CHAPTER 6

43 8 0
                                    

"Hindi naman kasi gaya ng iniisip mo ang ibig kong sabihin eh."

Rinig kong nagsalita sa may likod ko.

Napapikit nalang ako sa inis sa lalaking ito. Hindi ko alam kung bakit ba siya sunod ng sunod sa 'kin.

"What do you really need?" Naasar kong tanong dito.

Even uninvited, he took a seat in front of us kaya hindi ko maiwasang taasan ito ng kilay.

"Master told me something and we need your help in this mission," kalmado nitong sabi at kinuha pa ang baso ko ng milktea at ambang iinuman.

"That's mine," sita ko dito pero hindi ko na ito napigilan ng humigop na talaga siya dito.

I inhaled loudly para ipamuka sa kanya na ayaw ko sa presensya niya.

He smirked ng mapansin niyang inis na inis na talaga ako sa kanya. Kung pwede lang talaga ibuhos sa kanya mga pagkain dito eh. Sobrang nakakaasar ng pagmumuka niya.

Naaalala ko na naman ang kahayupan niya dati. Ang sarap magwala.

"Kailangan natin pumunta sa palasyo niyo," kalmado nitong sabi na lalong nagpagimbal sa mundo ko.

Palasyo namin? Halos isumpa ko na nga ang lugar na iyon tas babalik pa ako doon?

"'Bat naman ako pupunta doon?" Nakakunot noo ko ng tanong dito habang ngumunguya.

"May batong kailangan kunin sa loob ng palasyo ninyo pero hindi mabuksan ang kwarto dahil kailangan ng dugo ng isa sa mga myembro ng pamilya," mahaba nitong paliwanag sa akin.

"Eh 'di hanapin niyo si prinsipe Yuan," simpleng sabi ko pero halos mabutas na ang mesa kakaduldol ko ng kinakain ko sa sawsawan.

Pinipigilan ko 'wag magalit. Parang naaahon mga insecurities na binaon ko sa matagal ng panahon. Nararamdaman ko na kaya ako pinapasama sa misyon na hindi ko naman kinuha ay dahil may kailangan sila sa akin.

Nakikita lang nila ako kasi may silbi ako sa kanila.

Ganyan naman lahat eh, kilala ka lang kapag may kailangan sila pero kakalimutan ka kaagad kapag nakuha na nila gusto nila sayo.

"You know that Yuan is missing," buntong-hininga nito na parang pinagmumuka sa akin na sobrang bobo ko.

Eh siya nga mas bobo kasi sabi ko hanapin eh.

"Kaya nga sabi ko 'di ba hanapin?" Umismid ako sa kabobohan niya.

"Look, bakit hindi ka nalang sumama ng matapos na 'to?" Tila nauubusan ito ng pasensya.

"Ay sorry ha, ako ata yung may kailangan doon?" pasaring ko naman.

Nakakainis talaga 'yung mga taong ganito. Sila na nga ang may kailangan sila pa ang namimilit.

"Rhen!" Rinig kong sigaw sa may kalayuan.

Nakita ko sila Senthia at Ram na papalapit kaya naman nakahinga ako ng maluwag.

Kinawayan ko lang sila pabalik na para bang sinasabing nakita ko na sila.

Dali-dali naman sila lumapit sa lamesa namin at kinarga ni Senthia si Remy na walang pake sa amin ng tatay niya at patuloy lang na kumakain.

"Ang seryoso niyo naman," pansin ni Ram habang ngumunguya na ng pagkain ko.

"Saka girl, kaya hindi nadadagdagan timbang mo eh. Puro ka kasi instant ngayon naman junk food," gatong pa ng magaling na si Senthia.

"Kung wala kayong dulot na dalawa, pwede na kayo umalis," seryosong sabi ko dito.

Huwag nila papakialaman ang lifestlye ko kasi hindi naman ako humihingi sa kanila ng kyuros na panggasto.

Sacred Peculiars #1: Obscure MagicOnde histórias criam vida. Descubra agora