"Ouch!" Buti nalang ay pwet ko una bumagsak at hindi yun paa ko.

"Kb! Dito dali!" Tawag ni Iris kay kb na kakatayo lang mula sa pag sisid.

"Langya naman Iris ang sakit ng pwet ko! Hindi ka ba tumitingin sa daan?!" bulyaw ko at hinihimas ang masakit kong pwet.

But then I realize na meron ding malambot na bagay ang na hawakan nong isang kamay ko. So I squeeze it. Ba't ang lambot?

"B-Babe!" Tawag ni Kb sa akin.

"Gaga ka Sj kung gusto mo pa mabuhay. Alisin mo na kamay mo." bakit parang nakakita ng multo tong mga baliw na to?

"Are you done squeezing?"

Bigla nalang ako nanlamig dahil sa lamig ng boses nong nagsalita. Nilingon ko naman ng mabilis ang taong 'yon.

Nanlaki nalang ang mata ko nang makita na naglanding pala ang kamay ko sa boobs ni Ziallyn.

Tangena? Pano nangyari yun? Grasya?

"Z-Zi!" napalakas pa boses ko sa gulat.

"Still not enough?" Ha? Anong still not enough. Seconds later ay na gets ko na ang ibig sabihin niya.

"Z-zi, bakit andyan yung kamay ko?" Di ko pa pala natatanggal ang kamay ko sa dibdib n'ya. Ang bobo nong tanong ko. I mentally slapped myself.

"Why are you asking me? Kamay ko ba yan?" Tangena.

"Babe!" Anak ng tinapa, sabay naman kaming lahat napatingin kay bern. Hiningal ang gaga, nawala siguro to saglit.

Tumayo ako at mabilis na inalalayan si Zi at nagtago sa kanyang likuran.

"Bakit na naman ba bern?" Bored kong tanong sa kanya at inayos ang sarili. Medyo masakit pa rin yung pwet ko, nawala kasi saglit yung sakit nong may nahawakan akong gold.

"Bakit ka ba tumatakbo?!" Ay tumakbo pala ako.

"Hindi naman ako tumakbo?" Tinignan ko naman sila Iris at Kb na naghahabol ng hininga. Free exercise na rin yung ginawa nila.

Instead na sumagot ay lumapit ito sa akin at hinawakan ako sa braso.

"May gagawin ka ba bukas?" Wala naman magpapahinga lang sa bahay pero syempre hindi ako sasama sayo.

"Meron." tipid kong sagot at inalis ang braso nitong nakapulupot sa aking braso.

"Okay, fine. I need your number." ano ka sinuswerte? Hindi nga alam ni dragon at demonyo phone number ko!

"Wala akong selpon." sagot ko.

"Sinong niloloko mo?" Ikaw kasi uto-uto ka.

"I don't even know her number" biglang sabat ni Zi. Ay ay gusto mo number ko Mommy?

"So?" Mataray na sagot n'ya at tinaasan si demonyeta ng kilay. Naku ka talaga berna, makakatikim ka na naman ng sampal d'yan sige ka.

Go Mommy!

Humarang naman s'ya sa amin, pinagitnaan ba naman kami. Ay possessive rin si demonyeta.

"What are you doing? Bakit ba lage ka nalang nakikisali sa amin?!" Inis na saad ni bern at humalukipkip.

Bahagyan akong umatras at binalingan ng tingin ang dalawa kong kaibigan, na kanina pa tahimi---pota! san nila nakuha yang potato chips na nilalantak nila?!
Kaya sinamaan ko agad sila ng tingin.

"Bakit, may kayo ba?" burn baby burn, napa "O" naman ang mga bibig nila Kb at Iris.

"I'm pretty and popular at alam kong gusto rin ako ni Shara, e ikaw? May kayo ba?!" Hala walang kami no. Nanlalantak ng labi ko yan. Pero anong sabi n'ya, gusto ko daw s'ya? Buti pa s'ya alam na may gusto ako sa kanya. Samantalang ako, ni isang segundo hindi ko naisip yun.

ᴘᴜ : ꜰᴀᴠᴏʀɪᴛᴇ ɢɪʀʟ (ɢxɢ)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ