Kabanata 1

24.6K 602 141
                                    

"My name is Perpatua Juli Buendia, I'm 10 years old and I want to become a doctor. They treat sick people and make miracles. Aside from that, they are the heroes of this generation."

Nagpalakpakan ang mga kaklase ko matapos kong i-present ang dream ko paglaki ko. May mga tuwang-tuwa sa sinabi ko dahil gusto rin nila maging doctor.

"Very good, Yulia! Okay Grade 6, please give Yulia more claps. She did a good job!"

I smiled like I'm happy and proud of what I did. But I know this is my dad's work. He wants me to look good in front of everyone. To look perfect.

They say I'm too young to know about this, but I guess age doesn't define someone's intellectual capacity. If someone is able to know, age won't be a hindrance.

Nakikita ko kung paano ako diktahan ng tatay ko sa bawat araw. Mula no'ng preschool ako hanggang ngayong elementary ako. Maraming dapat, maraming standard na dapat ipasa sa mga mata niya.

At ako naman... kusang ginagawa ang mga gusto niya. Bakit? Bakit ano bang magagawa ko kung lalaban ako? Minsan gusto ko maglaro muna bago mag-aral pero kahit maglaro ay bawal ko gawin.

Ni hindi ko kayang ma-enjoy ang pagiging bata ko. Iiyak lang ako sa kwarto ko kaharap ng mga libro. Hinihiling na sana hindi na lang ako naging isang Buendia. Na sana hindi na lang siya ang tatay ko.

"Next is Terrence."

Dumapo ang mga mata ko kay Terrence. He's my crush. I used to write letters for him. Gusto ko sana siya maging kaibigan. Palihim ko rin siyang binibigyan ng baon ko. Pero hindi niya tinatanggap.

"My name is Terrence Calix Dy. I'm 10 years old and I want to become a seaman. Gusto ko pong maging katulad ng papa ko po. Gusto ko rin pong sumakay sa malalaking bangka!"

He's proud of what he's saying. I can sense his genuineness that he's really passionate about it. He really wanted that. And I envy him.

Pero pagtapos niya ay ako lang ang pumalakpak. Nagtaka ako pero unti-unti ko ring na-realize at naalala na may kapangyarihan pala ang tatay ko kaya pala espesyal ako.

Bumalik si Terrence sa upuan niya na malungkot. Mukhang siya lang kasi ang natuwa sa pinresent niya pero pumalakpak naman ako. I am happy for him!

Pagkatapos ng klase ay nilapitan ko siya. "Terrence, gusto mo pala mag-seaman?" Ngumiti ako sa kaniya.

Naiilang siyang tiningnan ako na para bang may takot. "Oo, bakit? Bakit ka pumalakpak kanina?" May ibang tono na sa kaniyang boses.

Ngumiti pa ako nang mas matamis. "Kasi maganda ang sinabi mo! Maganda 'yung presentation mo. At mukha kang masaya sa gusto mo."

Nangunot ang noo niya. "Tigilan mo nga ang pagpapanggap na masaya ka para sa akin. Sarili mo lang naman ang iniisip mo, kayo ng pamilya mo mga masasama kayo!" Namuo na ang mga luha niya at tumakbo palabas ng room.

"Oh my god! Yulia, okay ka lang? Nako namang bata 'yon... bakit ka niya sinigawan?  Sinabihan ka pa ng masama!" Lumapit agad ang teacher ko sa akin at wala man lang ginawa para kay Terrence.

Imbis na sagutin ko siya ay natulala ako sa pintuan kung saan lumabas si Terrence. Naaawa ako sa kaniya. I know that my dad did something to his family.

He once mentioned it to me... that I am too young to have crushes. So, he knew? Alam niyang may crush ako? Nalaman niyang si Terrence ang crush ko? At may ginawa agad siyang masama sa pamilya niya?

Funny how he thinks that a 10-year-old kid cannot comprehend this. Na hindi ito makakaapekto sa akin. I don't even have social life. Mukha ako palaging trying hard sa pagbibigay ng compliment.

The Ravels (Published under PSICOM Publishing Inc.)Where stories live. Discover now