. Ayoko dahil gutom din ako.

Tahimik ako habang nakikinig sa pag-uusap nila tungkol sa nalalapit nilang graduation.

"Out of the country after grad?" tanong ni Cairo sa kanila.

"Papayagan na ba tayo na tayo tayo lang?" tanong ni Kuya Hob.

"Kami, Oo. Ewan ko lang si Piero," sabi ni Tadeo kaya naman sumimangot nanaman ito.

"Sabihan niyo na kaagad si Eroz, baka umuwi nanaman iyon sa Sta. Maria," si Kenzo.

"Tama, isama si Eroz para may kakampi ako," laban ni Piero sa kanila.

Habang nagkakagulo sila ay muli kong inilibot ang tingin ko sa cafeteria. Pilit kong hinanap ang babae kanina pero hindi ko siya nakita. Baka kasama ang mga kaibigan at sa ibang lugar sila kumain.

A Dream that never came (Sequel #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon