Agad siyang tinulungan ng team nila ng makita ang sugat niya, pag kasakay ni Black ay pinaandar na ang van papunta sa headquarters nila.

Agad na dinaluhan ng Doctor at nurse si Timotheos, hindi naman big deal sa kanya ang ganoong sugat kaya hindi niya kailangan manatili sa hospital.

"You broke the rule at muntik nang mapahamak ang isa sa team natin na babae dahil sa ginawa mo." wika ni Black habang nakaupo sa gilid nang kama niya.

"Nakatakas si Tyler, two members of special unit is hunting him right now."

Hindi siya sumagot, alam niya ang mali niya at alam niya ang bigat nang parusa niya. Alam din ni Timotheos na kapag nakaabot ito sa Lolo niya ay may iba pa siyang parusa.

But he didn't regret what he did back there, kung babalik ang oras ay ganoon parin ang gagawin niya.

Ililigtas niya si Isabel.

Black sighed bago ito tumayo, "Kakausapin ka nang mga nakakataas bukas." lumabas ito nang kwarto.

Napasandal si Timothy sa pader at napapikit.






Kinabukasan ay pinapunta siya sa office at kinausap nang mga head, he was wearing his usual uniform and mask.

Wala siyang naririnig sa mga sinasabi nang mga ito dahil wala siya sa sarili, nasa isip niya si Isabel.

There's a possibility na babalikan ni Tyler si Isabel, gustong-gusto na niyang matapos ang trial niya at puntahan ang dalaga.

One year suspension, ang parusa niya.

Wala siyang pakialam doon, hindi siya nag reklamo.

Mabilis ang hakbang na umalis siya doon pagkatapos magpalit nang damit.

He was driving his car patungo sa probinsya nang bigla nalang may limang kotse ang humarang sa kanya.

Bumaba sa isang kotse ang Lolo niya at galit na humakbang patungo sa kotse.

Lumaba siya sa kotse at sinalubong siya ng suntok nang Lolo niya.

"You got suspended!?" galit na wika nito. "I trained you to be a perfect spy and because of one girl..."

"Kasalanan ko, pananagutan ko ang kasalanan ko. You can punished me all you want pero hindi ako aalis hanggang hindi ko nasisiguradong ligtas si Isabel."

Mas lalong nag dilim ang mukha nang Lolo niya, he was about to leave nang maramdaman niyang may tumama sa likuran niya.

Hindi lang isang beses kundi tatlo, he struggled.

Sedatives doesn't affect him that much pero may tumamang taser sa tiyan niya kung saan nandoon ang sugat niya.

Napasigaw si Timothy at napaluhod, napatingin siya sa Lolo niya. Nasa isip niya lang na kailangan niyang puntahan si Isabel.

He tried getting up pero isang taser na naman ang tumama sa likod niya.

He was half unconscious habang kinaladkad siya papasok sa kotse nang mga tauhan nang Lolo niya.


Pagka gising ni Timotheos ay alam niyang wala na siya sa pilipinas, he tried getting up pero naka tali ang mga kamay niya.

Hindi niya alam ilang araw siyang tulog at hindi niya alam ano nang nangyayari kay Isabel.

He found a way to remove the rope at agad siyang tumayo, walang bintana ang kwartong yun at alam niyang hindi niya mabubuksan nang ganoon kadali ang pintuan.

Alam na alam niya dahil kapag nagkakamali siya ay doon siya nilalagay nang Lolo niya bago ang parusa niya.

He felt hopeless kaya napaiyak si Timothy, wala siyang magawa. Hindi niya kayang protektahan si Isabel kapag nandoon siya.

MEN IN SUIT 2: Timotheos Eliades (Completed)Where stories live. Discover now