Chapter 36: Decision

Start from the beginning
                                    

          "Kissing my wife?" =______=

          "Anong wife?! Hindi pa naman tayo kasal ah!"

          "Doon na rin ang punta nun!" sabi nito saka nito kinuha yung kanang kamay ko. "See this?" sabi nya saka tingin sa singsing na bigay nya sa akin. "I'm going to change this into the most expensive stone on earth. And by that time, I will make the best proposal a man can ever do for the girl he loves."

          "Ano ka ba! Wala naman sa akin yung price nung ibibigay mo eh! Ang mahalaga, galing sa'yo. Wala naman sa mahal ng singsing iyon eh! This ring is enough."

          "That is not enough!"

          HUH?!

          "I really love you and you're the most precious person to me so I want to give you only the best among the best." seryosong sabi nito. "Kaya ihanda mo sarili mo sa second proposal ko sa'yo!" nangingising sabi nito saka tumayo.

          Tinulungan akong tumayo ni Viel at saka nya ako pinatayo sa harapan nya. He's holding my both shoulders while wearing this oh so happy smile on his face.

          "Soon my name and yours will be the same. Kaya Miss Hanna Adriano, be ready to be become Mrs. Hanna Adriano-Arvueva."

          Napangiti na lang ako sa kanya sabay napahampas sa braso nya.

          "Alam mo kahit kailan talaga ng corny mo talaga Viel!"

 "Yeah so?" bale-walang sabi nito. "If being corny is enough to make you smile, then, I'm more than willing to become a comedian just to see you smile every day."

He put his forehead to mine without breaking our eye contact. And Viel never fails to make my heart skip a beat whenever he acts this way not even for a second. Sino ba namang hindi kikiligin sa ginagawa nya di ba?

Bad boy being romantic...well, that's insane! Insanely romantic.

"Pero Viel paano yung pagiging professor mo dito? Alam mo naman na bawal 'tong ginawa natin di ba?"

"Walang bawal-bawal sa akin Hanna! At isa pa, I filed for cancellation of contract. Aalis na ako sa school na ito. Then, we can be together without being the center of everyone's attention. Me and you as normal person not student and a teacher."

Nakahinga ako ng maluwag sa sinabi ni Viel. So hindi na pala sya magiging professor dito. That's a good news. But the other problem is...

Llyod.

I don't want to hurt him since he's been a good boyfriend to me for this past 6 months. Kaya mahirap para sa akin ang hiwalayan sya. Mahirap hindi dahil sa may nararamaman ako sa kanya. I only love Viel and what I have for Llyod is quite...an admiration only.

          "Viel, pano si Llyod?"

          Biglang sumama yung mood ni Viel pagkabanggit na pagkabanggit ko sa pangalan nya. Lumayo sya sa akin saka ako tinitigan ng masama.

          "O? Anong gagawin ko sa kanya? Hiwalayan mo na!"

          "Pero hindi ganoon kadali iyon Viel!"

          "Paanong hindi madali? You will just say 'let's break up!' tapos!"   

          =_________= Oo. Tama. Ang dali nga sa kanya nung bagay na iyon. Tsk!

          "So, kapag makikipaghiwalay ka sa akin ganoon lang kadali ganon ba?"

          "Oo, Madali lang..."

          Nagulat ako sa sinabi nya.What the?!

          "Madali lang iyon dahil wala naman akong balak makipaghiwalay sa'yo eh!"

          O/////O Yeah! Viel is still Viel. He always surprise me.

          "Tapusin mo na yung relasyon nyo ng makapagpakasal na tayo!"

          Demanding! Makapag-utos naman 'tong tao na 'to akala mo ang dali ng pinapagawa nya! Saka anong kasal?! Ang aga pa kaya!

          "I don't want to hurt Llyod..."

          "So anong gusto mo? Yung ako yung masaktan mo?"

          "Ano ka ba! Hindi sa ganoon—"

          "Bakit paano ba?! Sabihin mo nga!"

          Here we go again. Bakit ba ang kitid ng utak ng taong 'to?

          "When it comes to love, may masasaktan at masasaktan ka talaga Hanna. Ngayon kung mas pipiliin mong saktan ako kaysa ang saktan yung Llyod na iyon...fine!" sabi nito saka padabog na binuksan yung pinto at lumabas.

          WHAT THE?! Anong problema noon?! Nagsasabi lang naman ako ng side ko ah!

          Pero tama si Viel. May tama sya doon sa sinabi nya.

          Hindi pwedeng wala kong masaktan. May masasaktan at masasaktan talaga ako sa kanilang dalawa.

          Ngayon ang magiging tanong, sino ba ang hindi ko kayang saktan sa dalawa?

A/N: Pinaka nakakakilig na halikan ni Hanna at Viel so far! Waaaa~! >///<

 

Ayan na! Hiwalayan na ang next chapter! Iready an ang panyo at payong dahil luluha kayo ng dugo sa next chapter! Pero syempre, echos lang iyon! XD

 

Leave comments and votes guys. Thanks!

My Ex, My ProfessorWhere stories live. Discover now