Kabanata 19

12.8K 305 23
                                    

Hindi ko alam kung saan nanggaling ang tila parang kirot sa aking dibdib nang mabasa ang text ni Henry. I didn't know what to feel. I just stared at it while my heart is pounding like hell.

Hindi ako makagalaw at nananatili lang akong nakatayo ro'n kung saan ako iniwanan ni Logan. Just right... after Logan left— and this happens.

My heart just skipped a beat when my phone rang. Tumatawag si Henry... nanginginig ang mga daliri ko at hindi ko alam kung paano 'yon sasagutin kahit pipindutin ko lang naman nag kulay green na button.

Bumilis ang paghinga ko at napapikit nang mariin. Mabilis kong sinagot ang tawag. Binilisan ko na lang ang bawat kilos ko para hindi ako kabahan lalo. I hate this kind of thing. It makes me extremely anxious.

"What do you want, Henry?" malamig kong panimula.

He sighed and slightly chuckled to lighten up the call. "Chill, sis. I just want to tell you that Mom is at the hospital. Inatake siya sa puso. Nag-away sila ni Daddy."

Napalunok ako at bahagyang nakahinga nang maluwag. Kinalma ko ang sarili ko matapos marinig ang dahilan ng pagtawag ni Henry.

Fuck. That really made me terrified. We should really put a context when messaging someone. It makes someone anxious. Even if it just a simple hello, it's still out and lack of context.

"How was she?" I just answered. Plainly.

"She's fine. Sinabi ko lang sa 'yo so you can visit her. Ando'n si Daddy. Binabantayan niya si Mommy. Busy ako, e. Pero binisita ko siya kahapon."

"Kailan pa... na-hospital si Mommy?"

"I called you but you didn't answer. Inatake na si Mommy no'n sa bahay pero hindi siya dinala sa hospital muna. Pinapunta na lang 'yung home doctor natin. And... few days ago, madaling araw 'yon... umuwi ako sa bahay, nagulat ako dinala na si Mommy sa hospital. Pinapuntahan ka sa akin ni Daddy, so I went there pero nagdalawang isip akong katukin 'yung bahay niyo. Maybe I can tell you some other time."

Mabilis ang pagkurap ko dahil sa narinig. I was trying to process what he said. Is he that guy?

"Ikaw 'yung lalaking naka-cap no'ng madaling araw?" Bahagya akong nakangiwi.

"Ha? Nakita mo ako? Pero... oo ako 'yon."

All along I thought it was someone. Akala ko magnanakaw. Akala ko papatayin kami. Pwede naman directly sabihin sa akin! Bakit kailangan pakabahin pa ako nang ganito? What the heck this family. Hanggang ngayon ba naman? Simpleng pag-message lang sa akin na nasa hospital si Mommy ay hindi pa magawa. My god!

"My god, Henry. You could have just told me directly. Pinatagal mo pa? Ano bang iniisip mo?" May iritasyon na sa aking boses.

He sighed. "Ayaw kitang guluhin, Yulia. Alam kong matagal mo ng gustong makaalis sa puder nina Daddy. So, I thought it was unnecessary to tell you that."

He has a point. Pero kung 'yon pala ang naisip niya... sana hindi na siya nag-missed call at hindi na siya nag-lurk sa bahay ng gano'ng oras. That's so intense! Inappropriate!

Napabuntonghininga na lang ako at sinuklay ang buhok ko papalikod dahil sa frustration na nagsibungad sa akin sa iisang tawag lang na 'to.

"I'll go there tomorrow. Pumunta ka rin. Ayaw kong mag-isa ro'n kasama si Daddy."

"I'm busy for tomorrow, Yulia. You can go there. Hinahanap ka na sa akin ni Daddy. As if we have connections. Hindi nga naka-save number mo sa akin at ang number ko sa 'yo. I just got your number from Dad's phone."

"I don't care about that Henry. Wala rin akong balak magkaroon ng connection sa 'yo kaya hindi mo na dapat sinabi sa akin 'yan. Let's keep having idle conversation. And... you should come tomorrow. It's a request." Ma-awtoridad ang aking boses.

The Ravels (Published under PSICOM Publishing Inc.)Where stories live. Discover now