CHAPTER 22

21 6 18
                                    

Hindi pa natatapos ang bangayan ng dalawa hanggang sa nasa daan na kami naglalakad papunta sa kung saan man nakalagay ang kwarto na kinalalagyan ng asul na bato.

"Will two shut up?" kulang nalang magmura si Shiro dahil sa dalawang maingay na nagpapalitan ng patutsada at hindi pansin ang pagod ng aming nilalakad.

Mahigit kalahating araw na kami naglalakbay at hindi pa din namin mahanap ang pintuan o kwarto o kung ano mang magtuturo sa amin sa asul na bato ni mama.

Napansin ko naman ang kaparehong puno na dinaanan namin kani-kanina lamang.

Huh? Normal lang ba na maraming pareparehong puno dito?

"Anong tawag sa puno na iyon?" tanong ko sa lahat habang nakaturo ang daliri sa nagiiaang malaking puno na may mga gintong dahon. Kung nasa tamang lugar lang kami, nakalabo na sana ang punong iyan at naipagpalit ko sa kyuros.

"What tree?" nagtatakang tanong ng kapatid ko.

"Hindi mo ba makita ang punong may mga gintong dahon sa harap? Sasampalin ka na niya Yuan oh," ang akala ko ay nakita niya na ang punong sinasabi ko nang bigla siyang lumingon sa akin at sinamaan ako ng tingin.

"Huh?" napapariwara kong tanong. "Call me again," he commanded.

"Kuya?" hindi ko siguradong tanong na mas lalong nagpakunot ng noo niya.

"Now you're calling me kuya," masungit niyang ganti. Halos naman magusok ang ilong ko ng makuha ko ang gusto niyang sabihin.

"Napaka sensitive mo talagang lalaki ka!" Sa naghalong pagod at problema ay hindi ko na maiwasang mainis dahil sa kapatid kong kung umarte ay parang babaeng nireregla. Napapansin niya kahit maliit na kung ano-anong detalye.

Gulat na gulat naman itong nakatingin sa akin na parang hindi makapaniwalang naiinis ako sa kanya ngayon, "Sorry, I snapped." Hinging paumanhin ko dito at napabuntong-hininga naman siya.

"How far is the tree, Rhen," tanong niya sa akin na parang kinalimutan agad ang naging asal ko sa kanya.

Agad naman gumana ang senses ko para alamin ang distansya namin at ng puno. I enhance may vision and saw something moving around the tree, like a shadow swirling around it.

"I think we are almost near. Two kilometers away."

"So near. Stop guys."

Everyone stopped like what my brother said. The flying lazy Shiro also stopped at naging alerto.

"Ahm, kuya. I think I saw someone or something coming t―. Watch out!" I screamed nang muntik ng matamaan ng nagaapoy na palaso si Madrid. I grabbed her at pareho kaming natumba sa lupa.

Naramdaman ko ang pagkirot ng braso ko dahil sa naitukod ko ito. Damn. Confirmed, hindi pa ako verified demonyo. I still care kahit na alam kong dapat ay magalit ako sa kanya.

Siguro utang na loob? Ganito din ba ang ibig sabihin ni Thanatos noong sinasabi niyang may nararamdaman siya sa akin at hindi niya kapares si Madrid?

Silly, baka nga utang na loob lang. Siya pa rin naman ang may hawak sa buhay ng anak ko kahit papaano kaya kailangan ko siya protektahan at kung hindi ay madadamay si Remy.

"S-sorry, ahm, t-thank y-you."

Hindi siya magkandaugaga sa pagtayo kaya kinailangan pa siya tulungan ni Cyphrus.

Mabilis na lumapit sa akin ang tatlong lalaking kasama namin pero mas mabilis ang isa.

Napaiwas ako ng tingin ng makita ko ang pag-aalala sa mga mata ni Thanatos. Bakit kailangan mo mag-alala? Nililito mo ako lalo, Thanatos.

Sacred Peculiars #1: Obscure MagicWhere stories live. Discover now